Prologue

31 0 0
                                    

Prologue

"Kayne, ayusin mo nga yang damit mo! Ang laki laki mo na di ka marunong magayos ng sarili mo."

Ayan na naman ang talak ng nanay ko. Ewan ko ba dito sa nanay ko kung bakit ba di niya maintindihan na ayoko maging formal masyado dun sa party.

"Alam mo pag nalaman ng daddy mo na ganyan ka sa katawan mo, panigurado magagalit yun." Bulyaw niya sa'kin habang inaayos ang suot kong see-through blouse. Oh bongga di ba? Ayoko naman talaga ng ganito masyadong revealing, masyadong girly. Kung di lang dahil sa mommy ko di ko to susuutin eh. Kaasar. Matapos kong magsapatos aalis na sana ako ng bigla akong hinila ni mommy pabalik.

"Aalis ka ng ganyan ang itsura mo?" Tumango na lang ako ng walang kagana gana. Ano na naman ba? "Halika nga dito at lalagyan kita ng hikaw."

"Ma, wag na. Okay na po ito. Wag na maghikaw." Ayoko kasi sa lahat ang paghihikaw ang sakit sa tenga. Ang kati kati.

"Ay, hindi. Kunin mo yung pearl na hikaw kong bihili sayo. Dun sa may ibabaw ng blue na drawer. Bilis" At ayun wala na naman akong magagawa di ba? Nagmake up pa nga ako eh, di ko ba alam kung rarampa ba ako at ganito makaasta ang mommy ko. Paniguradong pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kaya bago ako lumabas ng bahay pasimple akong kumuha ng baby wipes at isiniksik sa pouch. Pagkasakay na pagkasakay ko ng tricycle dun ko na binura ang crayola sa mukha ko at pati na rin ang hikaw ko. Buti na lang medyo mahaba ang byahe kaya naayos ko ang mukha ko.

Nakarating na din ako sa school, as usual pagandahan ng damit, pabonggahan. May theme kasi ang Christmas Party namin, may mga sumunod at may hindi, isa na ako dun. Kung tatanungin niyo ako kung anong theme, sorry di ko din alam. Dumiretso na agad ako sa classroom namin at naabutan ang mga kaibigan kong nagppictorial.

"Kayne!" bungad sa'kin ni Leen. "Kanina pa kita hinihintay! Bakit ngayon ka lang?" Si Leen ang isa sa kabarkada ko, may braces, mayaman, maganda, matalino, pero ewan ko ba kung bakit di siya magustuhan ng crush niya. Nagpapakaeng eng siya dun eh may iba pa namang nagkakagusto sa kanya. Lumapit ako sa kanya at kwinento ang nangyari. Tinawanan pa nga niya ako at niloko pa. Pinalipas ko muna ang bad vibes ko tapos nakisali na rin sa pictorial nila. Di naman ganoon karami ang picture ko kasama sila pero ayos na ko dun. Di naman kasi ako masyado mahilig magpicture, ang panget ko kasi. Lalo na sa picture.

"Kay, ang ganda mo ngayon! Blooming!" bigla akong inakbayan ni Eli, medyo chubby, may pagkaOA, at long-haired.

"Hay ewan sayo, Eli. Tigilan mo ko." Ayoko kasi sa lahat ay yung kinocompliment ako. Ewan ko ba, naaasar ako. Lalo na pagsinasabing ang ganda ko raw. Di naman sa pahumble pero di naman kasi talaga ako maganda eh.

"Totoo kaya! Ang bango mo pa! Bakit ba ang bango mo lagi? What's your secret honey?" hinaplos haplos pa ng bruha ang buhok ko. Di ko na lang siya sinagot. Tumingin na lang ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

Sanay na naman sila sa'kin. Misteryosa. Bipolar. Nakakaintimidate. Yan daw ako. At totoo naman, alam ko na yun.

Masaya naman ang party namin sa room, nagpagames, nagkatawanan, nagkainan. Medyo nabadtrip nga lang ako dun sa regalo sa'kin at sa nagregalo sa'kin. Aanhin ko ba naman ang phone case ng Iphone kung wala akong Iphone? Tanga ba siya? Humigit kumulang 200 ang isa daw nun dapat daw inappreciate ko. Wala akong pake, aanhin ko ba to? Oo valueable nga to, kung ipamimigay ko to sa may Iphone o kaya naman ipanghampas ko sa mukha niya ano? Samantalang ako nagamoy lalaki na dahil sa kakahanap ng sinasabi niyang pabango. Kaleche siya. Buti na lang niregaluhan ako ni Jane ng teddy bear. Natuwa tuloy ako.

Umalis na kaming room at nagpunta sa quadrangel kung saan magaganap ang social hour. Pagkadating na pagkadating namin dun sumalubong sa'min ang mga nakakasilaw na ilaw. Malakas na tugtog. At hiyawan ng mga studyante. Agad kami dumiretso sa pinakadulo ng quadrangel. Dun sila nagsayawan, este kami pala. Ang saya pala ng ganito. Halos pagpawisan na ako kakatawa at kakasayaw.

SpectulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon