**FLASH BACK**
"ETHANNNNN!!"sigaw ko, lumingon na kaagad sya
"Oi!saan ka pupunta?"tanong ko sa kanya
"ah eh babakasyon daw muna kami sabi ni mommy, pero hayaan mo babalik din naman kami eh". sagot ni Ethan
"Ay sige enjoy ha ingat kayo"tanging naging sambit ko, at kasabay nito ang pagsakay nila sa sasakyan at tuluyan ng umalis, ang lungkot din pala na umalis kaibigan mo ano... hayss
-----
*kinabukasan*
Pilit kong inaalis sa isipan ko ang aking mga katanungan pero bakit nga ba? bakit nga ba parang sobrang komportable ako sa una naming pag-uusap?...
habang naglalakad ako sa hallway ay bigla kaming nagkasalubong ni Elias, pero dahil nga sa may iniisip ako ay hindi ko na sya nagawang pansinin at laking gulat ko na hindi nya rin ako pinansin dire-diretso lang sya sa paglalakad, pero inalis ko na muna yun sa isip ko at tuluyan nakong pumasok sa klase namin...
-after class-
"Hoi girl kanina kapa lutang ha, ano bang nangyayari sayo?" nakinig kong tanong ni Ara
"Ahm wala naman, may naiisip lang ako"sagot ko at bigla nya akong tinanong kung ano yun, ngunit tiningnan ko lang sya at hindi na ako tuluyang sumagot....
---
"hey girls" saad ng isang lalaki na kung saan ay kaibigan pala ni Elias
"Oh?"tanong ni Ara
"Pashare kami ng table ha wala naman kayong ibang kasama e" saad nito, tanging tango lang ang nasagot ni Ara
-Tumabi sa akin si Elias ngunit kahit anong galaw ko ay hindi nya ako pinapansin...hanggang sa nasagi ko ang earphones na nakasuot sa tenga nya..
"Ano bang problema mo?"tanong nya... bigla namang nagtinginan sa amin ang lahat malakas pala ang pagkakasabi ni Elias...
"Wala, e kasi naman hindi ka namamansin! akala ko ba magkaibigan na tayo?" naging sagot ko..
"kaibigan?kelan pa? HAHAHAH" sagot nya sabay ng pagtawa ng mga kagrupo nya...dahil sa kahihiyang dinulot nito napatakbo nalang ako at naghanap ng lugar kung saan wala masyadong tao at nag-isip isip...
"bat nya nagawa yun? akala ko ba magkaibigan kami? bakit ba kahit nagawa nya yun di ako galit sa kaniya? hayssss" tanong ko sa sarili ko... pero bakit nga ba? bakit ba ako nagkakaganto? bat ba feeling ko kilalang kilala ko na sya? haysss -what if kilala ko na nga sya......

YOU ARE READING
What If
RomanceKwento ng isang babaeng hindi pa handang magmahal at higit sa lahat hindi handang masaktan