Ilang linggo na hindi lumabas si Wendi sa condo niya.
Hinihintay niyang pumunta si Harvey pero ni anino nito hindi niya nakita.
Tumatawag naman ang mama niya at pilit siyang pinababalik sa Japan.
Tumunog ang doorbell niya.
Agad siyang tumayo at binuksan ang pinto, pero nawala ang ngiti niya ng makita si Drake. Tahimik na nakatingin sa kanya.
Can I come in? Sandali lang ako. I want to talk to you. Pakiusap nito.
Pinapasok niya ito sa loob.
Hindi na ako uupo.. Hindi rin naman ako magtatagal. I would like to say Im sorry.. Sa lahat ng pagkukulang ko..
I know ang laki ng kasalanan ko sayo. All that happened in the past doesnt matter. Wala akong masasabi na hindi lalabas na excuse.
I thought youll wait for me kahit kelan ako bumalik.
But I guess im wrong.
Nilapitan siya ni Drake. Hinaplos ang mukha niya. I still love you Wendi.
Kung..magbabago ang isip mo, I will wait for you on Saturday. Babalik na ako sa US and I want you to be with me.
Kung hindi ka dadating I guess thats my fate.
Niyakap siya nito at hinalikan sa noo.
Napapikit si Wendi.
Niyakap siya ng mahigpit ni Drake.
Nangingilid ang luha nito sa mata ng bitawan siya. Isang pilit na ngiti ang ibinigay sa kanya. Saka tumalikod.
Wag mo na akong ihatid. I know my way out. Sabi nito at lumabas na ng suite niya.
Matagal ng wala si Drake pero nakatitig pa rin siya sa ticket na iniwan nito.
BINABASA MO ANG
Anything for You
RomanceBakit kahit sinaktan mo ako at kinalimutan ang pangako mo... Bakit isang ngiti mo lang masaya na ko. Tanga lang ba ang puso ko? Kasi gagawin lahat para sayo... Kahit masakit... Para lang mapatunayan ko, Na mahal na mahal kita...