Chapter 1

26 2 1
                                    

Minsan di ko maisip kung bakit ba ang lalandi ng mga kabataan ngayon, ano? Alam mo yung tipong niligawan ka lang ng 1 linggo tapos kayo na agad?

Tapos yung iba pa-keme pa, kesyo nanliligaw pa lang o ka-M.U. pero kung makapaglampungan daig pa mag-asawa. Sino bang di maiinis dun no?

Alam ko na iniisip niyo. Iniisip niyong bitter ako? Ha! No. I'm not. Di lang talaga ako pabor sa mga galaw ng mga kabataan ngayon lalo na ang mga babae. Di ba sila nausuhan ng salitang 'Dalagang Filipina'? Lintek.

"Uy, nasaan nga pala si Monique?" Tanong ni Jane, inilibot ko ang tingin ko sa kwarto ni Eli. Nagg-group study kasi kami para sa test namin. Walang Monique. As usual. Ikinibit ko na lang ang balikat ko.

Isa si Monique sa halimbawa na sinasabi ko kanina. Masaya naman ako para sa kanya kasi nahanap niya na ang 'Prince not-so-charming' at 'Light in shining armor' niya, este 'Knight' pala. Pasensya.

Pero di ko kayang i-tolerate lalo na kung studies niya ang naaapektuhan. Ibang iba na siya. That's why sinabi ko sa sarili kong I won't let it happen sa iba kong kaibigan at lalo na sa'kin.

"Kasama syempre ang boyfriend niya." Sagot ni Angel kay Eli. "Ewan ko ba dun kay Monique"

Huwag na kayo magtaka, lahat kami di pabor sa pakikipagrelasyon niya.

"Bad influent kasi ata yung boyfriend niya eh." Napatigil ako ng magsalita si Ann. Ha? Influent?

"LUKA! BAKA BAD INFLUENCE!" Halos matawa tawang sigaw ni Jane. Nagtawanan kami dahil sa kaangahan ni Ann, epic lagi eh. Halos mamula na si Ann sa kahihiyan pero di kalaunan nakitawa na din. Natanga siguro sa pagiging epic niya. Ayan bad influent kasi. HAHAHAHA.

--

Maaga kaming natapos sa pagrreview, 2pm pa lang tapos na kami. Ang paalam ko hanggang 4pm pero hayaan na, at least maagang uuwi.

"Kay, punta tayong Mall?" Kakasabi ko lang na maagang makakauwi nagyaya naman tong si Leen. Wala na akong nagawa tutal wala din naman akong gagawin sa bahay nag-mall na kaming dalawa.

Wala naman kaming ibang ginawa kundi kumain at maglibot. Nalibang naman ako sa pagw-window shopping namin. Di naman kasi ako mayaman para bumili pa ng damit. Pauwi na sana kami ng makita namin si Nathan.

"Si Nathan yun di ba?" Alam ko Leen, di ko lang sinasabi. Hanggang ngayon ilang na ilang pa rin ako, 2 buwan na din matapos yun. Nagulat ako nung kinaladkad ako ni Leen papunta sa pwesto ni Nathan. Gusto ko sabihin sa kanyang huwag na lang, pero paano kapag tinanong niya ako kung bakit? Ano isasagot ko? Ayoko namang aminin yun sa kanya, nakakahiya. Psh. Bahala na.

Nakapunta kami sa kinauupuan ni Nathan, mag-isa lang siya?

"Uy, Nathan!" tawag ni Leen sa kanya habang hawak hawak ako sa braso. Mukha pa atang nagulat si Nathan at tumayo pa. Binati niya kami, tinanguhan ko lang siya. Kailangan ko dapat ipakita sa kanya na di ako apektado sa sinabi niya. Teka, di naman talaga ako apektado eh. Ang ibig ko lang sabihin ay yung pagiging awkward ko sa kanya.

"Sino ba kasama mo? Ba't ka andito?" tanong na naman ni Leen, kahit kailan talaga napaka-daldal.

"Ah, hinihintay ko si Anika." medyo walang emosyong sabi niya. At speaking of, nakita na namin si Anika Tey na papalapit sa'min.

"Hi guys!" nginitian kami ni Anika, tumabi siya kay Nathan at hinawakan ang kamay. Ano ba yan, PDA. Sakit sa eyes no?

"Nate, sorry I'm late. Traffic kasi eh. Btw Leen and Kay bakit kayo andito?" Si Anika, medyo popular sa school, di masyadong katangkaran, cute siya, matalino, madaldal. Kaya wag ka na magtaka kahit na di kami magkaklase ay kilala niya kami.

"Ah, nakita kasi namin eh tatanungin sana namin about dun sa project. Pero since you're here di na namin kayo iistorbohin. Next time na lang. Bye." halos sunod sunod na sinabi ko kina Nathan, di ko na hinintay ang sasabihin nila hinila ko na agad si Leen palayo at sinabi sa kanyang uuwi na kami.

Paulit ulit niya akong tinatanong tungkol dun sa sinabi ko. Bakit ko daw ginagawan ng issue yun? Ano daw? Ako pa? Siya nga yung naglalagay ng issues dun eh. That was supposed to mean nothing. Wala yun.

Knowing Anika by others, madali siyang magselos baka pati si Leen pagselosan. Wala namang masama kung nagsinungaling ako tungkol dun sa pagapproach namin kanina kay Nathan bago siya dumating.

At isa pa, I should avoid Nathan for good. Di ako nagmamaganda. Ginagawa ko ito kasi I know mahuhulog ako sa mga patibong niya.

Madali ako mahulog lalo na kung may tutulak sa'kin. At sa case namin ni Nathan nagbabalak pa lang siya, nasa bingit na ako.

Oo nga no, ganun talaga kabilis yung mga bagay para sa'kin. Pero I don't take these things seriously.

Nasa bahay na ako at agad sumalampak sa kama namin nina mommy. Well, di naman kami mayaman. Ang mommy ko ay isang teacher at ang daddy ko naman ay care giver sa London. Maliit lang ang sweldo ni mommy. 2 beses siya sumahod sa isang buwan. Kapag hindi nakakapagpadala si daddy, ayun gipit na gipit kami lalo na't tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay na nasa Grade 8, si Katherine na nasa Grade 5 at ang bunso na si Kannelyn na nasa nursery pa lang. Ako lang ang nasa private school since di kayang i-afford nina mommy at daddy na pagaralin sila Katherine in private school.

Nag-iisip isip ako ng nag-vibrate ang cellphone ko. Baka si mommy ang nagtext. Kinuha ko agad ito sa ibabaw ng cabinet.

1 new message received

+639*********
Hello, pasensya ka na kanina ah.

Ha? Unknown? Sino 'to? Nagssorry pa. Mamaya nanghihingi lang pala to ng load.

1 new message received

Mommy
Andian ka nb sa bhay?

Ayan, eto na ang signal na dapat na akong magload. Lumabas agad ako ng bahay at nagpaload. Nireplyan ko na agad si mommy. Eto kayang unknown? Rereplyan ko pa ba?

1 new message received

+639*********
Si Nathan to. :))

Teka, paano niya nakuha number ko? Teka nga Kayne Dela Gracia, malamang kaklase mo siya since Grade 7. Talagang makukuha niya yan. Tigang ka ba?

To: Nathan
Para san?

Wala pang isang minuto nagreply na agad siya. Aba, di ba may date siya? I was expecting him to be busy.

From: Nathan
Nainterupt yung paguusap natin

To: Nathan
Kami dapat ang magsorry, kayo ang naistorbo namin ni Leen. At FYI, di tayo nagusap, kayo lang ni Leen

Di ako bitter, nakasanayan ko lang talaga na medyo prangka at may pagkasuplada ang way ng pakikitungo ko sa iba. Kaya ayun, yung iba takot sa'kin di tuloy kayang makipagkaibigan.

From: Nathan
Sabi ko nga. HAHAHAHA. Sorry.

To: Nathan
You're with Anika, di ka dapat nakikipagtext sa iba habang kasama mo siya. Ge.

Di ba? Kung ako ang nasa position ni Anika baka magselos talaga ako. Tsaka mamaya sa'kin pa magalit yang si Anika, baka sabihin hinihigad ko ang boyfriend niya.

From: Nathan
Walang masama dun. Haha

To: Nathan
There is. Wag ka na magreply. Have fun

From: Nathan
Galit ka?

Sabi ko wag na magreply. Bahala siya, mamaya magalit pa sa kanya si Anika. Ay, bahala siya.

Sayang si Anika sa totoo lang, ang daming mas may deserved sa kanya. Di naman kagwapuhan si Nathan, di bobo, di matalino, tama lang, balita ko nag-smoke siya, pero tsismis lang yun. Oh di ba?

Sana nga, huwag masaktan si Anika, at yung iba pang babaeng katulad ko. Mahirap makausad sa lungkot lalo na kung sobra kang nahulog dun sa tao.

Buong gabi ako tinext ng tinext niyang Nathan na yan. Tinatanong kung galit daw ba ako. Ano bang pakialam namin sa isa't isa? Ano sa kanya kung galit ako, kahit di naman? Ay ewan. Ang gulo ng utak ko.

From: Nathan
Galit ka ba sa'kin? Sorry na.

To: Nathan
Di ako galit. Ano bang trip mo?

From: Nathan
Wala naman. Akala ko galit ka. Di pala

Ang gay nung emoji ah.

To: Nathan
Ah, ok.

From: Nathan
Tungkol nga pala dun sa sinabi ko sayo last time. I really like you Kayne. Bakit ka ba naiwas?

Bakit ba kailangan niya pang ungkatin yun? Alam na pala niyang naiwas ako eh. Bakit di siya marunong makiramdam?

To: Nathan
Alam ko wala lang yun. May girlfriend ka.

Akala ko ay hanggang text lang kami nung gabing yun, hangga't tumawag siya sa'kin. Nung una di ko sinagot ang tawag niya. Pero nung nakailang tawag na siya sinagot ko na.

Ang awkward nga eh. First time kong may makausap na lalaki sa cellphone sa kalagitnaan ng gabi.

Sa loob ng ilang oras nating pag-uusap eh ang gaan na agad ng loob ko sayo. Pero wala namang malisya yun di ba?

At alam mo ba yung pakiramdam na ngumiti ngiti ako ng walang dahilan? Ganito pala yun. Lalo na pag naaalala ko yung sinabi mo sa'kin na..

"Gusto talaga kita, Kayne. Kung alam mo lang."

Ganito pala ang pakiramdam ng umaasa ako sa mga binitawan mong salita. Umaasa ako na sana matutunan ko ngang huwag mahulog. Pero nagkamali ako. Nahuhulog na ako.

Mali ito.

Di to dapat mangyari kasi alam kong masasaktan lang ako sa katotohanang committed ka sa iba.

Ayokong masaktan.

Ayokong masaktan si Anika.

Wala na lahat yung pinangako ko. Nasira na.

Eto na lang ang natitira kong panghahawakan, wag na wag siyang seseryosohin. Wala namang masama sa pagiging crush di ba?

Bakit ba kasi nalandi ako?! Nasaan na ang pagiging 'Maria Clara' ko sa pagpili ng crush?!

Susmiyo, ang landi mo Kayne. Goodluck!

SpectulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon