CHAPTER #4

3 0 0
                                    

**FLASH BACK**

Ilang buwan narin ang nakalipas ng umalis si Ethan, at bukas na ang araw na sinabi nya kung saan ay uuwi na sila....

Kinaumagahan agad ko inayos ang aking sarili at naghintay sa labas ng aming bahay... mayroong sasakyan na tumigil sa tapat ng aming bahay at wari ko'y sina Ethan na iyon agad akong tumakbo palapit sa sasakyan at nakita ko si Ethan na malungkot paglabas ng sasakyan, agad syang naglakad diretso sa kanilang bahay ni hindi sya nakapangamusta sakin... ano kayang nangyari?...

----

Simula na naman ang araw at hahanda na ulit ako sa pagpasok ng maalala ko nanaman ang nangyari kahapon...

"hayss ano ba Denise wag mo na nga isipin yung Elias na yun"sabmit ko sa aking sarili, pagkatapos ko ay dumiretso na ko sa school...

"Hoy feelingera!" malakas na sabi sa akin ni Agatha..

"Feelingera?"tanong ni Ara

"Oo, feelingera naman kasi talaga yang kaibigan mo, feeling nya magiging kaibigan nya si Elias, freak tingnan mo nga itsura mo!" sagot ni Agatha.... hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na ko sa upuan ko.... at dumating na ang prof namin... sa hindi ko inaasahan nakatulala pala ako sa bintana ng tinawag ako ng prof namin...

"Ms. Valencia?"tawag nito

"yes prof!"

"Kasama sa lesson natin, kung ikaw ang tatanungin ko na niniwala ka ba na may forever?"tanong nito

"Well sir, i know meron po tayong kanya kanyang opinion and ito po ang akin, i think wala naman pong forever e lahat po may katapusan, at wala pong nagmamahal hanggang dulo" sagot ko at biglang sumabat si Elias...

"Bitter"sabat nya

"Mr. Zamora? you have something to say?"tanong ni prof sa kanya...

"Sir hindi po ako naniniwala na walang forever kasi sabi nga po meron pong buhay ang mga patay sa langit, doon nabubuhay sila ng walang hanggan" sagot  nya..

"well that is a good answer from the both of you, and i know meron kayong sariling paniniwala kaya hindi ko na ikuquestion ang sagot nyo" huling sabi ni Sir. Leyola sabay tunog ng bell na hudyat na lunch time na... agad kaming pumunta ni Ara sa canteen para maglunch...habang inaantay ko si Ara ay bigla akong hinila ni Elias at dinala nya ko sa lugar na wala masyadong tao...

"Ano bang problema mo? di ba hindi tayo magkaibigan kaya wag kang umasta na close tayo!"pasigaw na sabi ko...

"Tumahimik ka nga muna, ayaw kong makipag kaibigan sayo pero kailangan kasi kita"sabi nya

"Kailangan? wow ha pagkatapos mo ko ipahiya kakailanganin mo ko? lakas naman ng amats mo"sagot ko at tatalikuran ko na dapat sya ng bigla nyang hinila ang braso ko at sinandal ako sa pader...

"tumahimik ka ha! kailangan kita para maging tutor ko"sabi nya

"aba hindi! bahala kang bumagsak bagay naman sayo e, bahala ka" saad ko at binilisan ko na maglakad at iniwan ko na sya....bumalik na ko sa canteen at dinalian ko na pagkain dahil magsisimula na ang klase namin...

;simula na ng klase at binigay ng teacher namin ang mga test paper na sinagutan namin kahapon...

"Ms. Valencia you got the highest score"sabi ni Ma'am kinuha ko naman ang papel ko ng pabalik ako sa aking upuan ay nakita ko si Elias na nakatungo at mukhang hiyang hiya..

"Mr. Zamora lowest ka na naman.. kelan mo ba aayusin ang pag-aaral mo" saad ni Ma'am

naawa ako kay Elias, hindi ko alam kung bakit ba ako naaawa sa kanya... nang natapos na ang aming klase, hinigit nanaman ako ni Elias at nagmakaawa sya sakin

"Denise Nicole pleaseee tulungan mo na ko babagsak ako pag di mo ko tinulungan pleasee" saad nya ... hindi ko sya pinakinggan at tinuloy ko na ang paglalakad ko...

-kinabukasan-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What IfWhere stories live. Discover now