Apat

2 0 0
                                    




Chapter Four

Ilang oras kaming magkasama at puro hagulgol lang ni kuya ang bumabalot sa kalawakan ng rooftop. Nagbukas ang pintuan at tatlong pigura ng lalaki ang iniluwa nito. Nang makita ko ang isang lalaking may pasa sa mukha ay bigla nanaman akong sinampal ng mga salitang lumabas sa biig ng aking kapatid kanina.

"Sinag..." Malungkot na tinig ni Maro ang nakapagpatakas sa aking pinipigilang luha.

Agad na nanlambot ang aking mga binti at nasalo ako ni Rusco mula sa likod habang akay-akay ko pa din ang aking kapatid. Dumeretso ng tayo si kuya at pinunasan ang mugto niyang mga mata.

"Iuwi niyo muna si Sinag," Hinarap niya ako, "Sinag, sumama ka kayna tito Suede, sa Boracay. Kinausap ko na si tito bago ako umakyat dito. Hindi ka muna p'wede dito dahil pag nakaabot na yung balita sa mga kamaganak ni Weny, paniguradong magkakagulo sa lugar natin. Baka mas lalong magkagulo pag may mangyari sa 'yo," asik niya sa pinal na tono.

"Bakit? Kung makulong ako, edi makulong. Kasalanan ko 'di ba? Hindi ka ba galit sa 'kin?" Dirediretso kong pagtutol sa kaniyang plano.

"Sinag, kung gusto mo'ng kausapin pa kita, makinig ka sa 'kin. Ayokong pagkitain ko pa ulit kayo ng mama mo, pero..." matunog siyang bumuntong hininga at tumingin sa malayo.

Sa kaniyang huling sinabi ay agad akong natahimik at wala sa sariling bumaba na lang ng rooftop. Nagpunta ako sa nurse station at tinanong kung nasa'n Doc Valmorida. Nang makakuha ng sagot ay agad ko iyong pinuntahan at iniabot ko sakaniya ang kaniyang lab coat.

"Are you heading home?" Tanong nito ngunit hindi ko iyon pinansin, sa halip ay nagtanong ako.

"P'wede bang ako na lang yung magtanggal nung tahi?"

"Why?" Tanong niya pabalik. Hindi ko p'wedeng sabihin sa 'yo kung bakit.

"Ayoko na kasi bumalik dito. May trabaho kasi ako," pagsisinungaling ko, kahit ang aking trabaho ay tumambay lang buong magdamag.

"Wait... before that, fill this up first," pag-abot niya ng isang piraso ng papel na nakaipit sa clipboard.

"Patients Identification? Pasyente ba ako? hindi naman ako naadmit ah?" Takang tanong ko at ibinalik sakaniya ang papel. Umirap lang ito at hindi iyon tinanggap.

"That is also a proof that you are well aware that I operated you. Incase something came up to your colorful mind and sue me for stitching you up. Who knows?" Itinaas pa niya ang kaniyang magkabilang balikat, pag-kabanggit sa dalawang huling salita. Hindi na ako sumagot at padabog na sinagutan ang mga katanungan at nagtaas ang kaliwang kilay ko nang may nakalagay na address. Nilaktawan ko lang iyon at ibinalik na ang papel sakaniya.

Walang paa-paalam ay umalis na ako sa kaniyang paningin, hindi na hiningi ang sagot sa'king katanungan at dumeretso na sa labas. Pag labas ko ay nakaabang na ang tatlong kulugo at sabay-sabay silang lumingon nang tawagin ko sila.

"Tara na, mga langgam."

"Ayoko ngang sumama," Reklamo ko sa pinsan ko na si Star. Tumaas ang kaniyang kilay at pinaikot niya ang kaniyang mga mata.

"Let's go na kase! I need you to go there with me. You studied Human resources 'di ba? Help me lang to pass my interview. Being intern in this department makes me stress," mas lalo lang nagpantig ang tainga ko sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung nakagraduate ba talaga 'to na may latin honors

"Sydney Grace Maravilla Ramos, you graduated with latin honors. You gotta deal with your petty problems. This should be a piece of cake to you. I almost failed my three subjects. Why? Kase hindi ako interisado sa ganitong field," Nauupos na sagot ko.

Chained To YouWhere stories live. Discover now