Chapter 2

26 0 0
                                    

Posible bang sa loob ng mabilis na panahon eh dun ka mahuhulog sa taong di pwede para sayo?

I used to hate guys before pero bakit ganito? Ang bilis bilis kong mahulog? Naiinis ako sayo, kasi ang landi landi mo. Di mo ba alam na masasaktan mo si Anika, Nathan? Naiinis din ako sa sarili ko, kasi ang tanga tanga ko.

Nakipag-break ka kay Anika kasi naiipit ka sa relasyon niyo. Pero bakit di mo muna pinagisipan ang lahat? Inisip ng lahat na nilandi kita kaya nakipaghiwalay ka kay Anika. Halos kamuhian na ako ng ibang tao sa school dahil sayo. Pero anong ginawa mo? Wala di ba? Mas pinili mong manahimik. Mas pinili mong hayaan si Anika na pagsalitaan ako ng kung ano ano.

Iniyak ko na lang lahat. Mas minabuti ko ng lumayo sayo pero bakit kung kailan ako nalayo tsaka ka lumalapit? Ano bang problema mo? Gusto mo ba laging may masasaktan sa ginagawa mo?

Pero kahit ganyan ka, gusto pa rin kita. Ayoko lang aminin sayo kasi alam kong lalo nating masasaktan si Anika.

Hindi ito ang ginusto kong fairytale.

Hindi ikaw ang pinangarap kong lalaki.

Pero pinagpipilitan ko ang sarili ko sa hindi ko dapat paglagyan.

"Ang sweet kaya ni Nathan! Nakita mo ba kanina yung ginawa niya kay Anika?" napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pinagkkwentuhan nung mga kaibigan ni Anika.

Bakit? Kayo na ba ulit Nathan?

Nanikip ang dibdib ko. Nanghihina ang mga tuhod ko. Bakit nga ba ako nasasaktan? Wala namang tayo di ba? Tsaka ano bang pakielam ko sa inyo.

Umalis agad ako sa kinatatayuan ko at dumiretso na sa classroom. Nakita agad kita. Kasama mo ang mga kaibigan mo. Nagtatawanan. Nagiingay. Samantalang ako kulong na kulong na sa kawalan. Kahit anong pilit kong tumawa, ganun pa rin. Iniisip kita.

Napansin ng mga kaibigan ko ang pagkabigo ko. Nilapitan agad nila ako. At dun ko nilabas lahat ng hinanakit ko. Pinilit kong wag kang iyakan kasi you don't worth my tears. Sinabi nila sayo na magusap tayo para maliwanagan ang lahat. Ayoko talaga. Ayokong mag-mukhang desperada. Ayoko mag-mukhang tanga.

Pero ikaw na tong lumapit sa'kin. Nagpunta tayo sa lugar na kung saan tayong dalawa lang.

"Kayne.." tawag mo sa pangalan ko na nagpalpitate sa'kin. Humarap ako sayo.

Wag kang papahalata, Kayne. Wala kang gusto sa kanya, kunwari.

"Walang kami ni Anika. Yung narinig mo wala lang yun. Inawat ko lang siya kasi nakikipagaway siya eh. Pero wala lang yun" Gusto kong ngumiti. Gusto kong tumalon. Kinikilig ako. Pinapaalam mo sa'kin ang ganyang bagay kahit wala akong karapatan sayo. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-ngiti. Ilang beses ko na ba ito ginawa sayo?

"Bakit mo pinapaalam sa'kin yan? Tayo ba? Assuming to." Tumawa ako ng peke para naman lumabas na wala akong pake sayo.

Nakita ko na nag-iba ang timpla ng mukha mo. Nawala yung mga ngiti mo. Na-offend ba kita?

"Oo walang tayo, Kayne. Pero handa naman akong maghintay sayo eh. Hihintayin kitang magustuhan mo ako. Kahit gaano katagal." Napatigil ako sa pagkakalikot ko ng bag nung sinabi niya yun. "Seryoso ako sayo, Kayne. Sana naman bigyan mo ko ng chance."

"Di mo ko naiintindihan, Nathan." mahina kong turan sayo. Di mo ba naiintindihan na kailangan mo munang palipasin lahat ng nangyari sa inyo ni Anika? Wala ka bang pakielam sa kanya?

"Naiinitindihan kita Kayne, alam kong di mo ako gusto at a-"

"Gusto kita, Nathan. Kung alam mo lang kung paano ko sinasakripisyo tong nararamdaman ko. Ang bilis ko mahulog, Nathan. Pero hayaan mo muna ako. Paano si Anika? Ayokong may nasasaktan tayo." Di ako makapaniwalang sinasabi ko lahat to sayo. Halos halughugin ko na ang lupa para lang maitago ko ang sarili ko sa kahihiyan.

Ano ba naman to?! Bakit ba ganito ka?!

Nabigla na lang ako kasi tumawa ka ng sobrang lakas. Pulang pula na ang tenga mo. So, ganyan? Tinatawanan mo ako? Aalis na sana ako ng bigla kang nagsalita. "Wag ka magalala. Di kita tinatawanan. K-kinikilig lang a-ako."

Halos mapunit ang mukha ko dahil yung tinatago kong ngiti nailabas ko na. Ang saya ko, Nathan. Ikaw lang nagparamdam sa'kin nito.

Sana lang kaya mo mo akong sambutin..

Kasi sa tingin ko...

Paunti unti na akong nahuhulog.

SpectulateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon