ISANG linggong wala si maki ngayon dahil may importante raw siyang pupuntahan. Ok lang naman sa akin na wala siya ang kaso naman ay pinabantayan niya ako sa isang taong kinaiinisan ko. At ano kayang nakain nang maki na iyon at sa kanya pa talaga ako iniwan. Aware ba yung lalaking yun na minsan ko ng kinabaliwan itong kaibigan niya. Malamang alam niya dahil nga kaklase sila nito dati at alam niya kung gaano ako kabaliw sa lalaking nasa harapan ko ngayon.
"tapos na ako." sabi ko bago tumayo.
"gatas gusto mo?" mahina niyang tanong.
"iba ang gatas na iniinom ko." hindi ko siya tiningnan at naglakad na papuntang labas ng bahay. Dito na muna ako mag lakad-lakad sa maliit na bakuran namin. Bawal kasi sa mga buntis ang subrang tulog at baka mahirapan ako sa panganganak.
At dahil wala din akong magawa dito ay naiisip ko nalang na diligan ang mga bulaklak at mga gulay namin dito sa likod ng bahay. Ayaw ko talagang e-spoiled ang sarili ko sa pagtulog dahil natatakot akong baka hindi ko makayang ilabas ang anak ko ayaw ko namang ipahiwa ang tiyan ko, gusto ko yung maramdaman ko talaga yung sakit habang nilalabas ko si baby sa pagkababae ko para naman sa ganon worth it yung pagbubuntis ko.
Nagulat ako ng may umagaw sa hawak kung hose. Tsk! Paki alamero talaga.
"akin na yan!" inis kung turan. Kukunin ko na sana pero nilayo niya. "zakey! Akin na yan! Umuwi ka nalang sa inyo, kaya ko ng sarili ko."
Nakakailang kaya siyang kasama sa totoo lang, ano ba kasing na kain ng maki na iyon at itong zakey pa ang pinagbilanan. Kainis!
"pahinga ka nalang diyan." mahinahon na utos niya.
"ayaw ko nga! Akin na kasi at ako ng gagawa!" sigaw ko sa kanya. Huminto siya at tiningnan ako, pero bagsak yung balikat ko ng bumalik ulit siya sa ginawa niya. Bwisit! Padabog akong naglakad palayo sa kanya at pumunta sa kabilang gilid kung saan nakatanim ang mga gulay namin.
Napangiti ako ng makita ko yung mga sagana naming tanim, merong pechay, radish, sibuyas ng dahon, at ang nakakaproud pa sa aking sarili ay napa-buhay ko yung patatas.
Lately kasi naging favorite ko na ang patatas pati yung mga lamang lupa na gulay. Kinuha ko yung pala sa gilid at magbubungkal na sana nang may umagaw na naman non.
"ako na." nakangiti niyang wika.
Pumikit ako para pakalmahin ang sarili ko. Relax self, buntis ka. Imbes na bungangaan siya ay pumunta nalang ako sa pool at nilublob yung mga paa ko doon. Sana lang hindi susunod sa akin yung zakey na yun nakakainis siya, papansin! Lahat nalang ng gusto kung gawin inaagaw niya, edi siya ng magaling! Akala siguro niya mapapatawad ko siya sa pag iwan niya sa akin. Pagkatapos niya akong gamitin, saktan at iwan babalik siya ng parang wala ng nangyari.
Sana talaga hindi sa kanya itong dinadala ko. Gabi-gabi akong nagmamakaawa kay god na sana hindi sa kanya ito. Aamin ko naman na hanggang ngayon mahal ko pa siya, pero masakit na kasi, pagod na akong mahalin siya. Ang akala ko talaga lubusan ko na siyang nakalimutan.
Kaya ko lang siguro nasabi noon na nakalimutan ko na siya dahil hindi ko siya nakikita at nakakasama, pero ngayon na andito na siya ito bumalik na naman yung pagkabaliw ng puso ko. Mahal ko talaga siya eh, ang hirap niyang kalimutan. Napabuga nalang ako ng hangin. Ang hirap sa katayuan ko ngayon. Isama mo pa yung kakaiba kung nararamdaman kay maki as mg daw kuno.
"fresh juice?" napatingin ako sa gilid ko ng may biglang umupo. Andito na naman ang gwapo- este ang papansin!
"ayaw ko, allergy ako sa mga yan." pagsusungit ko. Nilayo naman niya sa akin yung hawak niyang dalandalan juice. Pero deep inside ay gustong-gusto ko iyon, yun din yung isa mga pinaglilihian ko ngayon. Lunok nalang yung nagawa ko.