Chapter Five"Aiden Jayce Monteverde Valmorida," pagpapakilala ni madame Daycie sa kaniyang anak. Ngumiti naman ang matapobrang kapre at ibinalik muli ang kaniyang mata sa'kin. Agad na gusto kong sisihin si tito Suede kung bakit niya ako sinama pa rito. Inilayo ko ang aking paningin at tumabi kay Star, na halos maglaway na sa kakatitig kay Aj.
Mabilis akong napatayo, nang humakbang papalapit sa'kin si Aj, "CR lang po ako," pagpapalusot ko at lumabas na nang kwarto, hindi na inantay na makasagot ang mga nakakatanda.
Nilapitan ko ang bellboy na nakatayo sa tabi ng bell cart, "Oy, nasa'n yung CR?" tanong ko dito. Tinignan niya muna ako na may mapanghusgang tingin bago sumagot.
"Doon po ma'am, diretso ka lang po pagka-kaliwa mo diyan."
Nagpasalamat ako at dumeretso na sa itinurong direction ng lalaki. Pag-pasok ko ay natulala lang ako sa salamin. Sa dinami-daming hotel dito sa boracay, yung kanila pa talaga yung a-applyan mo? punyeta ka, Star. Pag-katapos ng ginawa ko sakaniya kahapon, makikita niya ako dito? Sa hotel pa nila!
Naghilamos ako at nagpaikot-ikot muna sa banyo bago lumabas. Halos bumalik ulit ako sa loob nang makita ko siyang prenteng naka sandal sa gilid ng CR, tila may hinihintay. Huminga muna ako nang malalim at taas noong naglakad para lagpasan lang siya, ngunit hindi pa ako nakakalagpas ay may naramdaman akong humarang sa aking paa, dahilan sa muntik kong pagkatisod. Buti nalang ay naibalanse ko kaagad ang katawan ko at hindi tuluyang natumba.
"Hoy, tang-- sira ba ulo mo?" tanong ko sa kaniyang may inosente ngunit nakakapikon na mukha. Mas lalo lang nag-usok ang tainga ko sa reaksyon niyang parang wala siyang ginawang kagaguhan.
"Watch your steps," sagot nito at naglakad papalapit sa 'kin. Itinaas ko ang kilay ko at nilabanan ang kaniyang tingin.
"Anong ginagawa mo rito?" Naunang tanong ko bago pa niya maisatinig ang mga nabuong salita sa kaniyang utak. Tumaas ang kilay nito na para bang isang malaking insulto sakanya ang tanong ko.
"Isn't that a question for me to ask?" Tanong nito nang makalapit na ito saakin, "What are you doing here? Akala ko ba may trabaho ka?" Napatingin ako sa malayo nang maalala ang sinabi.
"Sinabi ko ba 'yon?" Tanga-tangahan kong tanong. Tumingin pa ako sa taas na animong inaalala ang sinabi.
"Playing inosent huh?" Pang-aasar pa niya. Masama ko siyang tinignan at kumapa ng dahilan.
"Bakit ba? Atsaka, anong namang pakialam mo kung na'ndito ako? Kahit maglayag ako sa Bermuda Triangle, wala kang pakealam do'n!"
Tumawa ito nang nakaka-asar at itinaas ang dalawang kamay, "Woah! Calm down, lady. I didn't forced you to answer. Chill!"
Inismiran ko muna siya bago iniwang mag-isa at nagmadaling naglakad pabalik kanila Star.
"Sure ka na ba diyan?" Tanong ni Tito Suede, matapos ang meeting nila kay Madame Daycie. Sinabi ko sa kaniyang gusto kong mag-apply bilang HR sa kanilang hotel, habang na'ndito ako sa Boracay.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng ikahihiya ko, Silestin," Sabat naman ni mama. Kasalukuyan kaming nasa isang kilalang restaurant dito. Dapat ay hindi na ako isasama ngunit nagpumilit si Tito Suede, kaya wala nang nagawa si mama.
"Opo, Ma."
Tinignan ko ang reaksyon ni mama, at nakita ko ang pandidiri sa kaniyang mukha. Naagaw lang ang atensyon ko nang mag-salita si Tito Suede, "Buti nalang at pumayag si Daycie, na to be follow na lang yung papers mo. I'll call Ranz to ship your papers here," Maligayang asik nito at doon na natapos ang usapan namin dahil dumating na ang pagkain. Habang kumakain ay galak na galak si Mama habang pinapayuhan si Star sa kaniyang trabaho. Dating naging Head manager sa isang kilalang Hotel sa Dubai si mama, bago nagtayo ng sariling hotel sa Seattle.
Nang makauwi ako ay nag-palit lang ako ng damit, Nagsuot ako ng pajama at isang itim na hoodie, at lumabas para mag libot sa tabing dagat. Huling araw ko na ito para magliwaliw, at sa lunes ay magsisimula na ako. Bukas ay linggo at sinabi ni Tito Suede na pupunta raw kami sa isang mall sa kabilang bayan para bumili ng mga damit dahil purong mga pang tambay ang damit na dala ko.
Naupo ako sa isang Bar at nag order ako ng isang Red Iced Tea. Habang nag-aantay sa inorder ay nag paikot-ikot ako sa high chair nang may biglang pumigil doon na muntik ko nang ikalaglag sa mataas na bangko.
"Hindi mo talaga ako tatantanan, ano?" Naiinis na tanong ko at inabot ang inorder. Kinausap niya muna ang Bartender bago humarap saakin.
"My mom told me that you're going to work sa HR department," Malayong sagot nito.
"You don't seem to be surprised," kalmadong tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya na animong may sinabi akong himala.
"Now I'm surprised. I like the way you speak in english," Pamumuri niya kaya natawa ako. Hindi naman talaga halata saakin na marunong akong mag english.
Madaling kumilala ng tao, kung pagbabasehan mo sa kaniyang panlabas na anyo. Sa pananamit, pananalita, at kilos nito ay madali mo nang mahuhusgahan ang kaniyang pagkatao, "Sorry, I didn't mean to judge you," pagbawi nito kaya't mas lalo akong natawa.
"Ayos lang. Hindi naman maiiwasan ang panghuhusga. Kaya nga may tinatawag na 1st impression 'di ba?" natatawa kong tugon at sumimsim ng Iced Tea. Namangha nanaman siya sa aking sinabi at naupo sa tabi ko. Natahimik kami, tanging ingay sa loob ng bar at hampas ng alon ang sumasakop ng aking mga tainga, nang hindi niya napigilan at siya na ang naunang bumukas ng panibagong usapan.
"So... the girl named Sydney, is she your sister?" May paga-alinlangan niyang tanong. Tumaas ang kilay ko at natatawang lumingon sakaniya.
"Bakit? Type mo?" Nagbibirong tanong ko. Kung sasabihin niyang oo, ay agad ko siyang papakiusapan na itanan kaagad iyon.
"What? No. I mean, You share same features with her and Tita Grayce, only that your eyes resembles your father," Nagulat ako sa biglaan niyang assesment sa aking mukha. Napatingin ako sa buhanginan bago sinagot ang kaniyang tanong.
"Mag pinsan lang kami no'n."
"Oh..." tanging sagot niya, nahimigan yata ang pagiba ng boses ko. Tumayo na ako at hinarap siya.
"Mauna na ako. May lakad pa kami bukas," Pagpapaalam ko at umalis na nang hindi siya nililingon. Habang nasa daan ako ay iniisip ko kung anong magiging reaksyon ni mama pag narinig niya ang tanong ni Aj kanina. Baka hindi pa natatapos ang tanong niya ay tumanggi na agad si mama.
Natawa ako sa naisip at dumerediretso na lang pauwi sa aking villa.