I heard a knock on my room's door. It's saturday today and I know walang pasok but why are they disturbing my beauty sleep?
I rolled my eyes.
Di ko na lang pinansin at natulog na lang ulit. I'm in the middle of a good sleep. Pati ba naman sa pagtulog ko may mambwi-bwisit pa din?
"Mam andito po ang mga kaklase niyo daw po." Halos mahulog ako sa kama ko dahil don. What? Ano nga ulit ngayon? Dahan dahan akong bumangon at tinatamad na tumayo papuntang bathroom.
Oo nga pala. Dito sila gagawa ng project namin. Yes, nila. Alangan naman sumali pa ako sa paglalagari, e ang napakalaking contribution ko dito ay ang mismo ng kahoy na-assign saamin. Tsk.
Bakit pa kasi kailangan dito pang gumawa ng woodcraft sa bahay namin diba? Baka madungisan pa at magiwan ng kadugyotan ang mga jeje na mga iyon.
I washed my face and brushed my teeth bago ako bumaba. Bahala ng walang ayos, kahit naman anong mangyari maganda pa din ako kung itabi sa mga tao dito.
Nang ready na ako, bumaba na ako and nakita ko silang nakaupo sa sofa namin. Halatang relaxed na relaxed sila dito at kung makasandal sila sa sofa ng house ko akala mo kanila ito. Ohmygosh baka mamaya madumi na yan. Puti pa naman.
"Hi Angela!" bati ng mga dugyot na groupmates ko. I rolled ny eyes. Akala ko tuwing weekday lang talaga ako mabwibwisit at di makakakita ng jejemon, pati ba naman ngayong sabado? Bakit pa kasi ako pumayag na dito kami gumawa ng group project?
Pero, okay na din yan kesa pumunta pa ako sa bahay nila. Mahirap na baka ikidnap pa nila ako at kunan ng ransom.
Bago ako malunod sa kakaisip ng mga bagay na iyon, I went to our dining room to have my breakfast na. Buti naman at maayos ayos na ang mga hinahain sakin lately, Edible na siya at pwede ng laman tiyan.
Naririnig ko silang nagtatawanan at parang naghaharutan sa sala. Naiirita ako sa mga tunog ng halakhak nila. Sa mga boses nilang di ko alam kung bakit ganun.
"Ate, can you please make paalis sila sa sala at dun sila sa patio? They're annoying. Tsaka baka may mabasag pa sila dito." Sabi ko sa katulong ko na lately ay natatanggap ko na ang mukha.
"Sige po mam." Sabi niya. Maya maya ay tumahimik na ang sala, maybe they went there na. I feel relieved haha. Ayoko talagang makasalamuha ang mga balugang iyon.
Nang matapos akong kumain ay pinuntahan ko na ang mga 'unfortunately' groupmates ko. Nakita ko namang kahit maligalig sila e gumagawa at nagda-drawing na sila. Good. Akala ko puro pasarap lang sila sa bahay ko.
"Angela, Yung sa kahoy natin. Pwedeng 50% sayo? Kasi napagtanong tanong ko sa iba na mahal nga iyon at kailangan pang.."
"Don't worry, nakausap ko na si dad diyan, madali lang makakuha non, We own a company that imports high class kind of woods." Sabi ko at umirap sa kawalan. Itong Tonying na ito ang leader-leaderan ng grupo namin. I hate how bossy he is. Kala mo alam niya lahat ng bagay.
Namangha ko naman ang iba kong kagrupo dahil sa sinabi ko at nagpalakpakan sila. Hay nako, palibhasa ngayon lang ata sila nakarinig ng ganoon at naka-encounter ng katulad ko.
Excuse me! Marami kaming negosyo at di lang basta-bastang negosyo iyon. From 5 star hotels to Grocery stores at kahit Gasoline stations mayroon kami. Si Dad lahat ang nagpapatakbo noon.
Nagpatuloy sila sa drafting ng aming project. Wala pa kaming totoong gawa talaga dahil wala pa kaming wood. Syempre, pinanood ko lang silang gumawa. Malaki na ang contribution kong magstay sila dito sa bahay at magprovide ng wood namin.
Dahil sobrang out of place lang ako doon, wala akong ibang ginawa kundi magcellphone na lang. May signal naman kahit papaano, pero may specific place at kailangan mong hanapin pa. Syempre, mabagal.
I was so busy with my phone kaya di ko napansin na lahat sila nakatingin sa ginagawa ko. Iniwas ko ang phone ko sa mga mata nila at tinago.
"what?!" Sabi ko. Baka mamaya nakawin pa nila ito. Mahirap na! Di na panaman ako bibigyan ng phone ni dad hangga't di maganda ang grades ko.
"May fb ka? Meron din kami e. Add mo ako." Sabi ng kagrupo ko.
"What? I don't add jejemons." Sabi ko at inirapan siya.
"Grabe ka naman. Di porke't mga ganito itsura namin jejemon na." Sabi ni Tonying. Whatever. Di ko na lang siya pinansin at umupo kung saan malayo sa mga jejemon. Ha! Nahurt ko ata ang feelings nila dahil nasabihan ko silang jejemon. But, truth hurts, they have to deal with it. Mas okay nang saakin nila marinig iyon. Hahaha. Okay.
"Mam Angela, baka gusto niyo pong bigyan ng meryende ang mga bisita niyo?" Sabi ng katulong. I rolled my eyes. I can't accept na bisita ko sila. May bisita akong jejemon. Haha okay, I'll stop the jejemon thingy na nga. Baka may ma-offend ulit.
"Sige, ikaw na bahala kung ano ibibigay. Baka masabihan pa akong selfish ng mga ito e." I said at parang nagbagting ang mga tenga ng mga kaklase ko at isa isa silang nagtinginan. Whatevs. For sure kaya gusto nila dito kasi bukod sa maganda ang house ko, may libreng food. Alam ko na yang mga ganyan. Naamoy ko na pakay nila dito.
"Thank you Angela. Next time, magdadala kami ng pagkain dito para di ka na magabala sa meryenda namin." Sabi ni Tonying, di ako makatingin sa kanya. Nabasa niya kaya ang nasa isip ko? Oh well.
"Di na, I can provide food. Tsaka kahit ubusin niyo pa pagkain dito may pambili pa din ako." Sabi ko at nagkunwaring nagsc-scroll sa phone ko.
"Ganyan ba talaga ang mayayaman? Ang yabang porke't alam nilang may kaya sila sa buhay?" Hirit nanaman niya. This time, napatingin ako sa kanya. What? What did he say?
"excuse me?" Yun na lang ang nasabi ko.
"Wala. Sabi ko aalis na kami. Thank you na lang sa meryenda mo." Ha! Siya pa may ganang magtampo at magalit dito? Siya na nga itong nagsabi ng kung anu-ano? Ako pa ata ang mali ngayon?
"Tonying sayang ang meryenda.." Bulong ng isa kong kagrupo na narinig ko naman.
"Kung gusto niyong magmeryenda pa. Sige, pero di ko kayang kumain ng galing sa pera ng mayaman na yan. Kung makadikdik na mayaman sila." Sabi niya at nagwalk out. Nakakagigil!! Kala mo kung sino!! Naoffend ko ba siya? well, sorry pero di ko intensyon iyon. I'm just stating the fact na mayaman ako, o e bakit? Totoo naman e. He's such a bullshit. Bahala siya jan.
"Naku! Angela, sorry ha? pero salamat sa meryenda!" Sabi nila at dahil nawala ako sa mood dahil doon, umakyat na lang ako sa kwarto at nagmukmok doon. Nakakainis talaga yung lalakeng iyon! Presensya niya palang naiinis na ako, samahan pa ng salita niyang kala mo ang dami niyang alam!
BINABASA MO ANG
Goodbye, Spoiled Brat.
RomanceAngela was forced to go to their province as a punishment for her behavior. She is mean, stubborn and surely a big pain in the ass for anyone. What Angela wants, Angela will get. She's spoiled and thinks that she's the best and beats anyone out of h...