4: Let's leave

9 3 1
                                    

"I'm getting back from work." Masaya kong balita sa kanya.

He smiled back and hugged me from the back. "Really? Then we'll have less time to meet?"

Nawala ang ngiti ko. Pero agad ko rin na binalik bago siya nilingon.

"You're forever in my heart naman." I giggled.

Tumawa siya at pinisil ang ilong ko.

"I don't believe you."

I smiled genuinely at him. "Believe me."

Nawala ang ngiti niya bago ako seryosong tiningnan. "I love you," and he kissed me.

I responded and kissed him back. Kumirot ang puso ko bago ko siya hinawakan sa pisngi at tuluyang dinaganan.

"Yella-" he sensed what I am trying to do.

Pinigilan niya ako at hinawakan sa braso para ilayo sa kanya pero hindi ako nagpatinag. I continued kissing and touching him while he continued pushing me.

"Yella!" He growled.

Tumulo ang luha ko bago ako galit na lumayo sa kanya. I punched him on his chest at gulat na gulat siya sa ginawa ko at sa biglaan kong pag luha.

"Yella..."

"You told me you love me!"

"I love you! Pero hindi ganito-"

"Then why can't you give in?!"

"I respect-"

"Putanginang respect!"

Tumayo ako but he was fast to hold my hand and pull me towards him. Sinalubong niya ako ng mariin na halik at haplos.

I immediately kissed him back while I tried to unbutton his polo. Nagpaubaya siya kaya naman mabilis ko itong nahubad. I touched his chest.

"I love you." He whispered in between our kisses.

Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa ginagawa. We ended up doing it. What I wanted. My last straw before doing a decision that will benefit the both of us.

Gabi at tulala ako sa kisame. Nakahiga ako sa kanyang braso habang nakayakap siya sa'kin. He moved a bit and my eyes are immediately to him.

He's still asleep. Tumutulo ang luha ko habang tinititigan siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mahal na mahal kita. Sobrang mahal kita pero para akong anino mo. Para akong nasa loob ng madilim at walang laman na silid. Malungkot at malamig.

Gusto kitang tanungin pero ayaw kitang mawala. Ang gulo gulo na ng isip ko pero mahal na mahal pa rin kita.

Leo, ano ba ako sa'yo? When you told me you want to live with me and be your wife, when you told us to go far away, what do you mean by that?

Are you hiding me? But I'm afraid. Natatakot ako na tama lahat ng hinala ko at mawala ka sa'ken. Hindi ko kakayanin. Ayoko.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Kanina, gusto kong sagutin ang 'I love you' mo pero hindi ko magawa. Kasi kahit gaano kita kamahal, 'yon na lang kasi ang matitira sa'kin kung sakaling hindi ka nga nakatakdang mapunta sa'kin.

I love you so much. I can't be vocal but I hope you feel it. I hope you feel that no matter how fast this relationship was, my love for you was truer than true.

"Why are you crying?"

He slowly opened his eyes. Sinalubong ko siya ng matamis na ngiti.

"I'm just happy..."

"Really? Or it still hurts?"

"No. This is tears of joy."

He smiled warmly before hugging me tight. He caressed my hair and he hummed a song. Pumikit ako at mas lalong naiyak.

"I love you. Wait a bit more. Aalis tayo dito..."

Kagaya ng mga araw na natitigilan ako sa tuwing pinaparamdam niya sa'kin na hindi dapat ako malaman ng iba at gusto niyang lumayo dahil dapat akong itago... Nakaramdan ako ng panliliit.

Nanginig ang labi ko sa sakit. Hinayaan ko siyang yakapin ako at lambingin ako habang nagkakanda buhol buhol na ang kung ano sa kaloob looban ko.

Hinayaan ko siyang isipin na masaya ako kahit na halos humagulgol ako sa sa sakit. Mahigpit ko siyang niyakap bago ako tumango.

"Talaga? Ilalayo mo ako?"

"Oo. Lalayo tayo dito."

Tumango ako. "Sige. Sasama ako."

To The NeverlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon