Ikaw at Ako
I have a bestfriend. He's my childhood friend. Sabay kaming lumaki, kaya iba talaga ang samahan namin. He is the most caring friend for me. Lagi niya akong inaalala. Karamay ko siya sa lahat ng ganap sa buhay ko. Syempre, gano'n din ako sa kanya.
"Hoy Sandra, samahan mo 'ko may bibilin ako sa bayan," aya ni Justine
"Libre mo 'ko milk tea?" sagot ko naman.
"Tsk! Sige na nga lilibre na kita."
Sobrang close namin. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay. Komportable na rin kami sa isa't isa. Wala kaming tinatago sa na kahit na ano.
"Justine! Gala tayo," I said and pouted.
He chuckled. "Sige ba."
Nakatingin pa rin siya sa 'kin kaya nagtaka na 'ko. "B-Bakit ganyan ka makatingin?"
He shook his head. "Wala. Ang cute mo," he said casually.
Maayos naman sana kami hanggang sa 'di ko namalayang nahuhulog na pala ako sa kanya. Nahihirapan na akong kasama siya. Ang hirap kapag may tinatago. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Isusugal ko ba ang pagkakaibigan namin sa pag-amin ko o itatago ko na lang ang nararamdaman ko?
Simula nang mahulog ako kay Justine, nag-iba na ang turing ko sa kanya. Kung ipagpapatuloy ko ang dating pakikitungo sa kanya, baka lalo lang akong mahirapan na pigilan ang nararamdaman ko sa kanya.
"Sandra, ayos ka lang ba? May tinatago ka ba sa'kin?" nag-aalalang tanong niya. He's looking at me as if he's reading through my mind.
Kinabahan ako bigla at halos matunaw na 'ko sa mga titig niya. "Ha? B-Bakit naman ako m-magtatago sa'yo?" Hindi ko maiwasang mautal. Nahahalata na niya yata. Bwisit.
"Sure ka? No'ng nakaraan ko pa kasi napapansin na parang umiiwas ka, eh. You don't even reply to my messages anymore."
"Hindi, ah. Medyo busy lang talaga," pagsisinungaling ko.
Ilang linggo ang nagdaan. Akala ko mawawala rin ang nararamdaman ko pero hindi. Lalo lang lumala. Sa bawat galaw niya ay 'di ko maiwasan na lalong mahulog. Everytime he care about me, I always assume that it's something special. But, I know that he's doing as only as my best friend. Ang bigat sa loob na itago ang nararamdaman ko. Napag-isipan kong umamin sa kanya at bahala na kung ano ang mangyari.
"Justine, may sasabihin sana ako sa'yo," seryoso kong saad nang pumunta siya sa bahay. Hindi ako mapakali at sobra akong kinakabahan.
"Ano 'yon?" Kumunot ang noo niya.
"Gusto kita, Justine. Matagal na. Oo, alam ko na mali kasi bestfriend kita... pero ang hirap pigilan ng puso, eh. Tanggap ko naman na hindi mo ako magugustuhan tulad ng nararamdaman ko sa 'yo pero sana walang magbago sa pagkakaibigan natin." Nangilid na rin ang nga luha ko na hindi ko malaman ang dahilan.
"I'm sorry, Sandra." He looked down.Tama ka, hindi ko magagawang suklian ang pagmamahal mo pero maipapangako ko na walang magbabago sa pagkakaibigan natin." Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha niya ang pagkabigla.
Isang linggo pa lang ang nakalilipas simula nang umamin ako pero ramdam ko na ang pagbabago. Sabi niya, walang magbabago pero bakit ganito? Ang layo na niya sa 'kin at hindi ko na siya maabot.
Natuwa ako nang makita ko siyang mag-isang naglalakad. Tinawag ko siya agad, "Justine!"
"Oh?" malamig niyang sagot.
Bakit gano'n? Ibang iba na siya.
"Magpapasama sana ako, may bibilin kasi ako sa bayan," saad ko na may ngiti, tinatago ang pait na nararamdaman.
"Ayoko," walang emosyon niyang sagot.
"Ha? Bakit naman, libre kita milk tea! Tagal na nating 'di nakakagala eh. Miss na rin kita."
"Ayoko nga sabi, eh! Ano ba Sandra?! 'Wag kang umasta na parang girlfriend kita. Baka nakakalimutan mo, kaibigan lang kita. Kaibigan lang kita at kahit kailan ay hindi kita magugustuhan! Naiintindihan mo ba?" bulyaw niya sa 'kin at iniwan akong nakatulala.
Nag-uunahan ang mga luha ko. Ang sakit marinig sa kanya ang mga katagang 'yon. Sinampal niya ako ng katotohanan na hanggang kaibigan niya lang ako.
Sorry, Justine. Lumagpas ako sa linya. Nakalimutan ko. Nakalimutan ko na kaibigan mo nga lang pala ako. Meron lang ikaw at ako pero kahit kailan, hindi magkakaroon ng 'tayo'.
BINABASA MO ANG
Glimpse of my Imagination
Teen FictionA compilation of my one shot stories Disclaimer: This compilation is unedited and I wrote these when I was still on elementary. This is a work of fiction and any resemblance to actual person, place or events is pure coincidence.