Chapter 5: CLOSER

1K 270 15
                                    

Nagising ako ng maaga, dahil kay Oliver. Humagulhol ba naman sa kwarto ko dahil umalis nanaman si dad.

Maaga umaalis si dad tuwing may business trip siya, dahil ang layo pa ng liliparin niya and si Oliver lagi ang naghahatid sa kaniya sa airport pero ewan ko ba kung bakit hindi pa sanay to.

"Oliver stop crying, you're not a baby anymore. Hindi ka ba papasok? " Tanong ko sa kaniya.

Nakabihis na ako at handa nang mag- almusal ngunit hindi ko pa magawa dahil kailangan ko pang patahanin ang isang to.

"No ate, ayoko." Sagot niya. Namumula na ang mata niya at pati na din ang labi.

"Why? Ikaw lagi ang naghahatid sa kaniya pero parang hindi ka pa din nasanay." Lumapit ako sa kaniya.

"I just missed him already.."

"Me too, but please grow up na. Hindi ka na bata para umiyak lagi kapag umaalis si dad, okay?"

"I'll try. " He answered.

Sabay na kaming bumaba at nag almusal. Hindi ko na naabutan si mom dahil maaga pa yata pumasok sa hospital.

Mang Hector drive me to school at nakisabay na din si Layla sa amin. Iisang village lang kami ni Layla pero medyo malayo, kaya hindi kami nagkikita palagi.

"Hoy nakita niyo ba ang notice board?" Bungad agad ni Wilson nang nakapasok kami sa classroom.

"Bakit? Anong meron?" Takang tanong ko.

"Next week na ang filing of COC para sa magpapatakbo." sagot niya.

"Oh tapos?" pambabara ni Layla.

"Hindi ba kayo tatakbo? Ikaw sof ayaw mo?"

"I don't know.." Walang gana kong sagot. Hindi naman talaga ako interesado 'cause it sounds tiring.

Naputol ang usapan namin dahil dumating na din si prof.

Discussion....

"You will be performing human dissection next month. Be prepared, class dismissed." Umalis na siya.

"Parang ngayon palang nasusuka na ako. " Reklamo ni Layla na umaakto pang nasusuka.

"Ano kaya amoy ng patay?" Tukso naman ni Wilson. Hinampas siya ni Layla at tumakbo papuntang CR. Nasuka na yata.

Human dissection. So we will be opening the body of a dead person. Sounds gross at nakakasuka pero believe me. This is what I've been waiting for.

Natutunan ko na to nang high school pa lang. Pinapanood ko kasi to sa internet kasi it's interesting and I want to know what looks inside the human body.

Tumigil na ako sa pag iimagine nang tumayo ang lalaki sa harapan ko at umalis. Saan punta nun? Bad mood yata ah. Sana araw araw siyang bad mood HAHAHHA.

Natapos na ang klase at kasabay ko ngayon si Liam sa paglalakad papuntang library.

"Uy sila na ba? Bagay sila.."

"Mas bagay pa din kami ni Liam"

Yan lang ang iilan sa mga narinig ko sa hallway patungong library.

"Mga ma issue masyado." Buulong ko sa sarili.

"Hey, where are we going?" Liam grabbed my wrist.

"H-huh?"

I looked at his hand holding my wrist and then look at his eyes. Our gazed met at napaiwas agad ako. Nilibot ko ang paningin ko.

Lechefaln! Lampas na pala kami sa library. Ano ba kasi tong mga iniisip ko. Pahiya tuloy.

"Don't tell me, sa parking lot ang punta mo? Kung gusto mo sa bahay, okay lang din naman. "

"You better shut up! Okay?" Tinalikuran ko na siya at tinungo ang library.

Nakakahiya!

Tahimik lang kami na nag take down notes about our research. Pang 5 books ko na to.

The man in front of me was so peaceful, sana lagi nalang siyang ganito. Makikita mo talaga sa mukha niya ang interest sa binabasa niya. Ngayon ko pa lang siya natitigan ng malapitan. I noticed his eyelashes, ang haba, mas mahaba pa siguro sa akin. At ngayon ko lang din nalaman na may mole pala siya sa gilid ng labi. It matches his pink lips at dumadagdag pa yun sa overflowing visuals niya.

"Stop staring at me."

"I'm not." Bumalik agad ako sa huwisyo ko.

His senses was so sensitive huh. Naramdaman niya pa yun.

Natapos ko na ang topic ko at e tatype ko nalang mamaya.

I was about to look at him when I realized he already looked at me. Agad siyang napa-iwas nang tumama ang paningin namin sa isa't isa.

"Are you done?" I asked him while I keep my things.

"Yeah. " At nagligpit na din siya.

"Okay, good. Una na ako." Paalam ko sa kaniya and he nodded.

It's ready 6:00 pm. Sa palagay ko ay naghihintay na sa akin si Mang Hector. Palabas na ako ng library when I heared his phone ringing.

"Pauwi na ako baby, wait for me. Loveyou. " Binaba na din niya ang phone. Tumingin siya sa akin at nagtataka kung bakit huminto ako.

"Gandahan mo research mo para tumaas grades natin."

Palusot ko para hindi niya malalaman na nakikinig ako. Naglakad ako nang mabilis patungong parking lot at nakita ko nga si Mang Hector. Palapit na sana ako nang may humawak sa pulsuhan ko.

Paglingon ko, it's Liam.

"W-what?" I asked him.

He handed me his phone.

"Ano to? I mean...bakit mo binibigay sa 'kin to?"

"I'm not giving that thing to you."

"Then why you handed it to me?"

"Give me your number." He looked at me seriously.

"why would I?.... I'm busy.... Wala akong panahon makipag text or chats. I'ts just waste of time." I answered him habang nilalabanan ang mga titig niya.

"And.." Pangbibitin ko.

Lumabit ako sa kaniya at tumingkayad dahil sobrang taas niya. I can smell his scent. Linapit ko ang bibig ko sa tainga niya and whispered..

"You're not my type." I said it in a bitch way.

Lumayo na ako sa kaniya ngunit nagtaka ako nang bigla siyang tumawa.

"I liked what you're thinking pero.. give me your number in case may itatanong ako about sa research natin." He said it with a smile on his face.

"And..."

Lumapit din siya sa akin. I can feel his body in my shoulder. At naramdaman ko ang paghinga niya sa tainga ko.

"The feeling is mutual, Sophia." He whispered in a husky voice.

Nalunod ako sa hiya. WTF! Sophia! What are you thinking?!! Hindi ko man lang naisip na may ganun. UGH!

I grabbed his phone and type my number. Kahit mainit ang ulo ko ay ibinigay ko pa din because grades namin ang nakataya. I mean grades ko ang nakataya. Wala naman akong pakialam sa grado niya. Kaso nga lang ay pareho kami ng grado sa pagkakataong to.

"Let's go, Mang Hector. Sorry for keeping you waiting."

"Okay lang po yun maam." Sinabi niya yun habang pinagbubuksan ako ng pinto.

Pumasok na ako at pinakalma ang utak ko when my phone beep.

I opened it.

"Reply for confirmation - Cancer"

UGH! Bumalik nanaman ang init ng ulo ko. He always give me a hard time.

I replied one dot and sent it to him.













































Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon