Chapter 19: CUDDLE

890 155 8
                                    

Pagkatapos ng gabing yun ay nagsi- uwian na kami. Kay Oliver na ako sumakay pauwi ng bahay.

1:00 na nang umaga ng makarating kami. Naligo muna ako at humiga na sa kama. Habang nasa kama ako ay iniisip ko ang pangyayari. Sariwa pa din sa akin ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. It's not my first time, but the feeling was new to me. I miss his scent, I miss him already.

"Totoo bang liligawan niya ako?? Paano? " Sabi ko sa sarili na para bang nagtataka.

My phone rang and I answer it.

"Hello? "

"Did you get home safely?" Cancer asked on the other line.

"Yes, thanks for tonight." Pagpapasalamat ko sa kaniya.

"You made my night Sophia, I missed you already." He said it with his husky voice. Fuck. Nakakapanghina.

"I'll sleep na. Goodnight." Pagpapaalam ko.

Binaba ko na ang telepono at nagmoment muna sa kama bago natulog. Kinabukasan ay linggo kaya wala nanamang pasok, alam kong mag-aaral nanaman ako.

"Ate? Gising na!"

Nagising nalang ako dahil sa ingay ni Oliver. Ang aga aga. Bakit ba nanggigising to eh wala naman akong klase.

"Oh bakit? Ang aga aga pa Oliver. Wala namang pasok ah." Sabi ko sa kaniya habang nakapikit pa din.

"Nandun si Liam sa baba kaharap sina mom and dad kaya kung ako sa'yo ay magmamadali na ako para babain siya dun." Sabi niya.

"Wala naman akong paki dun. WHAATTTTT????? Si Liam andito?? Kaharap sina mom???" Gulat kong tanong.

Napabangon ako bigla sa aking narinig. Leche ano bang nangyari sa kaniya bakit naisipan niyang pumunta dito?? Ano nalang sasabihin ko kay mom???? Kailangan kong mag-isip!

"Sige na alis kana maliligo lang ako. Samahan mo si Liam dun baka ano gawin ni mom sa kaniya." Lumabas na nga si Oliver kaya naligo agad ako.

Natapos na akong maligo at habang nagbibihis ako ay iniisip ko kung ano ba ang idadahilan ko. TAMAA! Kunwari ay partner ko nalang siya sa project. HAHAH niceee, talino ko talaga sheyt.

Bumaba na ako at tama nga si Oliver, kaharap ni mom and dad si Liam sa sala. Day off kasi ngayon ni mom and ewan ko kung bakit hindi pumunta ng office si dad.

"Liam nandito kana pala. Kanina pa kita hinihintay para gawin ang project natin." Sabi ko sa kaniya habang kinikindatan siya, senyas na sakyan niya.

"Project?" Takang tanong ni mom.

"Partner kasi kami sa project sa Biolo-"

"Hindi ganyan ang sinabi niya sa'min anak. Ang sabi niya ay pumunta daw siya dito para ligawan ka. He bought you flowers and chocolate." Pagputol sa'kin ni dad.

Hindi ko namalayan na sa kaniya pala yung bulaklak at tsokolate sa mesa. What the- paano na to?

"Sit beside him Sophia." Utos ni mom sa'kin. Wala akong mababasa na emosyon sa mukha niya..

Umupo na ako sa tabi ni Liam. Nang magkadikit ang balat namin....leche nilalamig pala to. Kanina pa to siguro kinakabahan, rinig ko pa ang tibok ng puso niya sa sobrang lakas.

"Kung liligawan mo ang anak ko ay dapat dito lang sa bahay. Kung gusto niyong lumabas ay magpasama kayo kay Mang Hector." Paalala ni dad.

"Yes po sir, thank you po." Liam nodded politely.

"Anong trabaho ng parents mo?" Mom asked while looking at Liam.

Why did she asked that? Bakit parang namemersonal siya? Paano kung walang trabaho? Hindi ba siya papayag? My mom's standard makes me hate her. Iniisip ko baka na offend si Liam sa tanong niya. Tiningnan ko siya at wala rin akong may nakitang emosyon sa mukha niya.

"My dad was Denver Frost and my mom was Alejandra Frost" Pagpakilala niya.

"I'm asking for your parents job, not their names." Mom added.

"Frost? It sounds familiar. OH RIGHT! Mr. Frost, the CEO of Frost Corporation, right?" My dad asked na para bang namangha sa kaniyang nalaman.

"Yes sir." Liam answered.

"How about your mother?" My mom asked again. Not satisfied with the answer.

"She is a fashion designer maam." Kalmadong sabi pa rin ni Liam.

"Uhmm okayy, I want to meet them soon, so keep trying to convince my daughter" Sabi ni mom sabay tayo at pumunta ng kusina.

Nagulat ako sa inasta ni mom. Okay na ba sa kaniya? Fuck I can't believe this!

"Anak, I'll go na. Hindi pa ako naka alis kasi dumating yang gwapo mong manliligaw. Feel at home iho and don't call me sir. Tito lang muna, sa susunod daddy na." Sabi ni dad sa kaniya sabay kindat kaya nahiya ako. Fuck ang advance naman masyado.

"Namumula ka." Liam whispered at me.

"Ikaw nga sunog na. HAHHA. Kanina ka pa nasa hotseat men." Pang-aasar ko sa kaniya.

Parang ako ang na awkward sa kaniya kanina. Eh pa'no ba naman kasi nakapunta sa bahay to. Ang tapang niya masyado para makapasok sa Lion's den.

"Here, this is for you."Inabot niya sa'kin ang bulaklak.

"Thank you. Sorry about my mom, she's a bit strict and her standard was so high." I explained.

"No, It's okay. She's nice."

"And also she already met her standard." He said it confidently habang tinuturo turo niya pa ang kaniyang sarili.

"Hey! nood tayo netflix sa taas." Aya ni Oliver sa'min ni Liam. Kaya tumayo agad kami at umakyat pataas. Nagulat ako ng pumasok si Oliver sa room ko. Fuck buti nalang at inayos ko ang room ko bago lumabas kanina.

Oliver turned on the TV habang kami ni Liam ay nakaupo sa kama.

When the TV turned on nagulat ako ng biglang lumabas si Oli.

"Enjoy couple. HAHAHA." Bigla niyang sinarado ang pinto.

Mokong talaga yun. Pahamak talaga. I felt so awkward. Liam and I were on the same room. Pero hindi ko nalang pinahalata.

"Ano gusto mo panoorin?" Tanong ko sa kaniya.

"Kahit ano." Sagot niya.

I picked Grey's Anatomy. Favorite ko kasi yun kaya yun nalang ang pinanood namin. Tahimik lang kaming nanood habang nakaupo sa kama.

I looked at him and I can't believe na naging manliligaw ko na to. Dati ay nagiging impyerno ang araw ko tuwing nakikita ko siya, but now I can be with him for 24 hours. Thankful talaga ako sa advice ni Wilson. He's a big help.

Nagulat ako ng lumingon din si Liam sa'kin kaya nagkatinginan kami.

"Ang lamig ng aircon niyo." Reklamo niya.

"Ah wait, pahinaan ko muna." Tumayo ako at pinahinaan na ito.

Nang makabalik ako sa kama ay nakahiga na siya. But I don't mind it alam ko namang nakakapagod din umupo.

"Malamig pa rin ba?" I asked him habang humihiga na din.

"Yes. It's cold. I need cuddle." Seryoso niyang sabi habang nakatingin sa'kin.

Fuck. Seriously? Hindi talaga siya nag-iingat sa mga salitang binibitawan niya. Nanghihina ang katawan ko dahil sa kaniyang sinabi.

"Pleasee? Nanlalamig talaga ako."Dagdag niya pa, at sinamahan niya pa ito ng nakakaawang tingin.

"Okay. "I said it coldly. Hindi ko pinahalata na may malisya ako. It's just a cuddle.

Nakaharap na ako sa kaniya ngayon. Umusog siya sa'kin at dahan dahan kong inilagay ang kamay ko sa bewang niya. And I hugged him.He hugged me back while he caressing my hair. And yeah. We cuddled.

His scent was like a comfort to me.

"I felt warm now." He said.

"Masyadong luma na ang moves mo." Sabi ko sa kaniya dahil alam kong diskarte lang naman niya yung lamig lamigan.

"Benta naman."

Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon