"Kinakabahan ka?"
Tiningnan ko ng masama si Eira. Malamang kabado 'ko, magpapabalik-balik ba 'ko sa paglalakad kung hindi? Naalala ko na na'man tuloy ang mga ginawa 'kong preparasyon kanina.
Biruin mo tulog pa si Eira naliligo na 'ko tapos 'yung damit ko kagabi pa nakahanda. Hindi talaga ako mapakali. Kinakabahan pa ako ng sobra kung paano ko ipapakilala si Hayes sa mga magulang ko.
Huminga ako ng malalim. Kailangan ko makapagisip ng maayos kung gusto ko pa manatili sa bahay namin.
"Tumama ka na nga kakalakad, nahihilo na 'ko sa'yo." Pagsasaway ni Eira sa'kin.
"Bakit ba? Kinakabahan ako, okay?" Humarap ako sa'kanya.
Tumawa siya. "Paano kaya pag magulang niya na, baka maghandusay kana?
Nanlaki ang mga mata ko at agad na umupo sa tabi niya. Mas lalo ata lumala 'yung kaba ko. Hindi muna 'ko nagsalita at inisip lang ang sinabi niya. Ano kayang gagawin ko pag nagkataon na magulang niya na?
"Don't tell me you're going to bang your head to the wall?" She raised a brow.
"Medyo."
"Shit! I need to call them."
Kaagad na kinuha niya ang phone niya at pumunta sa GC namin, nag ring 'yun ng ilang beses bago isa-isa nilang sinagot 'yon, siyempre nangunguna na dun ang boses ni Mavery.
[Oh my, don't tell me you have chika?] She excitedly asked.
Kumunot ang noo ni Lea. [Huh? Anong meron?]
[It's too early, let me sleep.] Sambit ni Eight na nakapikit ang mata at halatang nakahiga pa rin sa kama niya. Ang aga na'man kasing tumawag ni Eira.
Tumawa si Eira. "Bigyan ko kayo ng clue."
Tiningnan niya ako na mapangasar, agad ko siyang sinamaan ng tingin pero 'tong babaeng 'to, tinaasan niya lang ako ng kilay at kaagad na tumingin ulit sa phone niya.
"Dalaga na 'to, may manliligaw na pero sa magulang muna daw."
Nagulat ako ng may biglang tumili. Tumingin ako kay Mavery, she's covering her mouth with her hands, halatang kilig na kilig, e.
[My gosh, finally!]
[Should I throw a party right now?] Mavery asked while laughing.
"Oh 'wag ma-excite, baka 'di matuloy." Natatawang saad ni Eira.
Kaagad ko siyang hinampas sa braso niya. Bakit na'man 'di matutuloy? Masiyado siyang mapanakit, ah. Tumingin lang siya sa'kin bago tumawa na na'man. Papalayasin ko na talaga 'to.
"Wait, may ia-announce pa ako." Pagsisimula ni Eira. "Kailangan niya ng payo natin, kabado e."
[You asked for the right person, Azi.] Sambit ni Mavery, hindi ko na rin makita 'yung mukha niya dahil sa sobrang galaw ng phone niya. Paano tawa ng tawa.
"So.. ano 'yon?" I raised my brow.
She giggled. [Kiss him in front of your parents.]
"Mavery!" I hissed.
[What? I'm just helping you.] She answered innocently.
YOU ARE READING
Until the Midnight (La Querencia Series #1)
Teen FictionUnder this cloudy midnight, the last words that came out of his mouth were also the words that broke my heart into a million pieces. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.