"MG, ikaw ba yan?"
"yes baby ako ito." napangiti ako ng marinig ko yung boses niya.
"miss na miss na kita." kinapa ko yung mukha niya.
"miss na din kita baby. Sorry kung ngayon lang ako nakabalik busy kasi ako."
"ikaw ba yung nakita ko nong nakaraang araw?"
"sorry nahiya akong lapitan ka lalo na't andoon si mendes." hinaplos ko yung pisngi niya.
"pasensya kana talaga." naramdaman ko yung paglapit niya sa akin kasunod ng pagdampi ng mainit na bagay sa labi ko.
"baby, aalis na ako." may bahid na lungkot sa boses niya.
"saan ka pupunta?" bakit ganito yung nararamdaman ko, nasasaktan ako.
"sorry baby."
"mg, iiwan mo rin ba ako tulad ng mga mahal ko."
"gusto kung mag stay pero hindi ko magawa, nasasaktan kasi ako baby."
Lumapit ako ng kunti sa kanya.
"mg, wag ka ng umalis.... Kasi ano.........m-mahal na kita."
"baby."
"mahal na mahal na mahal na mahal na kita mg kaya please. Don't leave me." hinawakan ko ng higpit yung kamay niya. Gusto ko ngang tanggalin itong nakatakip sa mata ko pero baka bigla niya akong iwan once na tananggal ko ito.
"si zakey?" may bahid na lungkot sa boses niya.
Napakagat ako ng aking labi. "h-hindi ko na siya mahal........ I-ikaw na yung love ko." kanda-utal ako. Nalilito kasi ako kung anong isasagot ko sa kanya. Kung sasabihin ko namang mahal ko silang dalawa baka iwan niya ako ng tuluyan. Sino ba kasing matinong tao ang magmagal ng dalawa? Pati ata mga baliw ay hindi kaya ang magmahal ng dalawa. Try ko na kayang magpatingin sa doctor ng mga baliw baka nasiraan na din ako.
"mg?" tawag ko sa kanya dahil subrang tahimik na ng paligid ko. "mg? Saan ka?" bigla nalang kinabahan ng di ko marining yung boses response niya. Dahan-dahan kung tinanggal yung harang sa mata ko.
Isang tahimik at walang katao-tao ang bumungad sa akin sa loob ng kwarto. Tumayo ako at hinanap siya sa bawat sulok pero hindi ko siya nakita. Nagsimula na ding mag tubig ang mata ko. Tumakbo ako papunta sa teresa at doon ko siya nakita malayo na siya nakatingin sa akin.
"mg!" sigaw na iyak ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko hanggang sa labas ng bahay pero pagdating ko doon wala na siya. Napa-upo nalang ako sa daan. Wala na siya, iniwan niya na ako, akala ko ba mahal niya ako? Pero bakit niya parin ako iniwan.
Pariho lang pala silang lahat, mga sinungaling at iiwan din pala ako. Mahal na mahal ko siya.
Napatingin ako sa harapan ko ng may makita akong pares ng sapatos, hindi pamilyar sa akin yung sapatos niya. Sana siya ito, sana bumalik siya.
Inangat ko yung tingin ko at nagulat ako sa lalaking kaharap ko ngayon.
"A-anong ginagawa mo dito? S-sa ganitong oras?" kanda-utal ko na tanong.
"hindi ko kayang makita kang umiiyak, i'm sorry. Mahal na mahal kita." napahagulhol ako sa narinig ko.
"ikaw." halos bulong ko na sabi. Hindi, hindi pwedeng siya iyon. At kung siya man yun bakit iba yung nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/267658952-288-k571328.jpg)