IV : Together in a Paradise

168 6 1
                                    

                                    ALEXANDER'S POV

"Mga bro, ihahatid ko lang itong kapatid ko ah."

"Kuya di sila kasama?"

"Landi landi ah!" tapos hinila na ni Juno si Yuri.

"Ayos talaga ang magkapatid na yun. Haha." sabi Raven.

"Di pala ako makakasama mamaya. Si Papa kasi."

"Ano ba yan Serge?! Ano kaming dalawa lang ni Xander?"

"May pupuntahan din ako, tol." haha. Kawawang Raven.

"Aish! Pupunta ko nalang si Rhea sa bahay niya. Sige alis na ako!" at naghiwa-hiwalay na kami.

Tinext ko na siya, 'San ka?'

Andito lang ako sa bench, nakaupo. Nagsiuwian na din ang mga estudyante, kaya ang tahimik.

*Bzzt*

Tagal magreply. -_-

'Starbucks.'

huh?! Nasa starbucks siya? Eh sinabi kong sabay kaming uuwi. Aish!

Btw, naging close na din kami. Ewan ko. Friends ganon. Pero pag kasama niya si Ruby, di ko siya pinapansin. Bakit ba niya kinaibigan yun? -_- Mapuntahan na nga siya.

5:12PM nang dumating ako sa Starbucks gamit ang kotse ko. Nakita ko agad siya, kasama niya si Ruby.

Pumasok ako at pumunta sa table nila.

"Bakit ka andito?" yun agad ang sinalubong sakin ng napakabait na si Hera. Tss...

"Sumama ka sakin." at hinawakan ko yung wrist niya para itayo siya.

"Bitawan mo nga ako!" at inalis niya yung kamay niya, "Can't you see, kasama ko mga friends ko!"

"I said, sumama ka sakin. Hindi ka tumutupad sa usapan eh. Psh!"

"Sumama ka na sakanya, Hera." at tinignan ko yung nagsalita.

"Ruby..."

"Okay lang samin ni Ruby na sumama ka sakanya. ^_^ Lovers really need some quality time." sino nga ba siya? Ang alam ko, kasama yan sa grupo ni Dazel eh.

"Lovers? Yuck!"

"Yuck ka diyan. Sige, alis na kami." kinuha ko yung bag niya at umalis na kami. Kulet din nito e.

Let The Game Begin (OnGoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon