"Anong floor ba?"
Pumasok ako sa elevator at sinulyapan ang mga numero.
"7th."
Pinatay ko ang tawag at pinindot ang 7th floor. Niyakap ko ang isang plastic ng lemons na nirequest ng kaibigan na naglilihi.
The elevator stopped at 3rd. Pumasok ang isang lalakeng naka suit at ayos na ayos. He excused himself before he pressed the 16th button.
Umatras ako at bahagya siyang sinulyapan. He smells so good. Nag iwas ako ng tingin at bahagyang umubo.
I tapped my foot on the ground to calm myself a bit while he stood beside me.
"7th?" He suddenly talked.
Napalingon ako sa kanya to confirm if he's really talking to me. Nilingon niya ako at nginitian.
I was mesmerized for a second before I finally pulled myself together. Mabilis ako tumango at nataranta. The elevator suddenly opened and I was so shocked na nabitawan ko ang plastic ng lemon.
Gumulong ang mga lemons at natataranta akong lumuhod para pulutin. The guy helped me while I remained nervous and shivering from embarrassment.
Naramdaman kong sumara ang elevator kaya natigilan ako. Kung hindi pa may humawak sa kamay ko para maka focus ay hindi ko mapupulot ang ilang natirang lemon.
"S-Sorry..."
Naiiyak na ako sa kahihiyan. Kinuha niya ang huling piraso ng lemon at ipinasok ito sa supot bago ako tinulungan na tumayo.
Yumuko ako at kinagat ang labi. Inabot niya sa'kin ang supot na nanginginig kong kinuha.
"Are you okay? Why are you trying to apologize?"
"N-Natapon 'yong lemon-"
"So?"
Napatingin ako sa kanya. To my surprise, he's actually grinning while looking at me. Mabilis akong yumuko ulit.
"How is it your fault?"
"W-Wala..."
Mahigpit ang hawak ko sa supot ng lemon nang hawiin niya ang buhok ko. Gulat na gulat akong natulala sa kanya.
"Are you sure, you're fine?" He asked gently.
Mabilis akong tumango at bahagyang umatras. He noticed it so he walked closer to me.
"I'm Leo." Nilahad niya ang kanyang kamay. "Nice to meet you..."
Tinanggap ko ang kamay niya. "Yella... Nice to meet you too..."
I saw how he smirked as he squeezed my hand.
"So I hope this is not the last time I'm meeting you?"
The elevator opened. Nasa 16th floor na kami pero hindi siya kumilos agad. Nag aalala ko siyang tiningnan.
"Floor mo na-"
"I need your answer before getting out of here..."
"Huh?"
Nilingon ko ang elevator na malapit nang sumara. Mabilis akong tumango. Kabado.
"Is it a yes?"
He's still not moving and the elevator is almost closed!
Tinulak ko siya at tumango akong muli pero hindi siya natinag kaya paulit ulit akong tumango.
"Yes. Oo. Go now!"
Natatawa siyang nagpadala at lumabas ng elevator. Mangha ko siyang tiningnan na hindi pa rin umaalis at nakatingin sa'kin mula sa labas.
"Don't ghost me, Yella." He smirked.
I slowly smiled and nodded. "I won't."