"Yella! May naghahanap sa'yo!"
Bumangon ako sa kama at malamyang bumaba. Kumurap ako at nakita ko ang guilty na mukha ng kaibigan.
It's been months since I last saw her and I miss her so much. Sinalubong ko siya ng yakap kahit na medyo nahihilo pa ako sa pagkakahiga.
4 na buwan na kami ni Leo at kahit minsan, hindi ko sinubukang tanungin siya kung ano ba ang magiging sitwasyon namin. He just keep on assuring me that we'll eventually leave wherever we are at magsasama kami sa lugar kung saan kami lang na dalawa.
I put up with it. Gaya nang desisyon ko noong ibigay ko ang lahat sa kanya. The moment I gave myself to him was the moment I told myself na hanggat walang hahadlang, sa kanya ako kakapit.
Bibitaw ako pag alam kong dapat pero hanggat kaya ko pa at wala kaming problema, siya lang ang igigitna ko sa lahat. Siya lang.
"I miss you, Drei!"
"I miss you so much, Yella! And I'm sorry!"
Nakapagdesisyon kaming dalawa na mamili ng mga gamit ng kanyang anak. Alam na niya ang gender. Baby girl.
"This is cute!"
Pinakita ko sa kanya ang hawak na kulay pink dress at may ruffles. Hinawakan niya 'yon at tumango.
"Bilhin natin."
Nagpatuloy kami sa pamimili ng mga gamit ng kanyang baby and coincidentally, nakakita ako ng pamilyar na mukha.
"Do you want this?" The woman with familiar face asked her son.
Tumawa ang bata. Napangiti ako at naglakad papunta sa kanila.
"Hello!" Bati ko.
Nilingon ako ng babae. Nanlaki ang mata niya at agad akong hinarap. I smiled at her.
"Nakita nanaman kita. This time, with your son. Hindi ako nakapagpakilala sa'yo no'ng una but let me introduce myself formally..."
Tumango siya.
"I'm Yellaine. You can call me Yella. And her," tinuro ko ang kaibigan ko. "The pregnant girl is my bestfriend. Unit niya 'yong pinuntahan mo dati."
"Oh! Ako si Gray," nilahad niya ang kamay. "And this baby I'm holding, the one you saved is Lemon. He's my son."
Ngumiti ako at kinurot ang pisngi ni Lemon. Pumungay ang mata ko habang tinitingnan ang pamilyar niyang ekspresyon. He's smiling with his eyes and two dimples.
"Oh, mauna na kami. Andiyan na ata ang papa niya..."
Kumurap ako at bahagyang umatras.
"A-Ah... Sige. Nice meeting you..."
She nodded and tapped my shoulders. "I will be forever grateful and thankful for meeting you."
Tumalikod siya at dumiretso sa kung kanino. Sinundan ko sila ng tingin at unti-unting nawasak ako nang makita kung kanino sila patungo.
"Yella, gusto mo ba ng maternity dress? Kahit hindi ka buntis, pwede mo naman 'tong gawin na pantulog-"
Drei stopped when she noticed I'm not responding. Sinundan niya ang tinitingnan ko at bahagya akong niyugyog.
She never met Leo. She didn't know what he looks like. Today, she'll know how he looks.
Those piercing brown eyes. Proud nose and thin lips. The mature jaw and tall height. That lean body every man would wish to have. Those dark and brooding features. The man I love. My boyfriend who promised to leave everything behind and leave with me peacefully somewhere.
Leave everything? Even his son? How jerk. Pagak akong ngumiti at hinarap si Drei na nagaalalang nakatingin sa'kin.
That man... That man right there... I don't know if this is real but I'm hurting so much. Dinig na dinig ko kung paano siya tinawag na papa ng bata.
All along, my guess was right. He's committed. He has a son. I am a mistress. Alam ko na 'to. I expected this. Hindi ko lang alam na kahit alam kong ganito ang ginawa niya, iniisip ko pa rin na baka may pag asa pa kaming dalawa.
Humagulgol ako at sinandal ang sarili ko sa kaibigan. Sobrang sakit ng puso ko. I am breaking. Hilong hilo ako at gusto kong matumba pero ayokong makaagaw pa ng atensiyon.
"Let's get out of here, Drei..."
"Yella-"
"Please!" I cried more.
Tulala ako sa sasakyan. Hilong hilo ako at feeling ko, matutumba ako kahit anong oras.
Hinawakan ko ang kamay ni Drei at nanghihinang nag salita.
"H-Hos... Hospital..."
My eyes started to get blurry at onti na lang, talagang mawawalan na ako ng malay.
"What?!"
"H-Hospital-"
Everything went black.
"She's two months pregnant."
Pumikit ako. Ni hindi matingnan ang doctor. Buntis ako? Talaga?
"A-Ano?"
I heard Drei started crying.
"Pakiulit po. Ano po?"
"I'm pregnant." Ako ang sumagot.
I have a feeling. Now it's confirmed.
"Yella! Idol na idol mo ba ako at nagpabuntis ka rin?!"
Ngumiti ako. "Siguro..."
"Just to warn you, mommy... You're pregnancy is quite sensitive. Normal ang nangyari sa'yo kanina but I suggest vitamins for the baby's health. Hindi ka rin gano'n ka healthy kaya naman kumain ng gulay, mommy. Iwas muna sa fastfood at mga chips. Hindi rin makakabuti kay baby kung masyadong stressed si mommy kaya I'm suggesting you to see a psychiatrist for your mental health-"
Marami pang sinabi ang doctor. Lahat 'yon ay parang hangin na lumalabas sa tenga ko. Drei kept on crying hanggang sa nasundo kami ni Johnson. They're both so concerned for me but I think it's not right. Masyado ko nang naaabala ang mag asawa. Buntis din si Drei at ayokong pati siya ay madamay pa sa problema ko.
Kaya naman nang nahatid ako sa bahay ay mahigpit ko silang niyakap na pareho at nagpasalamat. Umiiyak pa rin si Drei bago ako tuluyang tumalikod. Johnson is there for her so it's alright.
Hinaplos ko ang aking tiyan.
"It's alright baby. I'm here for you..."