Chapter Three
Nasa daan ako papunta sa kwarto ni papa nang matanaw ko ang isang pamilyar na lalaki, hindi nalalayo ang tanda kay papa. Nakita niya rin ako at bahagyang ngumiti nang takbuhin ko ang layo ng distansya naming dalawa. "Tito Suede!"
"Kumusta ka? Hindi ko nasabi kay Sig, na uuwi ako. Dapat ay Su-sorpresahin ko kayo sainyo kaso pag-punta ko eh si Maro lang ang nadatnan ko. Ang sabi niya'y napasok nanaman sa gulo itong ama mo. Hindi pa rin nagbabago," Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at ginulo ang aking buhok. Siya lang ang may mahabang pasensya na umiintindi kay papa. "Tara na," Pag-aya niya.
Habang nasa daan kami ay hindi siya magkamayaw sa pag-tawa dahil sa mga reklamo ko sa mga pinag-gagawa ni papa. Nakita rin niya ang sugat ko at binigyan niya ako ng kaunting sermon bago kami pumasok ng kwarto.
"Manang-mana ka talaga sa tatay mo," Asik niya sabay tawa. "Lumalaki ka na at unti-unti nang lumalabas sa mukha mo ang hawig mo sa mama mo," masayang dagdag niya pa ngunit agad na napawi nang mapagtanto niyang hindi ko iyon gusto marinig lalo na galing sakaniya, ang asawa ni mama.
Ngumiti lang ako at pinagbuksan na siya ng pinto. Pag-pasok namin ay sinakop ng mga tropa ni papa ang buong kwarto kaya't parehas naming hindi inaasahan ang maingay na paligid na sasalubong sa'min. Hindi rin nila napansin ang presensya namin ni tito.
"Pa," asik ko pero humalo lamang sa ingay ng paligid ang boses ko. "Papa," pagsubok kong muli ngunit wala pa ring nangyari. Ipinikit ko ang mga mata ko sa nagbabadyang pag-gising ng aking badtrip. Nilingon ko ang isang table na may tray at nauupos na pasensyang ibinagsak ko iyon, dahilan para sabay-sabay silang marahas na lumingon sa 'kin na animong binaril ko ang lider nilang nakaratay sa higaan.
"HOY! NASA HOSPITAL KAYO! WALA KAYO SA SUGALAN, MGA PUNYETA! IKAW, PA! MAKATAWA KA AKALA MO HINDI NAGRIPUHAN AT MUNTIK MAIDALA NI KAMATAYAN SA IMPYERNO! KAYO NAMAN MAGSI-UWI KAYO! GINAGAWA NIYONG KANTO 'TONG KWARTO NI PAPA! UWI!" Marahas pa akong hiningal habang masama ang tingin sa lahat. Nakayuko lang ang mga loko at nag-tulakan pa kung sino ang mauunang dumaan sa gilid ko para makalabas. Nilingon ko si papa na humiga at nagtalukbong ng kumot.
Ang kaninang mala palengkeng kwarto ay tila dinaanan ng anghel sa sobrang tahimik. Tanging tawa lang ni tito Suede ang ingay na bumabalot, dahilan para harapin ni papa si tito Suede.
"Anong ginagawa mo dito, kuya?" Supladong tanong ni papa.
"Nagbakasyon muna kami dito, dahil gustong kumuha ng internship ni Star, sa isang hotel, sa Boracay," Agad akong umirap sa hangin nang marinig ko ang pangalan ng kanilang anak na spoiled brat. Sa dinami-dami ng palayaw na gagamitin, 'yong malapit pa sa palayaw ko. "Dumaan lang kami dito para bisitahin kayo. Mamaya rin ang flight namin papuntang Caticlan."
Sinulyapan ko si papa na tila nasa malalim na pag-iisip. Tumayo na agad ako at taas noong lumabas ng kwarto, bago ko pa marinig ang susunod na salitang babanggitin niya. Nagpunta ako sa rooftop ng hospital at nag sindi ng sigarilyo. Tulala ako at nasa gitna na ako ng pagkalma nang may humablot sa sigarilyo ko't pinatay iyon sa parapet ng rooftop.
"Did I tell you not to smoke because you have a fresh-stitched wound?" Asik niya nang bigyan ko siya ng masamang tingin.
"Wala ka kayang sinabi."
Inilahad niya ang kamay niya. "Now that you know. Give that pack of cigarettes, and your lighter as well."
Tinignan ko lang muna siya at dinuraan ang palad niyang nakalahad, tapos ay mabilis akong tumakbo paikot sa malawak na rooftop ng hospital.
"You damn child!" Sigaw niya at nagsimula rin akong habulin. Naghabulan kami ng naghabulan hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan at agad kaming sumilong sa bubong, malapit sa pintuan. Tahimik lang kami at 'di kalaunan ay hindi ko na mapigilan mag-tanong.
"Bakit ka nga pala na'ndito?"
"I work here," simpleng sagot niya.
"Ahh..." sarkatiskong sagot ko at naputol nanaman ang usapan, tanging malakas na buhos ng ulan lang ang nagbibigay ng ingay sa paligid. Ilang sandali pa ay siya naman ang nag tanong.
"Are you cold?" Umiling lang ako. "Let's go?"
Nilingon ko siya at yumuko muna. "Mauna ka na. Ayoko muna bumaba." Pinipilit kong h'wag iparinig ang lungkot sa boses ko ngunit nakatakas iyon sa huling salita na aking binanggit. Tinignan niya muna ako at tinanggal ang kaniyang lab coat.
"Wear this. Isauli mo na lang sa 'kin pag nakababa ka na," asik niya at tinalikuran na ako.
Sinunod ko ang sinabi niya nang makaramdam na ako ng lamig. Hindi ko alam kung anong oras na pero madilim na at tumila na rin ang ulan. Tumayo ako at nilapitan ko ulit ang parapet ng rooftop at tinignan ang ilaw ng mga gusali na nagbibigaw liwanag sa gitna ng gabi. Ilang taon na ang nakakalipas nang ipakita sa'kin ni papa ang tanawing ito ngunit hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako sa ganda at liwanag na ibinibigay nito sa aking mga mata.
Pinalaki ako sa isang magulo at maingay na paligid. Lahat ng sigawan at sakitan ay nanatiling malinaw sa alala ko. Mula pagkabata ko hanggang sa kaninang kaguluhan. Hindi na fufull storage yung utak natin ano?
Sa gitna ng aking malalim sa iniisip ay may biglang dalawang kamay na nagtakip sa mata ko.
"Babaliin ko kamay mo, Rusco. Isa," Banta ko at ibinaba niya ang kamay habang natawa.
"Sabi na na'ndito ka eh," mapaglarong asik nito at tumabi sa'kin, sinulyapan rin ang kagandahan ng citylights. "Na'ndito daw si tito Suede?"
"Oo. Nakita na niya ako. Nag-usap sila ni papa, kaya umalis ako," paliwanag ko kahit hindi niya pa tinatanong kung bakit ako na'ndto. Tumahimik pa muna ito, nagiisip ng tamang salita sa susunod niyang itatanong.
"Uh... si ano... Tita... ugh... Grayce?"
Mapait akong natawa sa pagaalinlangan niyang tanong. Bumuntong hininga muna ako at nagkibit balikat.
"Bakit siya pupunta rito?" Seryosong asik ko kaya't napayuko siya at natahimik. Humagalpak naman ako sa tawa dahil sa kaniyang reaksyon, "Joke lang ano ka ba," Tumingala ako at sinulyapan ang buwan.
"Hindi siya nag-punta dito. Wala rin naman siyang dahilan para mag-punta pa rito dahil alam niyang kahit anino lang niya ang makita ni papa, eh, magkakagulo nanaman kami," asik ko sa malungkot na himig. Ilang minuto ang itinagal ng katahimikan na bumalot sa'ming dalawa nang putulin iyon ng pitik sa sira dura ng pinto.
"Sinag..." Baritonong tinig ng aking kapatid ang nakapagpalingon saakin. Kitang kita ko ang nagbabadyang luha mula sa mata niya kaya sinenyasan ko muna si Rusco na iwan kaming dalawa.
"Buntis si Weny," nanlulumong asik niya at ako nama'y nabigla sa biglaang pag anunsyo niya.
"Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba ikaw ang ama? sinasabi ko na--"
"Nakunan siya."
Agad akong nanlamig at natigilan sa kaniyang sinabi. Ang matang kanina'y puno ng lungkot ay biglang nasilaban ng galit at hinanakit. Nanginig ang buong kalooban ko. Ni-minsan hindi ko pa nakita si kuya na ganito kagalit sa harapan ko.
"A-Ako ba?--"
"Bakit mo naman pinagkaitang mabuhay 'yong isang inosenteng bata?" Muli nanaman niyang pinutol ang aking sasabihin. Naging blanko ang aking isipan nang makumpirma na ako nga ang dahilan. Napatalon ako nang lumapit siya sa 'kin, hindi para saktan-- kundi para sandalan nang magsimula siyang humagulgol na parang bata. Gusto kong magpaliwanag ngunit hindi ako makahanap ng salitang maisatinig para hindi siya lalong masaktan. Wala akong maidahilan. Ang kaninang badtrip ko ay bigla ng nagtago at nawala.