Chapter 13

19 0 0
                                    

"Bumangon ka'na nga."



Bungad sa'kin ni Eira pagkapasok niya sa kwarto ko. Tiningnan ko lang siya at hindi pinansin. Bumangon na'man ako kanina para pumunta sa C.R. pero bumalik nga lang ako sa kama para humiga. Niyakap ko nalang 'yung unan ko at tumingin kung saan. Wala 'kong gana na lumabas ng kwarto ko.



"Oh, bakit 'di mo sinasagot yan?"



Hindi ako sumagot sa'kanya. Nakita ko na'man na napailing nalang siya bago lumabas sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table. Bumuntong hininga ako bago tingnan 'yon.



hayessuarez: Good morning



hayessuarez: I'm already here



hayessuarez: where are you?



hayessuarez: Are you still sleeping?



Bumuntong hininga ulit ako bago nagtype nalang na hindi ako tatakbo ngayon at huwag na siyang maghintay pa. Hindi ko pa rin kasi siya kayang harapin. Sa tuwing naaalala ko 'yong picture na 'yun naiinis lang ako at nasasaktan.



Kahit tinatamad, bumangon nalang ako sa kama ko at inayos 'yun bago lumabas ng kwarto.



Pumunta ako sa dining table at tahimik lang na kumain ng almusal. Ramdam na ramdam ko na'man na nakatingin sa'kin si Eira, pero hindi ko nalang siya pinansin. Alam na rin na'man niya kung bakit ako nagkakaganito.



Lumipas ang limang araw 'di ko pa rin nakikita si Hayes. Sa tuwing nag me-message siya na gusto niyang makipagkita sa'kin. Nirereplayan ko lang siya na may ginagawa ako. Pag nagkakayayaan na'man at alam ko na kasama siya dun, hindi na 'ko sumasama para lang maiwasan siya. Naguguluhan na rin ako sa mga pinaggagawa ko, idagdag pa na miss na miss ko na siya.



"Oh, bakit nakabusangot yan? Parehas na tuloy kayo ni Eira."



Tanong ni Levi ng makita niya 'kong nakaupo sa sofa. Kaagad na tumabi siya kay Eira na ngayon ay nakaupo rin sa isang sofa, nandito na na'man kasi kami sa condo ni Eight. Ayoko sanang sumama kaso pinilit nila ako, ilang araw na raw kasi 'kong nasa condo lang.



Tiningnan siya ng masama ni Eira at kaagad na hinampas sa braso niya.



Natatawang umiling si Levi. "Hindi, ano... Parehas kayong maganda." Sabi niya at tinuro pa si Eira. "lalo na 'to."



"Umalis kana nga, hahampasin talaga kita." Banta ni Eira.



Ngumiti si Levi. "Sanay na'man ako masaktan para sa'yo."



Biglang nanahimik si Eira. Natatawang piniltik na'man ni Levi ang noo niya. "Ito na'man kinikilig."



Agad na napahawak si Eira sa noo niya at malakas na hinampas siya sa braso pero tinawanan lang siya ni Levi at mas lalo pang inasar. Magbabangayan pa sana sila ng 'di lang magsalita si Mavery.



"Heart broken yan." She pointed her index finger at me.



Kumunot ang noo ni Levi. Tiningnan niya si Mavery bago binalik ulit ang tingin sa'kin.



"Totoo?"



"Oo." Sagot ni Lea.



I tilted my head to look at Eight. Akala ko may sasabihin rin siya pero tahimik lang siya na nakatingin samin.



"Congrats, finally." Pagbati ni Levi at lumapit pa sa'kin para makapagkamay.



I slapped his hand. "Sayang-saya, Levi?"



Until the Midnight (La Querencia Series #1)Where stories live. Discover now