HON's POV
"Arthur Esguerra." pagkakabasa ko sa plaka na makikitang nakalagay sa isang standee at nasa likuran nito ang art na pinakamaganda. Masasabi kong ito ang pinakamaganda dahil naikot at nakita ko na ang lahat ng arts sa loob ng Art Gallery ng hotel na ito. Ang hotel na ito ay maraming paintings. Iba't-ibang floor pero ito talagang floor na 'to ang nagustuhan ko sa lahat. And the title itself is also unique.
HARMONIA, 2013
'I has been beguiled by your lovely smile.'
-Arthur Esguerra, 2014.Hindi ko alam kung maiiyak ako or matutuwa sa quote ni Arthur. Parang sinasabi kasi na... hindi niya na kasama si Harmonia. Nakakapagtaka lang dahil magkaiba ng taon ang nakalagay. Anyway, It's so beautiful! She's beautiful—no, beautiful is an understimate for this art. She really is a goddess. Sumisigaw ang kagandahan nito. Literal na maganda dahil isang napakagandang babae ang nandito.
I wonder who could she be or does she even exist? Grabe talaga. She has this smile na mahahawa ka talaga. Arthur is right. Sa isang tingin mo lang ay nakakatunaw ng puso ang ngiti niya. Lalo na ang gusto ko sa parte ng mukha niya ay ang mga mata niya. Emerald ang kulay ng mga ito. Diba? Kahit ako ay pinangarap kong magkaroon ng ganyang kulay ang mga mata ko buti na lang talaga naimbento ang contact lens. Kaso waley budget haha. Emerald. Shet. For me, it represents as the color of life. Kaya talagang nabighani ako ng mga mata niya. Sa sobrang tagal kong nakatitig dito, ang mga mata niya ay pamilyar para sa akin.
And she had those long toned, black wavy hair habang ang isang kamay nito may hawak na pamaypay na sinauna ang itsura. Makikita mo rin na may mga nakapalibot na rosas or kung rosas ang tawag na nasa sa bawat gilid nito dahil kakaiba ang itsura pero maganda pa din pagmasdan. Lalo na ang pagkakablend ng mga kulay sa kanyang magarang damit na imbes beige or cream lamang ang kulay nito binigyan niya ng buhay ang damit nito. Nagmukha siyang mayaman dahil sa ganda ng damit niya. Ang black na background nito ay hindi naging hadlang para makita ang kagandahan kundi mas lalong lumitaw ang ganda nito at hindi masakit sa mata titigan. Siguro'y puno ng inspirasyon ang lumikha nito. Siguro siya ang babaeng gusto niya noon pa man base sa kanyang quote.
Hindi ko maaalis ang paningin ko sa kanya. Hindi ko na din halos matandaan kung ilang oras ako nakatitig sa larawang ito. Basta ang naalala ko na lang ay napatigil ako dito at parang nahipnotismo ako ng babaeng ito. Who would have the thought na kahit makabago na ang lahat ay nagawa niya pa ding makapagpaint kahit na mayroon ng digital for arts. Kahit ako man ang nasa posisyon niya ay mas gugustuhin kong humawak ng totoong brush at mga pintura.
Mukhang bagong lagay lang dito ang dilag o dahil first time ko bumisita dito? Gusto ko din makilala ang nagpinta sa kanya. Although, I just know his name. Matanda na siguro ang gumuhit nito? Kasing tanda ng pangalan niya. Kaano-ano niya din si McArthur? Hahaha. Or yet binata siya at talagang maganda siya magpinta. Yeah, whatever, I really wanna see him! Papalakpakan ko pa at magpapaturo ako sa kanya dahil sa napakagandang nilikha niya. And as you can see, I really love arts. I idolized those people who can achieved their dreams and make it to the fullest. Nakakainggit lang!
Hindi mapawi sa aking labi ang pagngiti. Pero dahil sa mga naisip ko kusa itong napawi. Jealousy and insecurity takes over my thoughts again. I want to be like them. I want to create my own art, I want to hold those brushes and I want to be covered with paint. But sadly reality, the real problem is my financial. Money is the first and main problem, simula nung nagpagdesisyunan kong maghanap ng trabaho simula ng magdise nueve na ako, hanggang sa umabot ako ng edad 24 talagang naghanap buhay na kami ni Hazel at Hermes.
Back to the topic! The feeling of having a dream of your own art studio. Nakakatuwa! It's really amazing and dream come true na rin! Napaisip na naman ako dahil gaya ng sabi nila hanggang salita lang ako. Hindi ko na kailangang itanggi pa dahil totoo naman! Kasi hanggang ngayon hanggang salita lang ang ginagawa ko. Plano at mangarap pero walang gawa. So basically, I haven't achieve any of those dreams yet. Paano ko pa ma-achieve ang mga iyon? Eh walang pera. Hays.
BINABASA MO ANG
Lav Art
Romantizm𝙰 𝚖𝚊𝚗 𝚜𝚎𝚎𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚏𝚘𝚛 𝚑𝚒𝚜 𝚕𝚘𝚟𝚎, 𝚏𝚘𝚛 𝚘𝚗𝚌𝚎 𝚕𝚘𝚜𝚜 𝚑𝚒𝚜 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚘𝚗𝚎.. 𝚊𝚗𝚍 𝚊 𝚠𝚘𝚖𝚊𝚗 𝚠𝚑𝚘 𝚠𝚊𝚗𝚝𝚜 𝚝𝚘 𝚋𝚎 𝚏𝚛𝚎𝚎𝚍 𝚏𝚛𝚘𝚖 𝚝𝚑𝚎 𝚑𝚊𝚗𝚍𝚜 𝚘𝚏 𝚙𝚞𝚙𝚙𝚎𝚝𝚛𝚢. 𝑾𝒉𝒂𝒕 𝒇𝒂𝒕𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒄𝒐𝒎𝒆 𝒊𝒇...