chap 10

44 4 3
                                    


Magsasalita pa sana si Wendi ng biglang bumukas ang pinto.

Ikaw pala ang malanding umaagaw sa fiance ko! Sigaw ni Shinea. Sinugod siya nito at sinampal.

Hindi agad naka kilos si Wendi sa bigla ganun din si Drake.

Kabikabila naman ang flash ng camera  ng mga reporters na kasama nito.

Hinila ni Shinea ang buhok niya at natumba siya mula sa pagkakaupo sa kama.

Stop it! Shinea I said stop it! Galit na sigaw ni Drake.

Dumating ang mga guard ng ospital at pinalabas ang press people.

Natira lang sa loob ng kwarto sila Wendi at ang grupo ni Shinea.

Yakap yakap naman siya ni Drake. Inilayo siya sa galit pa ring si Shinea.

Ang kapal ng mukha mong agawin ang fiance ko! Nanggigigil na sigaw nito. Hinahagod naman ng PA nito ang likod niya.

At ikaw naman Drake, ako ang pinsan mo pero yang malanding yan pa ang inaalala mo!

Shinea! Sigaw ni Drake.  Stop saying that word!

Alin ang malandi? Anu ang tawag mo sa babaeng yan? Gan yan na ba ang santo ngayon?

Nakatingin sa bintana si Wendi ng magsalita ito.

Sa palagay mo Shinea. Alam mo ba ang pakiramdam na inagawan ka? Yung dapat na para sayo napunta sa iba? Alam mo ba yung sakit na titiisin mo araw araw makita ang lalaking mahal mo na nakayakap sa iba at ipinakikita sa buong mundo ang ibang babae na papakasalan niya?

Humarap siya dito.

Tinitigan niya ang kinakapatid.

Yun ang tinitiis ko araw araw. Kung may nangagaw man dito ikaw yun at hindi ako!

Ano?! Abat ang kapal nito...

Yung araw na nag pa presscon ka was the day he proposed to me! Sigaw niya dito.
I waited five years! Five long years for him to finally tell all the people na ako yung papakasalan niya!
Na ako ang mahal niya!

Lahat na lang Shinea nasa yo na.. Pati ba naman ang mahal ko?

Napaupo naman si Shinea sa kama. Hindi siya makapaniwala. Parang nawalan siya ng lakas.

Maya maya bigla na lang itong bumagsak mabuti at mabilis ang PA nito.

Ihiniga ito sa kama at pinindot naman ni Drake button para humingi ng tulong sa nurse.

Napatda si Wendi. Umaagos ang dugo sa binti ng kinakapatid niya.

Napalapit siya dito.

Shin..shinea.. Oh my God.. Hinawakan niya ang kamay nito.

Maya maya pumasok ang ilang duktor at nurse inilipat sa  stretcher si Shinea at dinala sa operating room.

Marami pa ring press sa labas ng kwarto ni Wendi. At nakunan nito ang pangyayari.

Kalat na kalat sa internet at ibat ibang istasyon ang balita tungkol sa kanila.

Tahimik na inayos ni Wendi ang mga gamit.

Tumawag ang mama niya at pinauuwi muna siya sa Japan.

Tumawag din ang representative ng CeCi Mag at hindi muna siya pinag rereport sa opisina.

Humingi siya ng security sa ospital para makalabas at binigyan naman siya ng backroute para makaalis na hindi dumadaan sa harap para mailayo sa press.

Bumukas ang pinto at pumasok si Drake.

Tahimik  siyang lumapit kay Wendi at niyakap ito.

Kung hindi ako umalis wala ka sa ganitong gulo ngayon. Im sorry baby. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat, I will.

Madamdaming sabi nito.

Sandaling hinayaan niya na maramdaman ang yakap ni Drake.

Kanina pa niya gustong umiyak at magwala pero pinipigilan niya ang sarili.

Harvey, bulong ng isip niya. I need you now.

Whats the meaning of this Wendi!?

Napatingin siya sa pinto. Si Harvey. Nakatayo at galit na nakatingin sa kanila ni Drake.

Harvey let me explain...

Explain what? Nagmamadali akong bumalik kasi alalang alala ako sayo tapos eto ang makikita ko?

Galit na sabi nito.

Pare, its not what you think... Sabi ni Drake na lumapit kay Harvey para awatin ito.

Wag kang makialam dito sino ka bang hayup ka?! Ikaw Wendi kapag wala ako eto bang ginagawa mo?

Lumapit si Wendi at sinampal si Harvey.

Umiiyak siya. Tama na! Kulang pa ba yung mga ginawa ko Harvey? Ako naman ngayon ang sasabihan mo na may ginagawa behind your back?

Sa iba kung maririnig ko yan ok lang. But coming from you..? My God you make me sick!.

Binitbit niya ang gamit at mabilis na lumabas ng kwarto.

Nahihilam sa luha ang mga mata. Mabuti na lang at nandun na ang escort na hinihingi niya.

Sa likod siya idinaan ng mga ito. May mangilan ngilan ding press duon pero hindi nakalapit sa kanya.

Hanggang makasakay siya sa taxi at makauwi sa condo niya.

Tumutulo ang luha niya habang nakatanaw sa labas ng bintana.

Ayokong sumuko Harvey.. Mahal na mahal kita...

Anything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon