Chapter 7
Tulala ako ngayon sa harap ng bar, habang walang tigil sa pangungulit ang katabi kong madaming freetime. Kakauwi ko lang galing trabaho at dumeretso dito para sana magrelax kaso nga lang may bumulabog niyon.
"You know, you can tell me if you want to quit. I'll tell my mom," Pang ilang ulit niya nang sabi iyan. Nauupos na pasensya ko nang harapin ko siya.
"P'wede bang pag-isipin mo ako? Kanina ka pa maingay diyan. Hindi ba Doktor ka? bakit ang daming mong oras?" Inis na sabi ko habang ang mata'y nanlilisik na nakatingin sakaniya. Jusko! Bakit ganito kadaldal itong lalaki na ito.
Hindi ko na inantay ang sagot niya at tumayo na lang para maupo sa tahimik na parte ng dalampasigan. lang oras lang akong nakaramdam ng kapayapaan nang lumapit nanaman siya saakin. Masama ko siyang nilingon at itinaas niya ang kaniyang kamay na may hawak na chichirya.
"I won't make a single sound. I'll just eat chips and you can continue thinking," Agad na sabi niya kahit wala pa akong binabanggit. Hinayaan ko na lang siya at humarap na lang akong muli sa mga alon ng dagat. Iniisip ko pa rin ang ibinalita ni Rusco saakin. Hindi ako makapaniwala na magagawa ni Maro 'yon sa kaniyang pinaka matalik na kaibigan. Kung dati'y silang dalawa ang palaging magkausap kapag may ganitong klaseng pangyayari, sino na ngayon ang kadamay ni Kuya?
"Kilala mo ba lahat ng doctor sa hospital na pinagtatrabahuhan mo?" Wala sa sarili kong tanong. Hinarap niya ako at nag-alinlangan na sumagot.
"Oo? ata."
"Nung inoperahan mo si Papa. May babaeng naka kulay dilaw na palda at lalaking may pasa sa mukha na pumunta sa hospital niyo. Yung babaeng iyon eh buntis tapos nakunan daw. Kilala mo ba yung doktor na tumingin sakaniya?"
Bahagya siyang natahimik at nag-isip.
"May dalawa kaming OB sa hospital. At yung oncall ata nung panahon na 'yon ay si Dr. Germoso," Sagot niya, "Bakit?"
Tumaas lang ang aking mag-kabilang balikat at kinuha ang chichirya niya at kumain ng ilang piraso. Hindi naman siya nag-reklamo kaya hindi ko na iyon ibinalik sakaniya.
"Akala ko nakapatay ako ng bata. May saltek lang pala ang ina niya," napa-iling na lang ako sa hangin, "Bago kasi kayo mag tanggalan ng damit, siguraduhin niyo muna kung kaya niyong panagutan ang mga posibleng mangyari lalo na't pareha niyong ginusto iyan," panenermon ko sa hangin.
Naisip kong baka pagkakamali lang iyon, ngunit umiling ako at kinontra ang sarili.
"It can never be a mistake. They should know their responsibilities and consequences. They are not children anymore. They know what they're doing, especially that bitch has a relationship with my brother while they're sleeping together. And she attempted to kill her own child! I mean, I don't care about her life, pero kung madadamay ako?" I laughed mockingly, "Gagawa ng kasalanan hindi naman pala kayang pagbayaran."
"Have you heard their side? There are always two sides of the coin," seryosong sagot nito.
"I tossed the coin, and my brother's side is facing upward so..." Huling sabi ko at tuluyan na kaming binalot ng katahimikan. Animong inalon ng dagat ang mga gumugulo sa aking isipan kaya't pumikit ako nang
"Have you been to states?" Panibagong tanong nito.
"Noong seven hanggang 13 years old ako. Sinama ako ng mama ko sa Seattle," wala sa sarili kong sagot.
"So Tita Grayce brought you there? That makes sense now," asik niya kaya't napatingin ako sakaniya at tinampal ang bibig. Napaka tanga mo, Sinag.
"Hindi ko siya mama," pagde-deny ko kahit alam kong wala nang point iyon.
"I know we aren't that close, but I can keep secrets." Humarap ito saakin at ngumiti, "You're just like your brother."
"Pa'no mo naman nasabi? Close mo ba si kuya?" Mapaghamon kong tanong.
"Yeah. We were classmates. I didn't know he have a sister. Iyon pala nasa ibang bansa ka," nagulat ako sa biglaan niyang sinabi. Hindi ko alam na meron palang maperang kaibigan si kuya? Akala ko si Maro na ang pinaka bigtime.
"Edi kilala mo rin sina Rusco?" Tanong ko pa.
"No. We are not that close. We just play billiards sometimes and I remembered he bet something na hindi ko pa nakukuha."
Nagpatuloy kami sa kwentuhan hanggang sa mag alas dose na. Puro kami tawanan nang mag kwento ako tungkol sa mga highschool life ko. Hindi na tuloy namin napansin ang oras at nang pag-uwi ko ay tahimik na ang paligid.
Kinabukasan ay maaga ulit akong pumasok. Ganun pa rin ang aking ginawa. Hanggang sa inabot na nga ako ng isang buwan sa tabaho.
"Silestin, narinig mo ba na na'ndito ulit yung anak ni madame!" Kwento ni Phiona, siya yung babaeng inabutan ni Aj, sa katapat kong cubicle.
Kasalukuyan kaming nasa Cafe, para mag lunch. Na promote na siya bilaang Jr. Recruiter, kaya't ang sabi niya'y ililibre niya daw ako. Siyempre libre iyon kaya kahit hindi naman kami masyadong close ay pumayag na ako. Siya lang din ang nakakasundo ko sa loob dahil ang iba ay kung hindi matanda na, eh suplada.
"Si Doc?" Tanong ko. Dalawang linggo pa lang noong umalis siya dahil may conference daw sila na gaganapin sa kanilang hospital. Sila pala ang may-ari ng hospital at last year na niya sa program.
"Oo! Hindi ba close kayo no'n? Hindi ka ba nililigawan no'n?" Si Phiona habang kinokolekta ko ang mga tirang pag-kain at inilagay iyon sa tissue.
"Hindi ah. Yung mama kasi no'n pati ma--- tita ko, eh magkaibigan. Kaya siguro akala niya friends din kami. May pagkapilingero 'yon," Sagot ko. Noong mga araw na naandito siya ay palagi niya akong binubulabog sa opisina namin. Nag-aabot ng mga kung ano anong pagkain saamin at kung minsan pa ay dinadaldal niya si Ms. Garcia.
"Usap-usapan sa Housekeeping Department na may girlfriend daw iyong intern dito. Yung kakapasok lang. Ang arte daw noon at ayaw pumayag na sa department nila mag service. Gusto ay sa front desk lang," Asik niya habang tinulungan na rin ako sa pag titipon ng mga tirang pagkain. Napatingin ako sa kaniya dahil sa palagay ko ay si Star ang tinutukoy niya.
"Yung pinsan ko ata 'yon. At kung yung pinsan ko nga iyon, hindi iyon totoo. Mas mahigpit pa sa sinturon ko ang mama no'n. Malaman niya lang na may manliligaw si Star, baka ipagiba niya buong Pilipinas para mapalayo iyong lalaki na iyon sa kaniya."
"Ang OA mo naman!" Tumawa siya. Akala niya ata nag bibiro ako.
"Hindi ako OA. Isang beses nga nung grade 7 pa lang iyan sa ibang bansa. May humalik diyan at nung nalaman ni ma-- Tita, ipinasarado niya ang eskwelahan nang hindi pumayag ang principal sa palayasin yung lalaking humalik sa anak niya eh."
Nanlaki ang mga mata niya at natulala sa likuran ko. Kumaway pa ako sa harap niya para sana mabawi ang atensyon niya ngunit hindi niya iyon pinansin kaya napagpasiyahan kong tumalikod na rin at namuti ang buong pagkatao ko nang makita ko si mama na nakatayo sa likuran ko, serosong seryoso.
"At kaya ko ring ipasara ang buong Boracay para lang mapaalis ka dito."