Chapter 24: IGNORANCE

809 121 9
                                    


Papunta na ako ngayon sa bahay, nagtaxi lang ako dahil kinakabahan na talaga ako sa mangyayari mamaya. Baka makita nila na magkasama kami ni Liam. I'm screwed!

Pagkatapos tumawag ni mom kahapon ay umuwi agad kami sa mansion at nag-impake.

Nang makarating na kami sa NAIA ay hindi ko na hinintay ang maleta ko dahil sa pagmamadali.

It's already 10:00 am nang makarating na ako sa bahay. Nanginginig na ang mga kamay ko ng buksan ko ang gate. Ughh! I think I disappoint them. Baka kung ano ang isipin nila sa akin. Nakakatakot pa namang magalit yun. Pero naisip ko ang sinabi ni Oliver. Did he betrayed me? No. No. He wouldn't do that.

Nakapasok na ako sa loob. I saw mom and dad waiting for me in the living room. Fuckkk. Bakit kalmado lang sila? Kinakabahan ako.

"Bakit ngayon kalang anak?" Bungad ni dad sa'kin.

"I'm so s-sorry d-dad-"

"Diba sinabi ko sa'yo na ayokong natutulog ka sa ibang bahay? Is it not clear to you, Sophia?" Pagputol sa'kin ni mom. Galit na siya pero kalmado pa din.

"M-mom. I am ver-ry sorry.." Patulo na ang mga luha ko.

"Kung may gagawin kang project, sabihan mo si Layla na dito kayo gagawa. I didn't trust you. Baka kung ano-ano na ang pinanggagawa mo." My mom said.

WTF?? Tama ba ang pandinig ko? I wanna laugh so hard HAHAHHA. Tumingin ako kay Oliver na pababa palang sa hagdan. He winked at me na para bang pinagmamalaki niya na pinagtakpan niya ako. I knew it! He wouldn't betray me. Ngumiti lang ako sa kaniya pabalik. Mabuti nalang at naiwan ko ang maleta ko.

"Okay po mom, hindi na po mauulit." I said it nicely. Na para bang totoo na kina Layla ako natulog.

Umakyat na ako sa taas at nagshower na. Nakakapagod! Akala ko papalayasin na ako. Buti nalang Oliver saved me. Shemay. Madadagdagan nanaman ang projects na gagawin ko dahil panigurado akong maraming favor nanaman yun. Ang hirap magka utang na loob sa kaniya dahil talagang may kapalit.

Nagpahinga na muna ako. Hindi kasi ako nakatulog sa byahe dahil sa kakaisip sa mangyayari kaya ayon pagod at puyat ang napala ko.

Nagising nalang ako para maghapunan.

Pagkatapos naming mag dinner ay nag-aral na ako. Ang dami kong hahabulin. May quizzes pa kami tomorrow . Sunday kasi ngayon kaya more talaga ang mga paper works para bukas.

"Ay oo nga pala. Na kay Liam pala ang project ko." Naalala ko ang ginawa niyang project para sa'kin.

Kinuha ko ang cellphone ko at ang dami na niyang missed call. Kaya tinawagan ko nalang siya.

"Hey, nakauwi kanaba? Are you safe?" Sabi niya sa kabilang linya.

Wait parang na awkward ako. When I heard his voice, I remember what happened yesterday. Shit! Bakit hindi ko naisip yun. Hindi ko pa nga siya sinasagot at wala pa kaming label, ginawa ko na yun?

Tinatraydor ako ng mga hormones ko!

"Hey, are you there?" Natauhan na ako ng magsalita siya ulit.

"Uhm. Yeah, about the project pala. Pwede mo bang madala bukas?" Pakiusap ko sa kaniya.

"Sure. I'll pick you up tomorrow. Are you sure you're okay? "

"Yeah, I'm okay don't worry. May pinagawa lang sa'kin si mom kaya nagmamadali ako kanina."Pagsisinungaling ko.

"I see, Okay, By the way Sophiaa... "

"Hmm what? May sasabihin ka? " Takang tanong ko.. Sa boses niya palang kasi alam kong may sasabihin siya.

"Nevermind. Goodnight." Pambibitin niya.

"Hmm okay, goodnight. " Binaba ko na ang phone.

Ano kaya ang nangyari dun? Parang kanina lang ay may gustong sabihin. Fuck! Baka tungkol ito sa nangyari sa amin! Paano ko ba yun ipapaliwanag sa kanya?

Hindi na ako naka focus sa mga libro ko dahil sa mga katanungan na dumadaloy sa isip ko. Kaya nag open nalang ako ng social media.

Hindi ako mahilig sa online world, I have more followers naman but I'm not into it. I believe kasi na in every moment, we must enjoy. Keep it private, keep it lowkey. That's my motto.

Habang nag so-scroll ako ay sumagi sa isip ko kung si Liam ba ay may social media account din. Una kong sinearch ang pangalan niya sa facebook. I was shocked!

May fans ba to? He has 50 000 followers. Bakit hindi ko to alam? He is more likely an artist. I stalked his photos at ang gwapo niyang tingnan sa lahat. He's like an international model. Hindi naman siya picture na pang model, wala siyang ini endorse, picture niya lang talaga.

Ang dami niya ng napuntahan. May picture siya sa Paris Eiffel Tower, Korea, Japan, also Amsterdam at may sa Spain din. May nakita din akong picture niya na nasa farm nila,with his family. Nakasmile lahat except him. Napakaseryoso niyang tingnan sa lahat ng pictures niya. Siguro pag ngumiti to aabot 500 000 ang followers nito.

Next ko naman na pinuntahan ang IG niya. Hindi naman ako nahirapan dahil mutual friend sila ni Layla. His username was @LiamFrost. It's private kaya kailangan ko muna siyang e follow. Pero hindi ko yun ginawa dahil nahihiya akong mag first move. But I was surprised when his name appeared on my notification.

"@LiamFrost followed you."

Fuckk! Halos lumabas na ang puso ko sa kakatibok. He's so unpredictable. Pinatagalan ko muna ng 5 minutes bago ako nag follow back. Syempre dapat hard to get.

1 message from @LiamFrost.

I opened it.

@LiamFrost:  You stalking me huh.

@:SoreiEllison: I'm not.

Nagulat ako ng magsend siya ng picture.It is his notification. Nag appear dun na nalike ko ang pictures niya sa fb. Shit!

@SoreiEllison: Oliver used my account.

Sana makalusot HAHA. Napakabobo naman ng palusot na yun. Ano naman ang gagawin ni Oliver sa account ko? Nakakabobo talaga kapag wala kanang maisip.

@LiamFrost: Funny :) It's okay. You can stalk me whenever you miss me. I'll give you the authority.

Wow. Ang hangin. Hindi ko na siya nireplyan. Baka mapa amin pa ako. Tinamasa ko nalang ang authority na sinasabi niya. Kaya ayun I stalked him at may nakita ako.

I saw myself na nakatalikod habang kumakain ako ng tangerine sa farm nila. And my heart went wild when I saw the caption.

"Advance birthday gift from my girl."

I stalked his facebook account again.

Shit! I didn't know na birthday niya na pala bukas!








Cuando el Vino (Med Series #1)COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon