Chapter 33: ISLAND

801 83 5
                                    

Isang linggo na ang nakalipas at nandito pa rin kami sa probinsya. Unti-unti ng lumiliit ang mga pasyente dahil gumagaling na sila. Binibisita namin ang iba't-ibang barangay dito. Naging magkasundo na kami ulit ni Wilson, hindi man parehas ng dati pero alam kong aabot din doon. Kailangan ko lang ng oras. Kailangan ko pang humingi ng tawad kay Layla.

"Doc Liam, lunch kana, kanina kapa nagtatrabaho." I heard Franchesca talking.

Sa tingin ko gusto ni Franchesca si Liam. Masyadong lumalapit eh, daig pa linta. Tiningnan ko lang sila sa ward habang ako ay nasa upuan hinihintay si Doc Mercurio.

"Hoy Doc! Sakit naman ng tingin mo."

Hindi ko napansin na dumating na pala siya. Kaya umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya. Bakit nakangiti to? Parang baliw.

"Kung ako sa'yo doc, di ko hahayaan sa iba yan. Ang perfect ni Doc Liam para lang ipaagaw sa iba." Sabi pa nito habang nakatingin sa dalawa.

Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Halika na nga. Pupunta pa tayong isla. Mag-impake na tayo." Pupunta kami ngayon sa Isla ng Taloto-an. Isa ito sa mga Isla sa Concepcion. Doon naman kami bibisita para mag volunteer. Pagkatapos kong mag-impake ay tinungo ko na agad ang daungan ng mga bangka.

" Akin na ang gamit mo. " Kinuha ni Wilson ang gamit ko para siya magdala. Tatlong araw din kasi kami doon kaya marami-rami din ang dinala kong damit.

Lima lang kami ang pupunta ng Isla dahil yung iba ay nasa ibang barangay din. Ako, si Wilson, Si Doc Mercurio at ang dalawa pang doctor. Kami kasi ang kagrupo.

Nakasakay na ang lahat sa bangka at papaandarin na ng bangkero.

"Oy teka! Si Doc Liam yun ah! " Sigaw ni Doc Mercurio.

Tumingin ako sa tinuro niya. Tama nga siya, si Liam nga. May dala siyang gamit habang tumatakbo papunta sa bangka. Bakit nandito siya? Sasama ba siya??

Hinintay muna ng bangkero si Liam kaya hindi niya muna pinaandar ang bangka.

"Thank you." sabi ni Liam nang makasakay na siya.

"Doc Liam, dito kana po." Inoffer ni Doc Mercurio ang upuan niya sa tabi ko! Puchaaa!

"No, no, dito nalang ako." Pagtanggi niya. Tiningnan niya muna ako bago umupo.

"Ay, bakit parang nanghinayang ka doc? " bulong sa'kin ni Doc Mercurio.

"Kanina kapa ah, gusto mo maoverdose?"

"Joke lang hehe." Binawi niya agad ang sinabi niya at nanamihik nalang.

Matanda ng dalawang taon si Doc Mercurio sa'kin pero mas mataas ang ranggo ko sa kaniya kaya tiklop pa din siya pag binabalaan ko siya. Ang daldal kasi.

Nakatulog ako sa byahe. Pagkagising ko ay nagulat ako sa nakita ko. NAPAKAGANDA!  Pumikit ako at linanghap ang napakalinis na hangin. Pagkadilat ko ay tiningnan ko si Liam. Nakapikit din siya at dinaramdam din ang kalinisan ng hangin. Bakit kaya siya sumunod? My heart skipped a beat when he looked at me. Our eyes met, after 10 seconds ay umiwas din agad ako. Shit!

"Pwede na akong tumira dito." nagsalita agad si Doc Mercurio ng makababa na kami. Ang puti ng buhangin at ang pino. It's like a virgin island. Maraming maliliit na bahay malapit sa dagat. Lumabas agad ang mga tao ng makita nila kami.

"Kayo po ba ang doctor na ipinadala ng bayan?" Tanong ng matandang mama.

"Ah oo po, nasaan po ang clinic niyo?" Sagot ni Wilson.

"Ay maraming salamat po. Ah doon po, ihatid ko na kayo." Offer niya.

Sumunod agad kami. Maliit lang ang clinic nila at gawa ito sa kawayan. Medyu sira na ito dahil siguro sa dulot ng bagyo. Pumasok agad kami at ginawa ang trabaho namin. Tiningnan namin lahat ng pasyente. Mabuti lang at mga sugat lang ang natamo nila. Hindi naman gaano ka lala kaya madali lang para sa amin ang gamutin sila.

Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon