Chapter Sixteen

2.6K 101 29
                                    

Chapter Sixteen

"ANALYN? PAKI-TAWAGAN mo nga si Dra. Montillo. Pakisabi na pumunta rito sa office ko." Utos niya sa kanyang sekretarya.

Tipid naman itong ngumiti sa kanya, "opo doktora."

Hindi naman malayo ang office ni Dana sa office niya. Ang kaso nga lang, nakapagitan sa kanila ang laboratory room at patient's room. They both have one patient's room just beside their office room. But they planned to add another patient's room for each of them, soon. Pero dahil sa parehas silang nagsisimula pa lamang sa kanilang buong clinic ay minabuti na nilang tig-isang silid ng pasyente na lamang muna ang kanilang ipinagawa.

She never ask for help to her parents nor Dana. Ang perang ginamit nila sa pagpapatayo ng klinika ay galing sa ipon nila no'ng nagtatrabaho pa sila sa ospital na pagmamay-ari ng pamilyang Morgan.

"I do have a lot of work dear."

Hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanya ang kanyang matalik na kaibigan. She wants to laugh but she refused to do so. Baka mapagkamalan pa siyang baliw ni Dana. Papano naman kasi, nakasimangot ang kanyang kaibigan sa kanya na parang pasan-pasan nito ang daigdig.

"I do also. And as much as possible, I want to finish it but- I think I can't."

Kumunot ang noo ni Dana sa kanya, "and why is that so?"

She grinned. "Oh dear, we have to go to Jessa's boutique. Alam mo naman na wala akong masyadong damit pang-party dahil unang-una, hindi naman ako mahilig sa ganon. And you should buy too. You're invited, right?"

Nakakunot pa rin ang noo ni Dana sa kanya kapagkuwa'y napabuntong-hininga ito. "Calia... You sure about this? Pupunta ka talaga sa surprise engagement party ni Philip na inihanda ng abuelo mong hilaw?"

Natahimik siya at hindi muna nagsalita. Kahit si Dana, alam ang tungkol sa hindi mabuting pagtrato sa kanya ng kanyang abuelo, kaya ayaw nito sa lolo niya. And by the looks of her bestfriend, she knew that she's worried of her. Sino ba naman kasing tanga ang pupunta sa engagement ng lalaking itinatangi niya? Syempre- siya.

She stand up from her seat and walk behind Dana's back. Tinapik-tapik pa niya ang balikat nito. "Don't worry. I can handle myself. And you're there. I know you won't let me down."

Nilingon naman siya ni Dana at tinaasan siya ng kilay nito. "Why do I feel that your up for something, Calia? Please tell me I'm wrong."

She smirked and made an eye to eye contact with Dana. "Then I won't."

Napailing-iling naman ang kaibigan. "What will you do? Kidnap him again? You're crazy dear."

"Yes, Dana. You know that I'm crazy over him. And I won't let that old man took my happiness away from me. Philip is mine." Madiing sabi niya.

Dana chuckled, "my, my, my. If possessiveness is one of the meaning of love. Then I'll make sure not to fall for someone. It can drive me crazy."

Now it's her turn to chuckle. "Huwag ka'ng magsalita nang patapos. Baka kainin mo lang ang sinasabi mo, dear." Her bestfriend just rolled her eyes at her. Mukhang hindi ito sang-ayon sa mga binitiwan niyang salita.

"Whatever. C'mon, let's go to the boutique." Aya nito sa kanya kaya iniligpit niya muna ang mga gamit niya. Ibinilin niya sa kanyang sekretarya na si Analyn ang mga dapat gawin.

THEY CAME TO Jessa's boutique in half an hour. Medyo malayo-layo rin ang boutique nito sa kanilang clinic, kaya natagalan sila sa pagdating. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ay sinalubong kaagad sila ng baklang assistant nito.

"Hello beautiful doctors!" Masiglang bati nito sa kanila habang malapad ang ngiti nito.

Nakipag-beso-beso pa sila kay Roxanne bago nila tinahak ang daan papunta sa mismong opisina ng kanilang kaibigang si Jessa. Nakilala nila ito sa isang fashion event sa Boston kung saan ang mga gawa nito ang inirampa sa isang summer fashion show. Napilitan siyang sumama noon kay Dana dahil na rin sa pangungulit ng matalik na kaibigan. Kesa naman daw magmukmok siya kapag day-off, mas mabuting gumala sila paminsan-minsan. And it turns out to have a good result because she has another friend now.

ℳ𝒾𝓃ℯ 𝓉ℴ 𝒟ℯ𝓈𝒾𝓇ℯ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon