Chapter OneMula sa malayo, natanaw ko ang kulay pula't asul na ilaw kaya't dali-dali akong nag martsa papunta sa mga kasama ko.
"Hoy mga tanga! tara na!" sigaw ko sa kanilang mga nag to-tong its sa ilalim ng tulay. Ilegal ang tumambay dito dahil sa clearing operation ng mayor naming photo op ang plataporma.
"Hoy Maro! ibalik mo yang taya mo, gago!" sigaw naman ni Enzo. Hindi yata ako narinig.
"Hoy Enzo! tara na! payb oh!" muling sigaw ko, at nagtagumpay akong mapalingon siya, at sa iba pa naming mga kasama. Sabay sabay kaming kumaripas ng takbo lalo na nang marinig na namin ang sirena ng pulis, hudyat na malapit na sila sa 'min.
Sinalubong kami ng mga busina ng sasakyan nang walang ano-anong tumawid kami, hindi pinansin ang overpass sa taas. Nagtawanan lang ang mga kasama ko at dumerediretso na animong wala kaming naabalang traffic. Nang makatawid, isang madilim na eskinita ang napasukan namin. Balot ng katahimikan ang buong lugar, at tanging paghabol namin ng hininga ang nagbibigay ng ingay.
"Nasa'n si Kuya?" tanong ko. Napatingin din sila Maro sa paligid nang mapansing wala nga ang kuya ko.
"Lagi na lang!" reklamo naman Rusco.
"Tara hanapin na natin," asik ko sabay hila sa tatlo kong kasama. Lagot kami kay papa pag-nalaman niyang nakipaghabulan nanaman kami sa pulis. Paalis na dapat kami nang may marinig kaming tunog ng cellphone.
"Oh, Ranz! Nasa'n ka?" Sagot ni Maro sa tumawag, si kuya. "ANO?! Nahuli ka? an-tanga mo naman," Dag-dag pa nito na naging dahilan para hablutin ko ang cellphone niya at pinindot ang speaker mode.
"Hoy Kuya! H'wag kang ma-mawer d'yan. Nasa'n ka? Isusumbong kita kay papa!" Agad na untag ko habang pinapaliguan ng titig ang cellphone.
"Sinag, wala akong panahon mang- gago ngayon. Sunduin niyo ako dito, tawagan niyo si papa. Bahala na kung mapagalitan tayo. Nilalamok na 'ko dito," Sagot naman nito sa tinatamad na tono.
"Bahala ka diyan. Ikaw na tumawag kay papa, uuwi na lang kami," huling asik ko bago patayin ang tawag. Ibinalik ko ang cellphone kay Maro at nilabas ko naman ang cellphone ko, bago nagdial ng numero.
"Hello pa," Asik ko nang sagutin ni papa ang tawag ko. Narinig ko pang tumawa ang mga hayop sa gilid ko kaya't nilingon ko ang mga ito nang masama.
"Oh, Sinag? bakit? Anong oras na, umuwi na kayo nila Ranz. Hinahanap na din sila Maro." Dirediretsong salubong sa'kin.
"Si kuya, nahuli." Walang alintana kong asik.
"ANO?!--"
"Basta, pumunta ka na lang sa station. Nahuli si kuya. Nilalamok na daw siya. Papunta na rin kami," Pagputol ko sa nagbabadya niyang pag-sabog.
"Ikaw, nasaan ka?" Pilit na pinahinahong tanong niya.
"Sa tapat ni Maro." Maikling sagot ko. Nakita kong mariing pumikit ang mga kasamahan ko. Hindi na sumagot si Papa, kaya't pinatay ko na ang tawag. "Tara na," aya ko sakanila.
"Sir, I'm not one of them. Gracious! How many times do I have to tell you that I only bumped into him while walking! I'm off from my 24-hours duty as residence at Valmorida Medical Hospital," isang baritonong boses ng lalaki ang sumalubong saamin sa loob ng station.
"Ser, Hindi niyo nga ho maipakita ang I.D mo. Paano kami maniniwala? Ayaw mo ring tumawag sa kung sinong pwedeng sumundo sa 'yo dito," sagot naman ng pulis.
"I'm not a minor! For heaven sake. I'm already 24 years old! Mas matanda pa nga yata ako sakan'ya!" Sagot ulit niya habang tinuturo ang kuya kong nananahimik lang sa gilid. "You! Tell them that we don't know each other!" Asik pa nito sakaniya.
Tinignan lamang siya si Kuya at humikab. "Wala kang mapapala diyan. Kung ako sa 'yo tawagan mo na lang kung sinong p'wede mong tawagan. mapapaos ka lang kakapaliwanag diyan," Suhestyon nito.
"You didn't even try to explain your side. Siguro lagi kang nahuhuli. You mobster," Asik nito na nakapagpagising sa huminahon kong badtrip.
"Hoy!" Sigaw ko at napatingin silang dalawa saakin. Marahas kong nilapitan ang matapobreng doctor at hinatak ang kamay nito na nakaturo kay Kuya. "Ayusin mo tabas ng dila mong matapobre ka! pa english-english ka pa diyan. Nag suggest na nga sa 'yo si kuya, sasabihan mo pang gangster? gago pal--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang awatin na ako ng mga tao.
"Sinag, manahimik ka. Nakakahiya ka," bulong sa'kin ni Enzo.
"Sinag, huminahon ka nga," Dagdag ni Kuya. Pumiglas ako sa hawak nila at inayos ang nalukot kong mahabang t-shirt.
"Pasenya na ho pero bawal ang bata dito," asik ng pulis kaya't marahas ko itong nilingon.
"Bata? hoy! bente uno na ako," Akmang maghaharumentado nanaman ako ngunit agad akong naawat ng mga kasama ko. Bumalik na lang ulit ako sa upuan at inantay na dumating si papa, habang si Enzo nama'y kinakausap ang mga payb oh.
"Sinag," Tawag sa 'kin ng isang pamilyar na boses, si papa.
"Pa, ayun si kuya," asik ko sabay turo sa kuya kong payapang nakaupo sa harap ng matapobreng kapre.
"Ayos ka lang ba? Walang masakit sa 'yo?"
Tinignan ko muna siya na may nasusurang tingin. "Pa, hindi ako yung na huli. Tubusin mo na 'yan si kuya."
Lumingon si papa sa pulis na kausap ng matapobrang kapre kanina. "Oy, ikaw pala," Asik pa nito sakaniya at lumapit para ata utuin.
"Sinas. Sino ba ang anak mo nanaman dito?" Tanong ng payb oh. Hindi na ako nag- abalang tumayo at tinignan ko lang sila habang prenteng naka-upo. Sa gitna ng kanilang utuan may biglang bumulabog sa pintuan na nakapagpalipat ng atensiyon namin sakaniya.
"Omyg! Ice! are you ok? hindi ka ba nila sinaktan? omyg! omyg! who among those goons hurt you?" Maarte at nakakatuleg na salubong nito sa matapobreng kapre. Tinignan din nito si kuya na nakatingin sa malayo, yamot na yamot na sa nangyayari. "Siya ba?" turo ng matapobreng maarte sakaniya. "You--"
"Hoy!" Sigaw ko at napalingon naman siya. "Nakaririndi ang boses mo, para kang parrot na sinasakal."
"I'm sorry?" Maarte nanaman nitong tugon.
"Ok lang, ano kaba," Kaswal ko namang tugon at maangas na lumabas. Mahablot ko pa ang kulot niyang buhok pag nagkalintikan na. Nagpunta na lang ako sa malapit na sari-sari store at bumili ng yosi. "Isang lights."
"Ilang taon ka na ba ne?" tanong ng tindero. Matunog muna akong bumuntong hininga at nag labas ng lisensya.
"21."
Nag- aalinlangan pa ang tindero ngunit pinagbilhan niya pa rin ako. Sumandal ako sa kulay grey na kotse at sinindihan ko ang yosi gamit ang lighter na iniregalo saakin ng ex ko. Hindi na ako masaya sakaniya kaya iniwan ko na.
Hindi ko talaga maintindihan yung mga taong nag s-stay pa rin kahit ayaw na nila? bakit pa kayo mag s-stay kung mahuli niyong may iba na yung karelasyon n'yo? Kung sinasaktan na kayo? Kung napaagod na kayo? Kung hindi naman sila nakakabuti sa 'yo, bakit pinipilit niyo? Isa pa. Bakit naman hindi niyo gawin lahat para hindi tayo iwan 'di ba? Mahirap bang iwan mo yung taong pinagseselosan ng karelasyon mo? Mahirap bang sundin yung gusto nila? Kung papasok kayo sa relasyon, bakit hindi kayo handa para sa mga ganun?
Sa gitna ng paglalakbay ng aking isip, may biglang humablot ng sigarilyo sa aking daliri. "Ay puta!" Nilingon ko ito nang masama at nanlaki ang mga mata ko nang si matapobreng kapre ang gumawa niyon. "Anong problema mo? Gago ka ah?"
"Kung ayaw mong naiistorbo ka, wag kang sumandal sa kotse ko. Nadudumihan."
Tinignan ko na lang siya nang masama at umalis na. Baka mamaya masilaban ko pa 'yang sasakiyan niya.
Isa na 'yan. Pustahan pa kami ng tadhana, walang tatagal sa matapobreng 'yan.