XX : Alexander

67 3 2
                                    

MONDAY.

Last week na ng regular classes namin kaya busy ang lahat para habulin ang deadline ng mga requirements. Hayy... Eh ako, wala. Di ko kailangan gawin yan. 25% ng stocks ng university ay sa amin. Kaya naipapasa ko ang kurso ko ng walang kahirap-hirap. Pero pag exam, isa ako lagi sa topnotcher. Di lang talaga halata. -_-

"Pre!" sabay kapit sakin ni Juno sa balikat.

"Oh?"

"Di ako makakasama mamaya sa Lourtier."

"Bakit?"

"Alam mo na. Si Babe."

"Lakas na talaga ng tama mo diyan."

"Gaya ka na lang!"

"Anong gusto mo, pormahan ko din yang Babe mo?"

"Gagu! Si Hera pre."

"Tanga! Kay Serge na yun."

"Oo nga pala. Oh basta una na ako tol." at naghandshake nalang kami.

Naglakad na ako papunta sa building ko. May babae namang nabangga ng isang walang modong lalaki at nalaglag ang mga gamit niya. Tsk! Di man lang tinulungan oh.

"Bwisit bwisit bwisit!" inis na sabi ng babae habang inaayos ang gamit niya. Di ko makita ang mukha niya dahil nakayuko siya. Umupo na din ako at sinabing, "Let me help you Miss." napatingin naman siya sakin.

Gulat na gulat ang mukha niya.

"X-xander?"

"Mikael."

"Uhh.." agad niyang kinuha yung mga books kahit di ito ayos sa kamay niya. Muntik ng malaglag ang isang libro, buti nasalo ko ng pagtayo ko.

"Thanks." casual way niyang sinabi na para bang estranghero kami sa isa't isa.

"Okay." at saka siya nagmadaling lumakad. Talagang awkward pa din kami sa isa't isa.

Let The Game Begin (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon