Warning:R-18
ANG sakit pala kung malaman mong lahat ng taong nakapalibot sayo ay puro mga kasinungalingan lang yung sinasabi sayo. Pero alam niyo kung anong pinaka masakit? Pati yung mga taong pinagkatiwalaan at minahal ko ng bou ay puro mga hangin lang yung mga sinasabi sa akin. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko, bakit nila nagawa sa akin ito? Hindi ba pamilya yung turing nila sa akin? Hindi ba nila ako mahal? Bakit kailangan pa nilang itago lahat ng totoo?
"mom, dad. Bakit po? Saan po ako nag kulang? Ano po yung kasalanan ko para gawin niyo sa akin ito? Mahal na mahal ko po kayo. Wala araw at oras na hindi ko kayo iniisip sa tuwing aalis ako ng bahay noon-hanggang ngayon. Pero bakit? Ginawa ko naman lahat para maging mabuting anak sa inyo. Oo aminin kung minsan matigas ang ulo ko pero nag so-sorry naman din ako sa inyo. Bakit kailangan pa sa iba ko pa malaman lahat daddy, mommy?"
Napahagulhol ako kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin. Napapikit ako habang dinadamdam yung malalig na hangin na bumabalot sa katawan ko. Tirik na titik ang araw pero hindi ko iyon naramdaman dahil nga sa subrang lakas ng hangin.
"wag mo akong lukohin zakey! Ayaw kung makinig sayo!" tinakpan ko yung tainga ko para hindi ko marinig yung mga kasinungalingan niya.
"just fvcking listen kesha!" pilit niya ding tinatanggal ang kamay ko.
"ayaw ko nga!" lumayo ako sa kanya pero useless lang din dahil lumapit siya sa akin at tinulak ako ng malakas sa sofa dahilan ng paghiga ko. Tatayo na sana ako ang kaso ay mabilis pa kay flash ang pagdangan niya sa akin. Shet! Nagulat ako sa ginawa niya. God! Naka skirt ako tapos cycling short at panty lang yung sout ko.
"listen." matigas niyang utos.
Tumingin ako sa kanya. "ayaw ko. Alam ko namang sinasaktan mo lang ako." hinawakan niya yung magkabila kung pulso at tinaas ito sa may uluhan ko banda.
"asawa ko ang ate!" sigaw niya sa akin.
Nangunot ang noo ko. "a-asawa? P-paano?" ang sakit bwisit!
"i don't know." napaawang labi ko.
"zakey please. Kung saktan mo ako sana naman hindi sa ganitong paraan." pilit kung binabawi yung kamay ko pero ang lakas niya.
"dahil yun ang totoo kesha."
Umiling ako. "patay na si ate." sigaw ko sa mukha niya. Buti nalang at sound proof tong opisina ko.
"bakit ba ayaw mo akong pani-"
"dahil nag sisinungaling kalang! Alam kung sinasaktan mo lang ako at si ate ang ginagamit mo! Ganyan kana ba talaga ka disperado zakey? Ginagamit mo yung ibang tao at patay pa para lang saktan ako?"
Napapikit ako ng maramdaman ko yung matigas na bagay na tumutusok sa puson ko. Hindi ako tanga para di alam kung ano iyong bagay na yon.
"come with me, then." sabi niya bago tumayo. "papatunayan ko sayong totoo lang sinabi ko. Hintayin kita sa parking lot." sabi niya bago lumabas.
Pagkasara palang ng pinto ay doon ko nalabas lahat ng sakit at luha na kanina ko pa gustong ibuhos. Bakit ba ako na inlove sa bwisit na lalaking yun! Bakit siya pa kung pwede namang iba nalang na mas higit pa sa kanya.
Napadilat ako ng marinig ko yung pag ring ng phone. Pinahid ko muna ang luha ko bago ko kinuha sa loob ng dala kung bag ang phone ko. Ano kailangan niya at napatawag siya? Imbes na sagutin ay pinatay ko nalang yung phone ko. Gusto ko munang mapag-isa. Malayo sa lahat, malayo sa mga taong akala ko kakampi ko.