Chapter 4

8 0 0
                                    

Minsan mapapaisip ka na lang kung bakit sobrang bilis mawala lahat ng bagay? Pero sobrang hirap kalimutan lahat? Ganun na ba talaga ka-unfair ang mundo sa'kin? Iniwan ako ng dalawang lalaki na pinaka mahalaga sa'kin. Hirap na hirap ako. Isang taon na rin siguro ang lumipas matapos mangyari ang pinaka masakit na araw ng buhay ko. Ang pag-iwan sa'kin ni Nathan, akala ko yun na ang pinaka masakit sa lahat. Ang akala kong tutulong sa'kin pag-uwi ko ng bahay, ganun din pala. Iniwan din kami. Naghanap ng iba. Hindi pa ba sapat lahat? Hindi pa ba sapat ang ginawa ng nanay ko? Sobrang sakit. Gusto kong sumuko. Pero nang makita ko kung gaano nasasaktan ang nanay ko mas pinili kong maging matatag sa kanya.

Kasalukuyang nag-aaral ako ng kolehiyo ngayon. Mahirap kahit papaano, nanay ko lang ang nabuhay sa'min ngayon. Nagkakaroon ng financial problems pero nagagawan naman namin ng paraan. Gusto ng nanay ko mapawalang bisa ang kasal nila kaso wala namang magaasikaso since laging busy si mama. Kaya eto kasal pa rin niya ang tatay ko. Kahit masakit na marinig na masaya siya sa piling ng ibang babae umaasa pa rin ako na mahal niya pa rin ang mama, na babalik pa rin siya, at mabubuo ulit ang pamilya namin katulad ng pinangako niya sa mama ko.

Umaasa ako na magiging okay ulit lahat.

Umaasa na babalik lahat sa dati, kung saan masaya lahat.

Pero lintek na pag-asa yan. Alam kong walang kahihinatnan ang pag-asa ko pero tuloy pa rin ako.

Gabi gabi akong nagdadasal na bumalik ka papa sa'min. At ang nararamdaman ko Nathan para sayo. Umaasa ako na sana ako pa rin. Pero hindi eh. Alam kong masaya ka na. Samantalang ako gabi gabi umiiyak. Umaasa sa wala.

Hanggang kailan ba matatapos lahat 'to? Kailan ba ako ulit sasaya? Nakakapagod kasi. Halos di na ko nawalan ng luha.

Kamusta ka na kaya Nathan? Ang tagal ko nang walang balita sayo. Birthday ni Gerald bukas, kabarkada mo siya di ba? Pupunta ka din kaya? Makikita kaya ulit kita? Pero kahit naman makita mo ako wala na rin naman di ba? Di na ako. Wala na lahat para sayo. Ganun na lang kabilis.

Naramdaman ko na lang na naiyak na naman ako. Paulit ulit. Nakakasawa. Pero nakasanayan ko na. Siguro iisipin ng iba na masyado akong madrama pero masisisi ba nila ako?

Bukas. Aasa ako. Ulit. Makikita kita. At sisuguraduhin kong ito na ang huling beses na masasaktan ako.

----

"Oy ano? Asan ka na? Andito na kami lahat!!"

"Papunta na ako Leen! Wait lang!"

Pero sa totoo lang kagigising ko lang. Napuyat ako kakaisip kagabi. Madaling madali akong lumabas ng kwarto at naligo. Kilos pagong ako kaso nakakahiya naman sa kanila kaya binilisan ko na talaga. Nang makarating ako dun, wala ganun pa rin. Walang nagbago. Ganun pa rin naman katulad nung high school tayo. Nasaan ka kaya Nathan? Pupunta ka ba?

Pansin din siguro nila ang pagiging depressed ko kaya nagtanong sila ng nagtanong sa'kin ng mga bagay bagay. Nung una naiilang akong sagutin pero nang makatagal naman ay naiopen ko din sa kanila. Pero di ko sinabi ang tunay kong nararamdaman sayo Nathan. Naisip kong isikreto na lang muna.

Napasarap sa kwentuhan, sa kaninan, nagkaroon ng konting inuman. Ilang oras na rin ang lumipas pero ni anino mo o pangalan mo di ko man lang nakita o narinig.

"Uuwi na ako ha. Baka kasi hanapin na ako sa bahay." pag papaalam ko sa kanila.

"Uuwi ka na agad?! Mamaya na Kayne!" pagmamaktol ni Gerald.

"Gerald gusto ko sana kaso baka kasi-"

"AYAN NA PALA SI NATHAN!!"

Napatigil ako sa pagsasalita at naistatwa sa kinatatayuan ko nung sumigaw si Gerald. Dumating ka. Di ako makaharap, di ako handang makita ka.

OA na kung OA pero parang nagslow motion bigla parang katulad ng mga napapanood ko sa mga Koreanovela.

Ramdam na ramdam ko ang presensya mo. Ang amoy mo. Ang boses mo. Nagulat na lang ako ng bigla kang humawak sa balikat ko at sinabing

"Brad! Girlfriend mo?" nagulat ako sa tanong mo. Siguro di mo ako namukhaan kasi nakatalikod ako. Sa pagkagulat ko humarap ako.

Ang lapit natin sa isa't isa. Halata ang paglagulat sa mukha mo kaya dumistansya ka ng kaunti.

"Kayne! Ikaw pala! Akala ko GF ni Gerald eh. Sorry." sabi mo sa'kin habang natatawa tawa. Wala akong ibang nasabi kundi tumawa lang.

Aaminin ko na lalo kang naging gwapo. Tumangkad. Marami na din sigurong naghahabol sayo ano? Siguro kaya ka blooming kasi may GF ka na.

Natulala ako sayo. Di ko alam. Gusto kong itigil pero ayaw talaga.

"Kayne akala ko ba uuwi ka na?" Tsaka lang ako natauhan nang may nagsalita at kinulbit ako.

"A-ahh.. oo nga pala. Sige una na ako. Bye" nginitian ko silang lahat at nang tumigil sayo ang mata ko di ko alam kung ngingiti ako o hindi. Kinawayan mo ko at sinabing: "Ingat ka ah" di mo ba alam kung paano ako di makatulog. Bitbit ko ang ngiti sa pagtulog.

Ayan na naman. Umaasa na naman ako. Sa walang katuturang bagay.

Sana naman kahit papaano tumama ang pag-asa ko no?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SpectulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon