Chapter 3

17 0 0
                                    

Papasok ba ako o hindi? papasok ba ako o hindi? papasok ba ako o hindi?

Paulit ulit na litanya ni Cass habang namimili ng damit na susuutin papasok sa opisina.

Papa.....ay baklang nanganak!!!!.

Bulalas niya ng makita ang kapatid na nakatuwad at nakasuot ang kalahati ng katawan sa ilalim ng kama niya.

Huwaw! like ko yan te! #baklangnanganak ay bongga te!

Hayop kang Ernest ka! Nagiging hobby mo na bang talaga ang pag invade sa kwarto ko ha?

Keber sister!!! My name is Erin!!! kakatok pa ba ako kung nakabuyanyang nanaman sa madla ang pinto mo? Saka hinahanap ko ang precious earing ko na tumalsik ditey sa kwarto mo.

Edi sana nagpasintabi ka muna para alam kong may tikbalang palang papasok dito! Patuloy na litanya ni Cass sa kapatid.

Excuse me makatikbalang wagas???? Eh anu ka nuno sa punso na need pa magtabi tabi po para makapasok?!!!grabeh, try mo magsuklay sakit mo sa bangs teh!
Saka mas bagay sayo ang bruhabels! Bruhang malaki ang bilbels!!
OMG!Gotcha! my precious!

Nang makuha ang hikaw sa ilalim ng kama ni Cass ay nagtatatakbong lumabas ang Ernest. Ngunit bago paman ito makalabas ay humarap ito sa kapatid at nagwikang.

Magsuot ka ng yellow para mabuhayan ka ng pagasa! Saka pumasok ka sa opisina at ubusin mo ang oras mo dun. Di yung nauutas ka sa inis ditey sa hauz!

Talaga!angil ni Cass. Kesa naman andito ako maghapon at buwisitin mo lang!

FYI mas pabor yun sa parte ko kasi masosolo ko pansamantala ang hauz! Wala ang tulad mong thunder na gelay na ready na mag menopause ang drama! Jumping Jupiter!

At nagtatakbo na ang bading.

Haaaayyy......a long and deep sigh escaped from Cass' lips. Tama si bakla....papasok ako... ngayon ang araw na babaliktad ang mundo ni Kiko. I should make my self better. I should be more beautiful. I will make him drool when he sees me.

Kinuha na ni Cass ang bath towel niya at nagderetso na sa banyo para maligo.

Napapa kanta pa ang dalaga habang masusing nililinis ang sarili.. matapos noon ay isinuot niya ang isang above the knee black dress na hapit sa katawan with white side detail na nagbigay ng illusion upang mas lumutang ang hubog ng kanyang katawan. Isinuot din niya ang bagong red stilletos at charm bracelet. Ilang ulit nagpaikot ikot sa salamin ang dalaga. Pak na pak ka na Cass. Kung tutuusin mas maganda kapa nga at di hamak na mas seksi kesa sa mga modelo na kinukuha ng kumpanya para sa mga ads.

Maya maya pa ay umupo na siya sa harap ng salamin upang ayusin ang sarili. Nagblow dry siya ng buhok at hinayaang nakalugay ang curly niyang buhok. Matapos nito ay naglagay siya ng make up na bumagay sa kanyang sexy look .

Ilang sandali pa ang lumipas ay kinuha na niya ang ilan pang mga gamit at dumeretso na siya sa ibaba.

Napanganga naman si Erin ng makitang bumaba sa hagdan ang kapatid.

Anyare sayo? Nagtatakhang tanong ng dalaga. Oi lawa na sa ketchup yang plate mo. Panunudyo pa nito.

Shaks! at agad na tinakpan ni Erin ang bote at hinawi ng kutsarsa ang sobrang ketchup sa pinggan.

Bulaklak kaba sister?tanong nito

Bakit?nakataas ang kilay ng dalaga habang papalapit.

Kasi blooming ka. At pinagdikit pa nito ang mga kamay habang ngiting ngiti sa kapatid.

Salamat. Nahihiyang tugon naman ni Cass.

Ehhhh teka inlab kaba sister?

Bakit nanaman?

By ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon