HERA's POV
"Saan tayo pupunta?"
"Kumapit ka ha?" at pinaandar na niya.
Napayakap naman ako sakanya ng mahigpit, ang bilis niya kasi. Pero kanina, di ganun kabilis. Feel ko tuloy liliparin na pati ang helmet na suot ko. Naisandal ko na din ang sarili ko sa likod niya.
Hmmm... Ang bango niya talaga. Hihihi.
Dinala niya ako sa isang amusement park, Candy Funland.
First time ko dito ah. Sa paglilibot ng mga mata ko, nakakita ako ng tarpaulin na ang sabi ay, 'Happy 20th Anniversary of Dela Rosa Corporation !' then sa baba, nakalist yung mga promos and everything. So kina Serge to?
"Lola ko ang nagpasimula ng Funland. She really loves to have fun." tapos tinuro niya yung statwa ng matabang kulot na matanda at may hawak na malaking candy.
"That's my Lola Candy." at nakangiti niyang tiningala ang statwa na pangwelcome sa entrance ng funland. Binabati naman siya ng mga workers dito. Sa kanila nga kase diba!
Mga naka-anim na kaming rides tapos kumaen muna kami. May bilihan kasi dito ng pagkaen, mga stall lang. Pagkatapos magpahinga, rides ulet. May mga babae namang nagpapapicture sa kanya. Edi ako, tumatabi muna. Yung iba iniirapan lang ako. Pero may mababait pa namang tao sa mundo at sinasabing bagay daw kami. Asus! Haha!
"Sorry for those girls."
"Ayos lang, ano ka ba? Hahaha."
"Talaga?" then hinawakan niya yung left hand ko at pinisil pisil ito.
8PM nang sumakay kami sa ferris wheel. Last ride na kasi to gawa kailangan ko na umuwi. "Malamig ba?"napansin ata niyang nilalamig na ako. Bigla naman niya akong inakbayan at dinikit pa lalo sa kanya.
Nakasandal na ngayon ang ulo ko sa bandang collar bones niya. Napangiti naman ako sa ginawa niya.
He's very sweet. A dream guy to be considered. Ang swerte ng babaeng magugustohan nito.
Well, that's me already. So I'm lucky na pala! Haha.
BINABASA MO ANG
Let The Game Begin (OnGoing)
Teen FictionPREVIOUSLY: "The Game of Love " ~~ Come with me. Let's play this game. Fun yet exciting. Are you ready? (c) WallEss