Chapter 3

26 1 0
                                    

Matagal tagal na rin pala simula nung naging close kami ni Nathan. Matagal na din simula nung tinanong niya sa'kin kung pwede ba akong ligawan.

Ewan ko ba pero sa bawat araw na kausap at kasama siya di ko mapigilan ang sarili kong mahulog sa kanya. Ganito pala talaga pag pumasok ka sa mundo ng 'love'? Maeexperience mo yung ibang level ng happiness. Yung mga sparks kapag kinikilig ka. At yung tinitreasure mo lahat ng mga bagay na nangyare at mga sinabi niya sayo.

You're my first and I'm still hoping that you will be my last. Pero puro akala na lang pala lahat.

Nagulat na lang ako isang araw sa mga balitang kumakalat. Di ko ba alam kung maniniwala ako kasi may tiwala ako sayo. Dapat sayo ako nakikinig. Hindi dapat sa iba. Pero wala eh. Sadyang makulit ako kaya inalam ko yung mga tsismis. Kaya isang beses sinundan kita after class. At napagalaman ko na may kinikita kang iba. From other school. Ayoko maggawa ng conclusions pero kita na ng dalawang mata ko. Pinigilan kong maging emosyonal. Pinigilan kong wag umiyak. Pero kamalasmalasan hindi ko nagawa. Nagtext ka sa'kin nung gabi na yun. Tinawagan mo ko. Iniwasan kita. Nasasaktan na ako. Pero pinilit ko pa rin magpakamartir para sayo. Kaya itinuloy ko pa rin ang nararamdaman ko.

Hanggang isang araw di ko na nakayanan ang sakit. Iniwasan na kita. Alam kong mahirap pero ginawa ko. Nalaman mo ang dahilan ng pagiwas ko pero sinabi mong hindi totoo yun. Sa'kin ka pa nagalit kasi wala akong tiwala sayo.

Ganun ba talaga kapag nagmahal? Kailangan mong masaktan? Kailangan mong umasa sa mga bagay na di na naman maibabalik pa?

Isang buwan na tayong walang pansinan at nagkunwari na wala lang lahat. Ano nga bang meron tayo di ba? Wala namang naging tayo kaya dapat wala akong ipaginarte.

Pwede mo naman sabihin sa'kin na ayaw mo na. Titigil naman ako. Pipigilan ko na. Pero sadyang mahilig kang magpaasa. Bibigyan mo ko ng motibo tapos wala na rin pala.

Wala ng mas sasakit pa sa balitang may nilalagawan ka na palang iba. Sa loob ng isang buwan nakalimutan mo ako? Sabagay, sino nga ba ako di ba?

Biruin mo ang isang tulad ko magkakagusto at magmamahal ng ganito. Akala ko buong buhay kong kamumuhian ang mga lalaki. Hanggang sa dumating ka, nagbago na lahat. Ang pakikitungo ko sa mga tao. Ang pagkakaroon ko ng lakas ng loob. Ewan ko ba kung paano pero ganun na lang kabilis nangyare.

Kung alam mo lang kung gaano ako umiiyak gabi gabi. Ipinagdarasal ko na sana bumalik yung nararamdaman mo sa'kin. Sana mabalik ko yung oras na dapat di ako bumitaw, na dapat ipinaglaban kita. Kung alam mo lang sana kung gaano kasakit na nakalimutan mo na ako. Samantalang ako hindi makausad. Di ka magawang kalimutan. Sabi nila ang tanga tanga ko, ang martir ko. Masisi ba nila ako?

Nasaan na yung pangako mong ikaw yung magiging asawa ko? Nasaan na yung pangakong ipagtatayo mo ko ng butiking rebulto para naman makilala daw ako kahit papaano? Nasaan na yung sinabi mong hihintayin mo ko?

Gusto ko sanang kausapin ka para naman tuluyan ng mawala to. Sabi nga nila 'closure' daw. Eh tangina wala namang tayo bakit kailangan pa nun? Pero sabi nga nila mas mapapabilis daw ang pagrecover ko. Mas mapapabilis ang pagusad. Pero naduwag ako. Umurong ako. Ayoko umusad kasi mahal pa rin kita hanggang ngayon at di ko alam. Ayoko ng masaktan pero ipinagpapatuloy ko pa rin ang kamangmangan ko na to.

Hindi man mangyayari ngayon ang gusto kong paglimot pero malay mo sa susunod na buwan, linggo, araw, oras, minuto o kahit segundo pa yan. Magigising na lang ako na walang sakit. Wala na akong nararamdaman para sayo. Sana nga..

Sana makalimutan na kita katulad ng pagkalimot mo sa'kin

SpectulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon