"SAYO ba ito?" tanong ko agad pagkapasok ko sa office niya.
"bat may ganyan ka?" kalmado lang yung boses niya, kaya napa isip agad ako.
"nakita ko lang ito. Sayo ba ito?" kinuha niya yung bracelet at saka tiningnan. Sinuri ko lang yung mga bawat galaw niya. Pero ni isa ay wala akong nakuha sa kanya, kahit takot sa abo niyang mata ay hindi ko nakita. Napaka kalmado lang talaga niya.
"hindi." sagot niya bago binalik sa akin ang bracelet. Napatingin din ako sa pulsuhan niya at para akong nasabogan ng bomba sa nakita ko dahil andoon yung kanya, sout niya.
"alam mo ba kung sinong nag mamay-ari nito?" desperada na talaga akong malaman kung sino ba talaga ang nasa likod ni mg.
"fake yan." yun nalang yung nasagot niya sa akin bago bumalik sa ginagawa niya. Bagsak ang balikat ko sa narinig ko.
Imposible pa talagang makilala at makita ko ng harap-harapan si mg. Akala ko pa naman si zakey ni si mg. Tiningnan ko si zakey na nasa harapan ko, nakayuko siya habang busy sa mga papeles na pinipermahan niya.
Bakit nga ba ako umasa na siya si mg ngayong ang layo nilang dalawa. Oo pariho ko silang mahal pero sa iba't ibang paraan. Pariho silang nasa puso ko at pariho silang importante sa akin.
"what?" napukaw ang atensyon ko sa boses na iyon. Shet, nakatitig na pala ako.
"sorry." ani ko bago siya tinalikuran. Nakatatlong hakbang pa ako ng bigla nalang umikot ang paningin ko.
"hey, are you okay?"
"oo, pagod lang." sabi ko bago naglakad ulit pero lalo lang itong umikot. Napapikit ako pero mas lalo talagang lumala, didilat na sana ako ng may maramdaman akong mga kamay na humawak sa katawan ko.
"you're not okay." mahinang bulong niya dahilan ng pagdilat ng mga mata ko. Ngumiti ako at hinaplos ang makinis niyang pisngi. Sana siya nalang si mg. Pero parang malabong mangyari iyon.
"zakey." huling lumabas na salita sa bibig ko bago ako nilamon ng dilim.
NAGISING ako sa kulay puting paligid at nakakasilaw na ilaw. Uupo sana ako ng mapansin ko si ate sa tabi ko, natutulog ata.
Ano bang nangyari? Bakit ako nandito sa lugar na ito? Sinubukan kung isipin yung mga nangyari bago ako napunta sa lugar na ito.
Nahilo pala ako, at si zakey yung tumulong sa akin. Siya din kaya yung nag dala sa akin dito sa hospital? Napalingon ulit ako kay ate ng marinig ko yung mahina niyang ungol kasunod non ang pag angat ng mukha niya, nagulat pa nga siya ng nakita akong gising.
"thanks god. Gising kana, okay na ba yung pakiramdaman mo? May masakit ba sayo? Wait lang tatawa-"
"i'm fine." putol ko sa sasabihin niya. Uupo sana ako ng pigilan niya ako.
"bawal kang mag galaw." pigil niya sa akin pero hindi ko siya pinansin kaya ang ginawa niya ay inalalayan niya nalang ako at inayos ang unan sa likuran ko.
"kailan daw ako lalabas?"
"kesha, may boyfriend kaba?" napatingin ako kay ate.
"anong paki alam mo kung meron." kailangan pa siya may paki sa lovelife ko.
"kesha, gusto kung maka usap ang boyfriend mo." mahinahon niyang sabi.