HERA'S POV
9:03AM ako dumating sa school.
Si Gee kasi, kinulit ako kanina. Buti wala pa yung prof namin. Haha.
4:58PM, nasa Starbucks ako with Ivy and Ruby.
"Ang cute talaga!" sabi ni Ruby habang tinitignan ang mga pictures ni Gee sa phone ko.
"May narinig na akong kanta na Gee ang title eh. Ganito pa nga yun, ~Gee gee gee baby!~" with matching dance step pa na ginawa yun ni Ivy ah.
"Naalala mo ba Ivy na sinayaw yan nung group ni Riza nung nag-best dance group search sa SEU." sino naman yung Riza?
"Yeah! And may chika ako Rubs... Teka lang, di mo pa siya kilala noh?" tanong sakin ni Ivy. Mabagal naman akong tumango.
"Si Riza Diana Yu ay isa sa magaling na dancer ng SEU. Sikat, maganda at mabait din." sabi ni Ruby.
"Diba kasali ka sa cheerdance?" tumango ako, "Oh yun! Siya yung morena na hanggang shoulder lang ang hair." yun pala.
Mabait nga yun saka magaling. Di ko lang talaga siya kilala as Riza. Yu kasi lagi tawag namin sakanya.
"So, Ivy, anong chika mo?" excited lang talaga itong si Ruby eh.
"Oh eto. Ayun sa source ko, 3 consecutive days last week, magkasama si Riza and Juno sa Lourtier. Nakakagulat nga daw kasi walang ibang babae si Juno maliban kay Riza. Nakakagulat right? That casanova going out with the groovy chick. They're not even close!" yung kaibigan ni Serge yung Juno.
May alam kaya dito si Serge?
"Nakakaloka talaga ang group nila.... Si Xander..." napatingin ako bigla kay Ivy, "Napalapit kay Hera. Haha." tinignan ko lang siya ng masama. Nagpeace-sign naman siya sakin.
"So, kamusta na kayo ni Xander?" tanong sakin ni Ruby.
"Hmm..Wala. Saka wala na kaming pakialamanan."
"So kaya pala, si Serge naman ngayon?"
"Ano Ivy?"
BINABASA MO ANG
Let The Game Begin (OnGoing)
Teen FictionPREVIOUSLY: "The Game of Love " ~~ Come with me. Let's play this game. Fun yet exciting. Are you ready? (c) WallEss