𝙲𝙷𝙰𝙿𝚃𝙴𝚁 𝟺 - 𝚆𝙴 𝙰𝚁𝙴 𝙳𝙾𝙾𝙼.

5 2 0
                                    

HON's POV

Pagkatapos niya akong gupitan na hanggang balikat lang, sinunod niya naman ang pagkulay sa buhok ko. Inabot din kami ng ilang oras at talagang napakasakit sa anit kapag nag-bleach! True ito!

Napagdesisyunan naming lumabas para makapagpahangin. Para na din malibang at mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Ganito palagi ang ginagawa namin ni Hazel at Aymi tuwing nangyayari iyon.

Speaking of her, ang balak ko sana ay pagkatapos naming mamili ay pupunta kami kay Aymi. Mga isang oras lang naman ang biyahe namin papunta sa eskuwelahan niya. Kasalukuyan namang nandito kami sa market para mamili sa hapunan namin. Halos pinagtitinginan ako dahil sa kulay nang buhok ko. Kulay pula ba naman. Hahaha. Ayos lang, maganda pa din naman ako.

Sa buong maghapon naman, tulog at kain lang ang ginawa namin. GY or graveyard talaga ang schedule namin. Parang pang zombie vibes ang graveyard ano? Lol. Noong isang gabi lang kami nagpapalit dahil sa sideline namin but we ended up.. getting fired. Or should I say ako lang.

Napakapa ako sa aking bulsa ng maramdamang nag-vibrate ito. Pagkakuha ko sa bulsa ay napangiti ako sa pangalan ng caller.

Rose calling...

"Hi Rosamiyah. Kamusta? Salamat nga pla, Rose ha?" bungad ko pagkasagot sa tawag. Ang tinutukoy ko ay ang pagpalit namin ng sched. Inipit ko naman ang cellphone ko sa pamamagitan ng tainga at balikat para mailagay ang mga napamili.

[ Nako wala 'yon! Hahaha. Okay naman ako ngayon. Kayo ba? ] siya kasi ang kapalitan ko kapag pumapasok kami ni Hazel sa bar. Mabuti na lang at hindi siya nagrereklamo hehe.

" Ayos naman pero kasi alam mo na hahaha." nilibot ko ang tingin na dumapo sa kaharap ko, nakita ko namang busy ang cashier. Samantalang si Hazel ay naghihintay na lang at nagmumuni.

Narinig kong tumakla siya at sign na yon na alam niya na ang nangyari sa akin.

[ Haynako. Dinadaan mo na naman kasi sa init ng ulo eh. Ayan tuloy. ] Alam na alam niya na dahil matagal na din kami magkakilala. Alam din niya kung gaano ka nipis ang pisi ng pasensya ko.

"Oho. Mabait ako." tumawa lang siya sa kabilang linya bilang sagot. Naririnig ko namang tinatawag siya ni Ate Tine at sinabing kausap niya pa ako. "Salamat talaga. Sabihin mo kapag may libre kayong oras. Treat ko. Gala tayo."

[ Yon! Sigesige. Tawag ka na lang ulit. Busy na dito eh. Pasabi na lang kay Hazel "Hi!".]

"Hahaha. Sige!" Pinatay ko na ang tawag at nasaktong tapos na din ang cashier sa pag-total ng nabili ko. Kinuha ko naman ang wallet at binayaran ang bilihin.

"Yo Zel." tawag pansin ko kay Hazel. Nakaupo siya ngayon habang inaantay ako. May buhat din siyang isang plastic na naglalaman naman ng mga sabon pang stock.

"Tara na?"

"Girl, kain muna tayo ng ice cream! Hahah. Bigla ako nagcrave doon." aya niya habang tinuturo yung malapit na ice cream parlor. Napabuntong hininga ako ng malakas saka inarko ang kaliwang kilay.
"Ano ka buntis? Naglilihi?"

"Honey naman eh!"

"Aish! Oo na." dahil nga malapit lang, pinuntahan na namin at nandito kami sa loob. Itong kasama ko humanap ng maaupuan at nang makahanap na umupo agad siya sa isang tabi. Habang ako na ang pumunta sa counter para umorder.

"Isang strawberry at banana split." pagkasabi ko at binigay ang bayad. Tumalikod ako at nakitang may kausap na lalaki si Hazel. Aba! Saglit lang ako nawala may kausap na agad.

Lav ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon