Dalawa

3 0 0
                                    




Chapter Two

"Bakit ba ang hilig niyong mag sugal do'n? Hindi ba't sinabi ko na sainyo na hindi pu-p'wede doon at may clearing operation ngang nagaganap? madaming gumagamit ng bato at batang nagrurugby kaya't pinagbawal na ang pagtambay do'n. Sumaryosep naman kayo!" Agad na salubong ni papa nang makauwi kami ni kuya sa bahay. Tatlo lang kami rito.

Si kuya ay nagtatrabaho sa isang bilyaran, ako naman ay isang propesyonal na tambay, at ang tatay ko ay lider ng isang kalokohan-- Gang.

"Bakit ikaw, pa? noong bata ka rin naman palagi mong ginagawang kalaro yung mga pulis ah? 'di ba't kaya mo naging kaibigan yung payb oh na yun kanina kasi tatay niya yung laging nakakahuli sa 'yo no'ng araw?" Pangangatwiran ko.

"Sinag, anak. no'ng araw iyon. mamaya't pag- nagkahulihan nanaman do'n ay baka mabaril kayo. Pumarine nalang kayo't madami pang sasali."

"Kadudugas naman kasi nila chong Dante eh," Huling tugon ko at umakyat na ko sa aking kwarto.

Maliit lang ang bahay namin. Pag-pasok mo, isang plastik na sofa at pagdiniretso mo pa ay aming kusina at hapag. Pag-ka kanan mo naman eh banyo. May tatlong kwarto naman sa taas, tig-iisa kami nila papa.

Agad na napabalikwas ako sa yamot nang may istorbong gumising sa 'kin. "Sinag! Gumising ka diyan! Si chong Sinas! Sinag!" Sigaw ni Maro mula si labas ng kwarto ko. Agad akong bumangon nang matunugan mula sa kaniyang boses ang gustong sabihin.

"Ano? Sino nanamang kaaway ni papa?" Nasusurang sagot ko nang buksan ko ang pintuan. Mukha pa akong basahan dahil sa malaki kong tshirt na may butas sa tagiliran at buhok kong mukhang hinangin sa paliparan.

"Si chong Sinas..."

"Ano ba? Ano?"

"Nasaksak ng tatay ni Weny." Mabilis niyang sabi kaya't agad na nag-usok ang tainga ko at padabog na lumapit sa damitan para mag-palit, hindi na pinansin ang lalaking nasa tapat lang ng aking kwarto.

Palagi na lang may iringan ang pamilya namin sakanila. Hindi naman namin iyon pinansin nang maging nobya ni kuya si Weny. Pero hindi ko na talaga p'wedeng palampasin 'to. Magkalintikan na kung magkalintikan.

"Nasaan si Weny? Bakit sinaksak? Si Kuya ba?" Kalmadong tanong ko. Tinali ko ng pusod ang aking buhok at isiniksik ko ang matulis kong hairclip sa gilid ng aking takas na buhok. Mahirap nang magkagipitan.

Nang hindi sumagot si Maro sa aking tanong ay nilingon ko iyon at wala na akong natagpuang pigura ng lalaking kanina'y kausap ko lang. Pababa na ako ng hagdan nang may tumawag sa cellphone ko. "Oh, Rusco. Si kuya?"

"Nasaan ka?" tanging tugon niya.

"Nasa hagdan," sagot ko at dumeretso na ako sa pagbaba. Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko si Maro na nakikipagsagutan nanaman sa lalaking kapatid ni Weny. Pinatay ko muna ang tawag bago sumugod.

"Hoy Wesley! Nasaan na yung kapatid mo?! Ano nanamang sinumbong no'n sa baliw mong tatay?" Dirediretsong tanong ko habang papalapit sakaniya.

"Sinag... Teka lang. Hindi ko rin alam kung nasaan sila... huminahon ka..." pagsusumamo nito ngunit hindi ko iyon pinansin nang matanaw ko ang kulay dilaw na palda ni Weny, papasok sa isang eskinita. Alam kong kaniya 'yon dahil si Kuya ang bumili no'n.

"Hoy Weny!" sigaw ko at kumaripas ng takbo bago pa siya maka layo. Nang marating ko ang eskinitang pinasok niya ay agad ko siyang hinabol doon. Tanaw na tanaw ang bagal ng kaniyang pagkilos, dahilan para maabutan ko siya kaagad. "Hoy! akala mo makakaalis ka?" Asik ko sabay hablot sa kaniyang palda. KInaladkad ko rin siya palabas ngunit bigla akong napabitaw nang may maramdamang hapdi sa aking tagiliran.

Chained To YouWhere stories live. Discover now