SERGE'S POV
"Ang ganda ni Hera noh?" at tumango nalang ako bilang sagot sabay ngiti.
Nagpipicturan kasi ang tatlo, si Hera, si Ella at si Jissele na kapatid ni Cromwell.
At kung nasaan kami? Sa Hacienda Dela Rosa.
"Eto! Nailuto na din ang casava cake. Thanks to Manang Ilay." sabi ni tita Danica pagkababa niya sa kotse. Si Manang Ilay naman ang kusinera namin.
"Wow! Bebs mukhang masarap yan." lumapit na rin ang tatlo at kumaen na.
Ang dami pala ng niluto na casava cake.
First Sunday ngayon ng bakasyon kaya naisipan ng mahal ko, ay mahal ko talaga haha, na yun nga magpicnic daw kami kasama si Cromwell at Ella para naman magka-ibigan na ang dalawa.
"Excuse me lang po, may tawag lang ako." at tumayo na yung Jissele.
"Psh! Boyfriend niya lang yun."
"Naku! Hayaan mo na si Jissele." binatukan na lamang ni Ella si Cromwell. Nagkulitan pa ang dalawa.
Sabi senyo, magkaka-inlaban sila eh. Si Hera naman nagwink sakin. Ang mahal ko talaga. :D
"Serge, susunod ba sila Raven at Juno?"
"Oo daw."
"Anong sasakyan nila?"
"Kulay pula yung kay Juno. At si Raven, may mga graffiti yung sasakyan niya."
"Ah. Okay. Buttler Gen, narinig mo si Serge?"
"Opo Senyorita."
"Sabihin mo sa mga gwardya na pagbubuksan ng gate ang mga kotseng iyon."
BINABASA MO ANG
Let The Game Begin (OnGoing)
Teen FictionPREVIOUSLY: "The Game of Love " ~~ Come with me. Let's play this game. Fun yet exciting. Are you ready? (c) WallEss