Krrring....
Kanina pa tumutunog ang cellphone ni Wendi.
Nagsa shower siya kaya di niya iyon masagot. Dinidedma niya lang.
Nakasampung ring na sino kaya ang tumatawag? Naisip niya.
Pero pa rin siya nagmadali.
Nang matapos na siya. Nagsuot siya ng robe at lumabas na sa banyo. Balak niyang maglibot sa Seoul. Matagal tagal na rin naman siyang hindi nakakakuha ng pictures.
Kagabi ay tumawag si Harvey. Mahigit isang oras siguro silang nagusap sa phone. Ang daming kwento nito. Binilinan pa siyang
huwag nag papagutom.
Nasa Chile ito at naimbitahan dahil nominated ang album nito sa isang award giving body.
Tiningnan niya ang number. Unregistered.
Tumaas ang kilay niya. Pero di na niya pinansin ito.
Nagbihis siya at isinukbit ang maliit na beltbag sa bewang na naglalaman ng extra lens at batteries para sa kanyang kamera.
Gagamitin niya ang motor niya sa paglilibot.
BINABASA MO ANG
Anything for You
RomanceBakit kahit sinaktan mo ako at kinalimutan ang pangako mo... Bakit isang ngiti mo lang masaya na ko. Tanga lang ba ang puso ko? Kasi gagawin lahat para sayo... Kahit masakit... Para lang mapatunayan ko, Na mahal na mahal kita...