Chapter Ten: Glenn

98 7 0
                                    

Nagpaalam na ako sa driver ko na di ako sasabay sa kanya at sasama muna ako kay Glenn. He said he knew a place and I wonder what is it.

Nope! Hindi ako tanga at mapanghinala para pagiisipan si Glenn na dadalhin niya ako sa isang lugar na alam kong iniisip niyo. Walang ganun dito. Kaya, I know. I'm safe with Glenn. He's not a kidnapper at lalong rapist.

Anyway,

Sumabay ako kay Glenn at may ipapakita daw siya saakin. It's a place where he went when he's stressed, bothered, happy or sad. Ganito ata talaga kaming mga 'rich kids'. Kahit sabihing, maginhawa ang buhay namin. We are never content on what we have.

May sinabi si Glenn na lugar na tunog ng sound ng hayop. Di ko na maalala pero the name sounds so funny, natawa pa nga ako.

Nang tumigil ang sasakyan, lumabas na kami ni Glenn at iniwan na kami ng sasakyan.

"Ako na magdadala ng bag mo." Sabi niya saakin.

"sure ka?" Tumango lang siya at kinuha ang bag ko. Mabait talaga itong lalaki na to. Kaasar! Konti na lang crush ko na siya.

Wait! Ang landi!

"Medyo lalakarin pa natin ang bundok pero di naman ganun ka-lakad na parang naghihiking." Sabi niya.

"Okay" Sabi ko.

Totoo ngang naglakad pa kami at umakyat ng bundok pero di naman nakakapagod, gawa naman kasi ng kwentuhan at tawanan namin kaya hindi alintana ang layo. It never bothered us.

"Andito na tayo." Sabi niya at parang isang tourist guide sa pagwelcome niya saakin ng lugar.

Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ni Glenn sa bangin, balak niya ba akong itulak na?

Pero joke lang yun. Kasi ang ganda ng view!

Sa harap ko ay ang dagat na imbis na sand ang nakapaligid ay puro bato at ang clear ng tubig. Kung may dala lang akong pang swimming ay tatalon na ako. Parang nangaakit ang ganda.

Kahit nang tumingin ako sa likod ay di ako nabigo sa ganda ng view, makikita ang mga bundok at palayan, na sobrang green and mala-tourist spot ang peg. Hindi ko tuloy alam kung saan ako titingin.

Pero, mas nakuha ng atensyon ko ang nasa harap ko, ang ganda talaga ng beach na ito. Ngayon lang ako nakakita ng beach na ganito. Ever! This is the coolest beach, sealine, coast or whatever you call this.

Kaya dun muna ako naistatwa. Tinignan ko si Glenn na nakapamulsa at hinahangin ang buhok na nakatingin lang sa dagat.

"How did you find this place?" Tanong ko sa kanya.

"Ewan ko.. Basta na lang akong dinala ng mga paa ko dito. Ever since nung bata ako pag nagbabakasyon ako dito, pumupunta akong patago sa mga dagat at palayan to play. Alam mo na, pag bata, minsan lang makawala e.  Tas I found this. My stressed relief place! Anyway,  Nagandahan ka ba?"

"Yeah, I love it. Wait lang." Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang view, uupload ko to sa insta ko later!

"Glenn, smile!" Nagselfie muna kami ng ilang shots din at tsaka bumalik sa pagkakatulala sa view.

"Here." Sabi niya at inilahad saakin ang bato.

"What will I do with that?" Tanong ko.

"Ibuhos mo lahat ng sama ng loob mo. Just like this."

"Ayoko na maging anak ng mayor!!!" Sigaw niya pagkatapos binato ang bato.

Woah. This guy has a lot of hugot.

"Try mo din." Sabi niya.

Pumulot ako ng bato at binato iyon ng pagkalayo-layo.

"Bwiset kang stepmother ka!!!! Inagaw mo na tatay ko!! Tapos aagawan mo pa ako ng position!! Ayoko sa magiging kapatid ko!! Ayoko!! ayokooooo!!"

Pinulot ko lahat ng batong naapakan ko at binato iyon sa dagat. Buti na ang at walang naliligo doon sa baba kaya wala namang akong matatamaan kundi ang kawawang napakagandang dagat.

"Okay na ba? Meron pa ba?" Tanong niya, kinuha ko ang last na bato sa paanan ko.

"Para sayo yan Tonying! Walang araw na di ka nakakabwiset! Bait-baitan pa more! Di ako magkakacrush sayo! Ang pangit mo!"

Natawa naman si Glenn dahil doon. Huminga naman ako ng malalim dahil hiningal ako sa kakasigaw. Whew! I didn't know that throwing all of your sama ng loob will be this tiring yet, fun!

"Baka kainin mo ang sinabi mo a." Sabi niya at umupo sa malaking bato sa galid. Umirap ako sa kawalan at umupo na lang sa tabi niya.

"Madalas ka ba dito?" Tanong ko ulit.

"Hindi, pag may problema lang. Or pag wala akong magawa sa bahay. Nung summer madalas ako dito, marami ding naliligo dito pag bakasyon na." Kwento niya.

"Siguro sa kakabato mo ng bato dito, imbis na sand ang surface ng dagat, puro bato na." Tumawa kaming dalawa.

"Siguro nga." Sabi niya. Ngumiti siya pero ang ngiti niya ay may bagkas ng kalungkutan.

"Bakit nga pala, ayaw mo ng maging anak ng mayor?" Tanong ko.

Nagbato ulit siya ng bato sa dagat.

"Ammm. Okay lang kung wag mo ng sagutin."

"Ikwekwento ko sayo yung akin, kung i-kukwento mo din yung sayo."

"Deal!" I said.

"Okay..." Huminga siya ng malalim.

"Bata pa lang ako, nakasunod na sa pangalan ko ang 'future mayor', nung una dahil bata palang ako, wala akong ibang alam na magiging kinabukasan ko kundi maging mayor, pero habang lumalaki ako, nagkaroon na ako ng pangarap para sa sarili ko."

"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya saakin at ngumiti.

"Gusto kong maging pilot. I have a major obsession with planes and stuff." Sabi niya at agad tumingin sa langit.

"And, ayaw nila?" Panghuhula ko.

"Oo. Because I'm the future mayor." Sabi niya. Malungkot ang mga mata niya at parang joke na tinawanan ang sinabi niya.

"Ayaw ba nilang magpilot ka, at the same time mayor? Pwede naman yun diba?"

"Yun din ang sabi ko noon e, Pero ang pilot kasi, pumupunta ng ibang lugar, walang time for government and such."

Humugot ako ng malalim na hininga. Woah.. Soooo. Di lang pala ako ang may problema, siya din pala. I guess, we're both have a poor unfortunate souls. Pero bakit naman, di obvious ang pagkaproblemado niya?

"And I was born and grew up in states, Kailangan kong tumira dito for how many years para sa stupid rules of government. Pag umalis ako dito, baka di daw ako pwede maging mayor, alam mo naang walang pang pilotong school dito sa lugar na ito." Tumango na lang ako to agree. Mahirap pala ang pinagdadaanan ng isang ito. Tsaka sa states pala siya lumaki, no wonder why he got his accent and the complexion. Well, no wonder din kung bakit angat na angat siya sa iba. We're both from a big place to here, a province.

"How about you, what's the problem of being a sister? Ako nga, humihiling na magkapatid for him or her to be the mayor." Tumawa siya ulit. I rolled my eyes and took a deep breath.

Goodbye, Spoiled Brat.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon