chap 7

50 4 7
                                    

Mabilis siyang nagpatakbo ng motor.

Tumutugog ang rock songs ng metallica sa tenga niya.

Kulang na lang ay mag headbang siya.

Huminto siya ng mag red ang traffic light. May humintong motor sa tabi niya. Bahagya niyang sinulyapan ang driver nito. Naka all black outfit.

Matangkad at maganda ang hubog ng muscles sa ilalim ng fitted na suot nito.

Napailing siya. Nag ready ng mag yellow at pinaharurot ang motor niya pag ka green ng ilaw nito.

Biglang may kotseng sumulpot sa harap niya. Umiwas siya iginiya ang motor niya pero may mga pedestrian naman.

Think Wendi!

Pinatay niya ang motor at iginiya iyon sa pagitan ng dalawang van na nasa harap niya.

Umikot ang motor paglagpas nito sa van na mabuti ay tumigil.

Niyakap ni Wendi ang sarili niya ng maramdaman niyang lumutang siya sa ere.

DRAKE POV

oh my god!

Hindi agad nakakilos si Drake para masundan si Wendi ng makita niya ang nangyari.

Sumunod lamang siya ng makita niyang dumaan ito sa pagitan ng dalawang van.

Kaya kita niya ng humagis ito pahiwalay sa motor.

Ihininto niya ang motor niya sa tabi at agad na nilapitan si Wendi.

Wendi. Are you ok?

Tinitigan niya ito. Hinubad dahan dahan ang helmet.

Nakapikit si Wendi. Pero humihinga pa. Napaexhale si Drake. Ni hindi nga niya napansin na pinigil pala niya ang paghinga niya.

Dumating ang ambulansiya at nilapatan ito ng first aid.

Bahagyang dumilat si Wendi.

Pero pumikit din agad.

Masakit ang ulo niya.
Dont move baby. Narinig niyang sabi ng isang tinig.

H-harvey? Mahinang sabi niya.

Napakunot noo si Drake. Harvey?

Sino namang Harvey yun.

Isinakay na ito sa stretcher at dinala sa ospital. Sumunod naman si Drake sa ambulansiya.

Sino yun? Ulit na tanong niya sa isip.
Dont tell me you already have a boyfriend. Did you forget your promise Wendi?

Bumuntong hininga siya.

Bumalik sa nakaraang sampung taon.

Dont cry Wendi. Pag aalo niya dito

Walang patid ang luha nito mula pa ng umalis ng bahay hanggang sa airport.

Babalik ka di ba? Babalikan mo ko? Mangako ka Drake! Sabi nito sa pagitan ng paghikbi.

Babalik ako Wendi. Pinahid niya ang luha nito at bahagyang ngumiti si Wendi.

Pangako. Pagbalik ko, magpapakasal tayo!

Tumango naman ito.

Nag pinky swear pa sila.

Drake come on.. Flight na natin yung in announce. Tawag ng mommy ni Drake. Bye Wendi!

Baling nito sa dalaga.

Bye Tita. Ingat po kayo!

Bumalik sa kasalukuyan si Drake.

He pursed his lips.

Bumaba siya sa motor at isinukbit ang helmet sa braso.

Sumunod sa stretcher na kinalululanan ni Wendi.

Im back baby. Im back for good.

Anything for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon