Chapter5

209 4 0
                                    

"ARE YOU OKAY?" napatingin ako lahat ng tao sa silid. Shet! Patay ako nito.


Naglakad ako papunta sa upuan ko at umupo. "why are you late ms. CEO?" tanong ni mr. Belo isa sa mga investor ng kompanya ni daddy at ang pinaka ayaw ko din sa lahat ng investor ni daddy. Naiinis kasi ako sa ngiti niya, parang manyak!


"meron lang akong inasikaso. Pwede na ba tayong mag proceed sa meeting?" tanong ko.


"okay ka lang?" ulit ni toby na nasa tabi ko.


Nginitian ko siya. "yes. Nadulas lang ako." pagsisinungaling ko. Siguro napansin niya yung lakad ko, sana hindi siya mag-isip ng kahit ano.

"sorry ms. Park pero hintayin na muna natin si mr. President." tukoy nila kay zakey mendes.


"but I am the CEO." sabi ko doon sa babae sa harapan.


"You're just the CEO. Mas mataas parin si mr. Mendes sayo." sabat naman ni mr. Belo. Epal talaga kahit kailan.


I don't know kung bakit si zakey ang president ng companyang pag aari namin. Tsk! Dahil ba asawa niya yung ate ko. At speaking of ate pala himala ata at hindi na niya ako kinukulit na tawagan, last niya akong tinawagan nong nasa puntod ako nila mommy at daddy.


Sabay kaming napatingin ng bumukas ang pinto at niluwa galing doon si zakey na subrang gwapo. Talent niya ata ang pagiging gwapo, kahit ata pagod ito o di kaya mahagard hindi parin siya pumapanget. Isa-isa siyang binati ng mga kasama namin dito except sa aming dalawa ni toby. Na upo siya sa gilid ko na parang pag aari niya yung boung mundo. Ok, edi siya na!











NATAPOS ang meeting namin na mainit ang ulo ko. Bwisit na zakey yun ako pa talaga ang inutusang pumunta ng siargao para lang tignan at suriin ang pinagawa naming building doon na hotel at restaurant. God! CEO ako bakit ako pa? Bakit hindi nalang yung mr. Belo na panot na yun ang ipalipad niya doon. Bwisit! Tapos ang nakakainis pa hindi ko kasama si toby dahil meron din inaasikaso ang unggoy na yun. Pero sabi niya susunod nalang daw siya if makaya ng araw.

Napaangat ako tingin ng bumukas ang pinto. "ano na naman?" salubong ko sa kanya.

"come with me. Miss kana ng ate mo." sabi niya pagkasara ng pinto.


"marami akong gagawin, bulag kaba." pinakita ko sa kanya yung mga papeles na dapat kung permahan. Kahapon pa sana ito tapos kung hindi lang sana ako pumayag na lumabas kasama nong anak ng isa sa mga investor ng companya namin. Hindi kasi ako makahindi dahil syempre investor yun at isa din sa pinaka malaking share.


"ako ng gagawa ng mga yan, sumama ka lang sa akin." napakamot ako ng aking ulo.


"ano ba naman yan. Bakit hindi siya ang pupunta dito? May mga paa siya. Pagod ako, masakit ang katawan ko." pagsuko ko.


"what? Saan ka pala kapahapon at anong pinaggawa mo?" may bahid na inis sa boses niya.


"what do you care, I'm single. so I will do everything I want and I will roam wherever I want." kailan pa siya may pakialam sakin.


"give me one last chance kesha!" matigas na bigkas niya sa pangalan ko. Matatakot na ba ako?


"ano ba naman zakey! Ako na nga diba! Ako na yung iiwas sayo para makalimutan ko itong nararamdaman ko sayo. Pero bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, ha? Wala ka namang paki alam sa akin. You know what, wag mo akong pakialam dahil hindi din kita pinapakialaman zakey mendes! Dito lang ako dahil busy akong tao!" bulyaw ko sa kanya. Sinalubong ko yung nag babaga niyang mata. Ako na yung lalayo para hindi na ako masaktan pang muli, Hindi na ako aasa pa, at para na din tuluyan ko ng makalimutan ang nararamdaman ko sa kanya.


Zakey Mendes[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon