Chapter 40: LIAM

784 60 3
                                    

Liam's pov

"Sa SU ako mag-aaral ng med-school dad." sabi ko.

"Mabuti na din yan para mabantayan mo yang kapatid mo." My dad said.

Tumango ako sa kaniya. My dad is strict when it comes to Holly, kaya ramdam ko ang saya niya nang malaman niyang iisang school lang kami.

"I'm a big girl na dad. Pero kuya diba valedictorian ka sa UP? Kaya mo bang talunin ang valedictorian namin?" Panghahamon ni Holly. It is like she's praising their top 1.

Patuloy lang ako sa pagkain. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Kahit hindi niya yan sabihin, my goal is to be number 1 always. Dahil sa school ko lang magagawa yun. Hindi ako naging una para kay dad. Pati na din kay mom, I'm not her son though.

"Why baby? Magaling ba ang valedictorian niyo?" Mom asked Holly.

"Yes mom. She's unbeatable. Palagi ko nga siyang hinahamom eh, pero 'di ko talaga siya kaya. I bet if si kuya kaya niya "

"Kuya Cancer is the best. He can do everything." My little sister Katana said while smiling at me.

"Of course baby." I looked at her and smile. Katana and I are super close.
I do everything to make her happy.

"This is a piece of advice to you son, to make it easier. Kung gusto mong matalo ang isang babae, dumaan ka sa puso." Mom said.

Rubbish. How can I hurt the person para lang makuha ang goal ko? It's immaturity.

My first day of school is kinda boring dahil ako lang mag-isa. I separated with my friends.

"Is this seat taken?" A girl asked me. Bulag ba siya? Alam niya namang walang tao eh. This is why I hate girls.
Mas madiskarte pa sila kaysa sa'min.

"I don't know. Tanungin mo siya, di ko naman alam dating life niya." I sarcastically said. Nag-iba ang timpla ng mukha niya. She's scary.

Hindi ko na naintindihan ang mga pinangsasabi niya dahil nakatuon lang ako sa kamay niya na kanina pa nakahawak sa dibdib ko. It's kinda disturbing.

Naging magkaklase kami ng babaeng yun and I found out na siya pala ang tinutukoy ni Holly na valedictorian ng Ateneo.Her name is Sophia.

She's smart. Ang galing niya sa klase.
Tuwing nagrerecite siya I realized that I like her. Pero I don't know parang ang laki ng atraso ko sa kaniya. Ang attitude niya lagi kapag kausap niya ako. She's even cursing me.

"Pormahan mo na kasi bro." Luke said. He's my best friend in UP. He's taking law. Kaya di kami nagkasama after we graduated college.

"I don't know how to do it." I admit it to him. Tumawa muna siya ng napakalakas bago magsalita.

"Tama ka ng nilapitan bro. Ito tips ko sa'yo. Observe mo siya. Lahat ng galaw niya. Lahat ng gusto niya alamin mo. Then boom doon kana magsisimula." Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya.

I followed what he said. I even eavesdropping to Sophia and her friends. One day, narinig ko na pupunta sila sa bar. Nagdadalawang isip pa ako kung susundan ko ba sila o hindi.

Pagkatapos ng klase ay umuwi ako sa bahay. I chose not to go, but I can't sleep. It's already midnight. Sinuot ko ang hoody ko at pumunta sa bar. Sakto din na nakita ko siya na umuupo sa semento ng parking lot. Lumapit ako sa kaniya.

"I have boyfriend." She said.

"Where? Bakit di ka pa niya sinusundo?" Mahina kong sambit.

"Lumayo ka sa'kin. I have boyfriend."
Bigla siyang natulog sa tuhod niya kaya hindi na ako nagsalita.

Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon