Aalis ka na?
Napabuntunghininga si Harvey.
Tumawag siya kagabi. I really have to go, Wendi.
Tumayo siya at lumapit sa kabilang panig ng kama, kung saan nakaupo si Wendi.
Look at me please... Hinawakan niya ang baba nito para ibaling sa kanya ang mukha nito. Nagunahang tumulo ang luha sa mga mata nito. Niyakap siya ni Harvey.
Wendi.. Wendi...kung ako lang ang masusunod, I would never leave... Please try to understand... Wika naman ni Harvey. Alam niyang nasasaktan ang katipan sa mga pangyayari pero wala siyang magawa.
Wendi steeled herself. Napapikit siya at saka kumilos. Then make love to me now.. Harvey... Hinila niya ang mukha nito at hinalikan sa labi. Matagal.
Kusang tumaas ang mga kamay ni Harvey at kinabig siya. Kinagat niya ng bahagya ang lowerlip nito. Ibinuka ni Wendi ang mga labi at pinabayaang lumalim ang mga halik nito.
Abala siyang nagtatanggal ng butones ng suot nitong polo. Dinama naman ni Harvey ang katawan niya. Ipinasok ang kamay aa loob ng suot niyang halter top. Kinalas nito ang hook ng kanyang bra.
Hinila niya pahubad ang polo nito kasabay ng pagalis nito sa kanyang saplot
Kapwa akala mo mauubusan ng oras sa pagmamadali. Naglandas ang mga labi ni Harvey sa pisngi niya papunta sa punong tainga. Nag iwang ng mimunting kagat pababa sa kanyang leeg.
Bahagyang napaungol si Wendi na nagsimulang kumilos ang mga kamay para luwagan at tanggalin ang sinturon ni Harvey. Lumuhod naman ito sa kama at dahan dahan siyang ihiniga.
Dumilat si Wendi bakas ang lungkot sa mga mata sa kabila ng init na naguumpisang umalipin sa kanya.
Kalimutan mo muna ang lungkot Wendi, bulong sa kanya ni Harvey. Mahal na mahal kita. At muli nitong sinakop ang kanyang mga labi.
-------
Siya si Wendi Thea Lin, half chinese half filipina at isang freelance photographer.
Kilala siya aa buong asia dahil sa mga magaganda niyang kuha sa mga scenic spots nito. Jetsetter at lumaki sa Japan. Anak siya ng may ari ng Kubota Electronics na si Ying Lin at ng dating modelo na si Fe Andana Yuan.
Matalino, maganda at sexy. Iyan ay ilan lamang sa mga deskripsiyon na ibinibigay sa kanya.
Naguumpisa pa lamang siya sa CeCi magazine ng makilala niya si Harvey Jung. Gwapo at may boyish charm. Miyembro ng dance group na the Hotheads. Magaling sumayaw at maganda ang boses.
Siya ang kumuha nga larawan sa pictorial nito na ginawang backdrop ang magandang tanawin sa Bali, Indonesia. Nakapagtatakang kahit na relax ang atmosphere ng photoshoot, maiinit na tingin ang ipinupukol niya tuwing kukunan siya ni Wendi ng closeup shots.
Smoldering. Sizzling hot. Yan ang ibinigay na titulo ng presa ng mairelease ang mga kuha niya sa naturang shoot.
Hindi naman maipaliwanag ni Wendi ang nadaramang atraksiyon sa lalaki. Hanggang sa matapos ang pictorial at bumalik sila sa Korea.
Nagulat pa siya ng mula noon ay may dumarating na isang pumpon ng rosas sa bahay niya. Niligawain siya nii Harvey at sinagot niya ito pagkaraan ng apat na buwan.
Lihim ang kanilang relasyon sa publiko. Naghiwahiwalay kasi ang grupo nito at isa isa silang ni launch para sa solo career. Iilan ang nakakaalam na magaling maggitara si Harvey. Kaya ng nagsolo ito at nag compose ng kanta, naging hit agad ang mga komposisyon niya.
Madalas silang magkasama sa mga lakaran pero lahat ito ay ginagawa nila sa labas ng Korea.
Di maikakailang sobrang possesive ng fans ni Harvey at may ilan na ngang napabalitang nang stalk ng mga nakakapares nito sa showbusiness.
Sobrang mahal nito si Wendi, kayat pinoprotektahan niya ang babae.
Nang matapos ang successful world tour nito, naisipan ni Harvey naipakilala na siya sa publiko. Sumang ayon naman ang manager niya.
Dapat ay mag pa pa presscon sila. Pero nagulat ang lahat ng biglang mag pa interview ang sikat na modelong si Shinea Lee at sabihing ang ipinagbubuntis niya ay kay Harvey.
BINABASA MO ANG
Anything for You
RomanceBakit kahit sinaktan mo ako at kinalimutan ang pangako mo... Bakit isang ngiti mo lang masaya na ko. Tanga lang ba ang puso ko? Kasi gagawin lahat para sayo... Kahit masakit... Para lang mapatunayan ko, Na mahal na mahal kita...