MR. SILENCE'S POV
"Ivoryy!" then hinabol ko siya. Ang bingi eh.
"Oh? Cromcy? Bakit?"
"Pinapapanget mo naman pangalan ko eh. Cromwell okay. Cromwell!"
"Oo na po. Bakit ba? Malapit na magstart yung next class ko." then ngumiti ako sakanya. Kaibigan ko siya kaya for sure tutulungan niya ako.
"Pakibigay naman ito kay..uh...Hera." at nagulat ata siya dun then tinulak-tulak niya ako.
"You like her?"
"Oo. Basta ipakita mo yan. Itext mo lang ako pag patapos na siyang basahin yan, magpapakita ako." then lumakad na siya.
Umupo muna ako sa may hagdan na tabi lang ng room ngayon nila Hera, my goddess.
Nagtext na si Ivory kaya lumakad na ako. Psh! Nakakabadtrip lang, ang bagal maglakad nitong geek sa unahan ko. Sarap itulak eh.
Pero nagawa ko pa ring ngumiti kaso nakaharap kay Ivory si Hera.
Ngumiti sa akin si Ivory pero hindi ako nakita ni Hera. Nakakainis lang!
PE nila Hera. Dahil tapos na ang klase ko, pumunta ako sa gym. Andun daw sila Hera eh. Ang stalker ko lang. Pero dahil pogi ako,admirer ako. B-)
Kausap niya ngayon si Ivory, buti talaga friends sila. Tinuro ako ni Ivory.
Okay--confidence !
Pero bakit nakatingin siya sa geek na kalapit ko lang.
Uggh! Ang epal talaga nito! Bugbog to sakin mamaya.
Nanggagalaiti na yung mukha ko nang biglang tumingin si Hera. Agad akong nagsmile. Kumaway ako pero huli na ang lahat dahil nagsalita na yung coach.
Pinapanuod ko lang siya. Grabe! Ang ganda niya! Iba siya sa mga naging girlfriends ko. Simple lang siya pero may dating.
BINABASA MO ANG
Let The Game Begin (OnGoing)
Novela JuvenilPREVIOUSLY: "The Game of Love " ~~ Come with me. Let's play this game. Fun yet exciting. Are you ready? (c) WallEss