Chapter Eight
"I CAN SEE the head. Give me your best shot, Mrs." Utos ni Calia sa pasyente niyang nanganganak ng mga oras na 'yon.
Kaparehas nito ay tagaktak na rin ng pawis ang kanyang noo. At kaparehas din nito ay pagod na rin siya. She assisted not one, but five patients and make them delivered their babies, safely. And that's five patients in a row. Kaya ganun na lang ang pagod na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
Finally! She heard the baby's loud crying. Nakalabas na rin ang bata sa sinapupunan ng ina. Thank God... I can finally go home now. Usal niya sa kanyang isipan.
Inilapat niya ang sanggol sa may bandang dibdib ng ina nito. At nakita niyang napaiyak ang nanay ng sanggol nang masilayan nito sa unang pagkakataon ang anak nito.
Calia smiled at them. This is the time where she can witness such true happiness.
Tinapos niya lang ang mga dapat niyang gawin kapagkuwan ay tinungo niya na ang sariling opisina at kinuha ang mga gamit niya para umalis. Sakto namang paglabas niya ay dumating naman ang anak ng may ari ng ospital.
"Good morning, Doc. Ariti!" He cheerfully greeted her, then handed her a cup of starbucks coffee. "For you." He smiled.
Tipid naman siyang ngumiti sa binata. "Thank you, Gray."
"Don't mention it. Uuwi kana ba? Ihahatid na kita." He gently said to her.
Iyan ang isa sa dahilan kung bakit naging kaibigan niya ang binata. He's sweet, thoughtful, and caring. He's like Phil- ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niya munang maalala ang binata kahit sa mga ganitong sandali lang.
"Okay. Sayang ang libreng sakay." At parehas silang natawang dalawa dahil sa sinabi niya habang tinatahak nila ang daan palabas ng ospital.
Nang makapasok silang pareho sa sasakyan nito ay kaagad iyong pinaandar ng binata. Pinauusad na nito ang sasakyan ngunit nakuha ng isang nakarolyong magazine ang atensyon niya, kaya kinuha niya agad iyon.
"Ngayon lang kita nakitang naglagay ng magazine dito sa kotse mo, Gray." Panunudyo niya.
Napa- tsk naman ang binata sa kanya. "It's a bachelor magazine. Featuring successful bachelors in the world."
"At syempre, kasali ka. Right?"
"Yeah. The hardest thing about a very handsome man like me. Hard to ignore." Usal nito.
She snorted, "signal number 4 agad ang hangin." Biro pa niya na nagpatawa lang sa binata.
Binasa na niya ang laman ng magazine at tinungo ang mga pahina kung saan mababasa ang mga successful bachelors sa buong mundo.
"Thirty years old, Gray Morgan III. A half Filipino and half American blue-eyed man. A chef, and owner of Gray Deluxe five star hotel with branches in America and Asia. The man shouts for handsomeness and charisma. He has good sets of features, brown hair, aristocrat nose, and thin kissable lips. And lucky is the woman who can win his heart because he is a sweet and caring man."
Napapakamot na lang si Gray habang binabasa niya ang laman ng article sa magazine na hawak-hawak niya.
Ipinakli pa niya ang mga pahina ng magazine at talaga namang marami pang nag-gwagwapohang binata ang ibinida sa magazine na 'yon. Ipinagpatuloy niya pa ang pagbabasa hanggang sa maagaw ng pansin niya ang pangalan ng binatang ilang taon niya ng hindi nakikita. At walang sandaling dumaraan sa buhay niya na hindi niya ito naaalala.
"Thirty-one years old, Philip Ariti. A half Filipino, half-greek hazel-eyed man. The youngest president of the famous and prestige university in the Philippines, the MD University. He is also one of the heirs in Ariti Group of Companies or the AGC that has branches in Europe and North America. Has a good features that women can't resist. Fade clean haircut, aristocrat nose, and thin kissable lips. And not only that, he's not just a good-looking man but has a good heart for everyone. He always wear his genuine smile that women and gays drooled over with. And he's a hot certified single and available man." Napaangat ang kilay niya nang mabasa niya ang mga huling salita. "I wish you the best of luck to these hot and handsome successful bachelors in the world."
BINABASA MO ANG
ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡
RomanceFrom the very beginning, Calia knew that she was just an adopted child - only. Even though her parents didn't tell the truth about her identity, she discovered it on her own way. But no one from the Ariti's lineage knew about it - nor her 'close' co...