Paulit ulit kong binasa ang last message ni Leo sa'kin.
'I can't meet you today. Babawi ako next time.'
Bumuntong hininga ako bago hinubad ang jacket na suot pero agad din na binalik nang may maisip.
I called Drei and she immediately answered. "Ano? Niloko ka na ba?"
Tumawa ako. "Hindi. Andiyan ba asawa mo?"
Pinulot ko ang tote bag ko at sinuot ang sandals.
"Wala. He's overtime..."
"Pupunta ako."
"Go! Dala ka mangga."
Pinatay ko ang tawag at mabilis na bumaba ng kwarto. Nakasalubong ko si mommy na may kausap sa phone.
"Ma, I'm going kay Drei,"
"Oh, gabi na?"
"It's fine. I'll drive."
"Sige. But don't sleep over. Baka nakakaistorbo ka sa mag asawa..."
"Yes ma,"
"And also, may mangga diyan. Naisipan ko lang na bumili kanina. Bring some for Drei."
Napangiti ako. Hindi ko na kailangan dumaan ng bayan!
"Thanks ma..."
"Drive safe."
Kumuha ako ng tatlong pirasong mangga bago tuluyang dumiretso sa sasakyan at umalis.
Mabilis lang ang biyahe at walang gaanong traffic. Tumatalon talon pa ako pagkababa ng kotse nang may makasalubong akong batang lalake.
1 or 2 yrs old? Tabingi pa ang kanyang lakad. Hinawakan ko siya sa braso at luminga linga sa lugar. Walang tao. And this is parking lot. Who would leave a child sa parking lot?
"Pa!"
Nilingon ko ang bata. Naaawang kinarga ko siya.
"Baby? Who left you here?"
Tumuloy ako sa loob ng building. Dumiretso ako sa guard na bahagyang nagulat sa presensiya ko.
"Kuya, napulot ko 'yong bata sa parking lot..."
Nanlaki ang kanyang mata. "Naku! 'Yan 'yong batang kanina pa hinahanap ng kanyang nanay!"
"Talaga? Asan 'yong nanay, kuya? Bakit kasi pinababayaan? Gabing gabi na po!"
"Naku, 'yon nga e. Bumababa kasi ang nanay ng bata, dinala ata dahil walang magbabantay sa unit nila dahil wala rin 'yong tatay. Kanina pa iyak nang iyak 'yong nanay. Naku! Buti talaga at nakita, magpapa rescue na sila e."
Dumiretso ang guard sa ilang tao pa sa loob. May kinausap at tumango tango. Hinaplos ko ang bata at bahagyang nakaramdam ng inis. Bakit parang normal lang sa kanila na may mawalang bata?
"Pa!"
"Yes, baby..."
I smiled at him and he chuckled.
"Ma'am?"
Hinarap ko ang babaeng paniguradong nagta trabaho sa building na 'to.
"Ano?" Iritado kong tanong.
"Pwede po bang iakyat niyo muna siya sa unit niyo?"
"Huh?"
"Dito po ba kayo nakatira? Nasa police station po kasi 'yong nanay ay hindi macontact si father. Can you please, do us a favor na isama muna siya? Dahil hindi rin po magiging maganda ang epekto pag nakita po ang bata na nasa labas pa at gabing gabi na..."
Halos sigawan ko siya. How irresponsible! Hindi ako makapaniwalang ganito magtrabaho ang mga tao dito? Mamaya ay kakausapin ko agad si Drei na lumipat ng condo!
"7th floor. Room 072."
Umirap ako at dinala ang bata. Hindi rin maganda kung iiwan ko ang bata sa kanila. Mabuti nang ako ang magaalaga habang wala ang isa pang iresponsableng nanay!
Kinatok ko si Drei na agad nagbukas. Laglag ang panga niya nang pumasok ako habang tumatawa ang baby sa kanlungan ko.
"You became a mother overnight?! Sana all!"
"Shut up Drei, may gatas ba kayo diyan? Baka nagugutom ang bata..."
"M-Meron. But what happened?"
"Milk first. I'll tell you after."
Mabilis siyang nagtimpla. While the child drinks his milk, kinuwento ko kay Drei ang nangyari at tulad ko, nagpupuyos siya sa galit at binabalak na kausapin ang asawa para lumipat agad. She said she can't imagine if her baby would disappear and the people here will work like that.
"He's so cute..."
Kinurot ni Drei ang pisngi ng bata. Ngumiti ako at nakita ang nunal sa likod ng kanyang kaliwang tenga.
"Gwapo 'to paglaki."
Sunod sunod ang doorbell sa pinto ni Drei. I'm sure it's the mother.
Binuksan ko ito bitbit ang bata pero hindi na nakapagsalita nang agad niyang kunin ang anak sa'kin at humagulgol.
"I'm sorry! I'm sorry!"
Natameme ako at parang naubos lahat ng binalak kong sabihin na masasakit na salita sa kanya. Sinulyapan ko si Drei na mukhang gano'n din ang nararamdaman.
"Hindi ko kaya. Hindi ko kaya pag nawala ka, anak. I'm sorry. I'm sorry your mommy is stupid. I'm sorry I'm your mother. I'm sorry!"
She continued crying and we waited for minutes before she finally stopped and faced us. Mugto ang kanyang mata. Namumula ang pisngi, ang labi ay tuyot na tuyot. Namumutla rin at mukhang hindi nagsuklay.
Ang damit niya ay baliktad. She looks so devastated but her beauty won't be ignored that fast. She's beautiful. Marahil ang insidenteng ito ay nakapag stress sa kanya ng sobra. Guilt crept in me as I remember how much I want to curse at her earlier.
"I'm sorry for the trouble at salamat..." Nanginginig niyang kinuha ang kamay ko at maliit na ngumiti. "Maraming salamat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung mawala ang anak ko. Maraming salamat."
Sa huli, isang tango at ngiti ang naibigay ko. "Please don't lose him again..."
"Never again." Boses ng isang matapang na ina ang narinig ko bago siya tuluyang umalis.
The baby smiled at me and I smiled back. Tinapik ni Drei ang balikat ko.
"She's a mother..." She said.
Tumango ako. "She is."