Ikatlong Upuan sa Silid-Aklatan
Ngayon ay unti unti nang bumabangon ang Pilipinas mula sa pandemya. Unti unti nang nagbubukas ang ekonomiya. Natuloy na rin ang face to face learning. Ngunit kaakibat nito ang mga patakaran ng bagong normal. Una na dito ang pagsusuot ng face masks at face shields.
Nakakapanibago. Ang laki ng ipinagbago ng mundo. Nakakalungkot. Ang tahimik na ng paligid ko. Nawala ang mga nagkukulitan o 'di kaya'y nagtatakbuhan na estudyante sa hall way. Ang dating maiingay na mga classroom ay nabalot ng katahimikan at takot. Takot na maka sagap ng virus. Takot na baka pag-uwi sa kanya kanyang bahay ay may dalang virus.
Sa ngayon, papunta ako sa library kung saan mayroong seminar at motivational talk na nagaganap. Maging dito ay ramdam na ramdam ang pagbabago. Naging one-seat apart ang mga upuan. May bilang na ang tao na maaaring pumasok. Hindi tulad noon, tabi tabi ang mga magkakaibigan habang nakikinig. Ngayon, magkakalayo na ang bawat isa.
Sa gitna ng pakikinig, hindi ko maiwasang maikumpara ang sitwasyon sa dati. Inaamin ko, kahit pa ang gulo ng ilan noon, mas gusto ko 'yon kaysa sa silid na binabalot ng lungkot at takot. Pero wala... walang magagawa kun'di ang makisabay sa hamon ng bagong normal.
Matapos ang seminar, nanatili ako sa loob ng silid aklatan. Ang tagal na rin mula nang mamalagi ako rito. Ang sarap balikan ng mga ala alang nabuo dito. Umupo ako sa aking paboritong pwesto, pinaka-unang upuan mula sa pinto at saka sinimulang basahin ang paborito kong nobela. Ang nobelang ilang ulit ko nang binasa dito mismo sa loob ng library.
Habang nagbabasa, hindi ko na namalayan na tumutulo na ang luha ko dahil sa nakakalungkot na eksena ng nobela. Napalingon ako nang may nag-abot sa'kin ng panyo.
"Huwag kang mag-alala, Miss. Malinis 'yan." Ibinigay niya sa'kin ang panyo. "Stryke Lopez pala," pagpapakilala niya.
"Desiree. Desiree Mendez," sagot ko naman.
Sa sobrang pagkatutok ko sa pagbabasa ay hindi ko na napansin na may nakaupo na pala doon at nakita pa akong umiiyak dahil sa nobela. Nakaupo si Stryke sa ikatlong upuan, may pagitan kaming isang upuan.
Lumipas ang ilang araw. Gano'n pa rin. Nakakapanibago. Tahimik pa rin ang paligid. Ngunit, napadalas ang pagkakita ko kay Stryke.
"Oh, Desiree! Saan ka? Library uli tayo?" aya niya habang nakangiti. Nakakaganda ng araw.
"Sige ba!" pagpayag ko naman.
Naging mabilis ang paglipas ng mga araw. Hanggang sa naging malapit na kami ni Stryke sa isa't isa.
"Uy, Stryke. Punta tayo sa library, wala naman 'yong huling subject."
"Sige, susunod ako. May ipapasa lang ako sa teacher ko." Tumungo na 'ko sa library.
Naging kagawian na namin ni Stryke ang pagpunta ng library. Hilig niya na magbasa ukol sa history. Ako naman, iba't ibang nobela ang binabasa ko.
Tumagal pa ang mga araw at lalo kaming napapalapit sa isa't isa. Naramdaman ko rin na unti unti na akong nahuhulog sa kanya. Aaminin ko, nasanay na 'ko sa presensya niya.
Isang araw, nakita ko siyang may kasama. Babae. Hindi ko alam pero naiinis ako. Nakakairita. Hindi ko siya pinansin. Napansin niya siguro 'yon kaya pilit niya akong kinakausap.
"Teka nga, naiinis ka ba dahil may kasama ako kanina?" tanong niya. Hindi ko sigurado pero para bang may bahid 'yon ng pang-aasar.
"Paano kung oo, may gagawin ka ba?" panghahamon ko pa.
"Talaga? Nagseselos ka?" Sumilay ang matamis niyang ngiti. "Kaklase ko lang 'yon. Ikaw lang naman ang gusto ko," deretsang sabi niya.
"Teka? T-Totoo ba 'to? Gusto mo ako?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Mukha ba 'kong nagbibiro?" Bulong niya sa tenga ko. "Matagal na kitang gusto, Desiree."
Halos hindi ako makatulog ng gabing 'yon. Gulong dito, gulong doon. Ang saya saya ko.
Hindi rin naman nagtagal ay nakaramdam na ako ng antok dala na rin ng pagod.Kinabukasan, binisita ko agad ang cellphone ko upang tignan kung may message si Stryke. Ngunit, laking gulat ko nang makita na wala siya sa contact ko. Sinubukan ko na hanapin pero wala talaga. Naguguluhan na ako. Kagabi lang ay masaya pa kami. Anong nangyayari? Bakit unauthorized number ang phone number nya?
Ilang saglit pa ay dumating ang ate ko. Iyak siya nang iyak. Hindi ko alam pero parang ang sama ng kutob ko sa sasabihin niya.
"Desiree, magkinig ka sa'kin. Tama na. Parang awa mo na, tigilan mo na 'yan. Hindi totoo si Stryke. Hindi totoo ang lahat. Tulungan mo naman ang sarili mo! Naiintindihan mo ba?! Paano kita tutulungan kung ayaw mo naman magpatulong? Ang lahat ay gawa gawa mo lang dahil sa sakit mo. Tama na, Desiree." Halos mabingi ako sa narinig. Hindi. Hindi pwede. Ang lahat... imahinasyon lang ang lahat.
Walang Library. Walang Stryke. Ang lahat ay bunga ng sakit ko. At hindi ko matanggap. Parang hindi ko kayang tanggapin ang katotohanan. Kung 'yon na pala ang huling pagkakita ko kay Stryke... sana hindi ko na hinayaang matapos. Sana hindi na ako gumising mula sa imahinasyon.
Minahal ko ang katauhan na kailanman ay hindi mapapa sa'kin. Dahil minahal ko ang katauhan na tanging sa imahinasyon ko lang makikita.
Kung alam ko lang. Kung alam ko lang sana na imahinasyon ang lahat... sana hindi ko na pinatagal. Sana hindi ko hinayaan ang sarili ko na mahulog sa isang taong mula sa imahinasyon ko.
BINABASA MO ANG
Glimpse of my Imagination
Teen FictionA compilation of my one shot stories Disclaimer: This compilation is unedited and I wrote these when I was still on elementary. This is a work of fiction and any resemblance to actual person, place or events is pure coincidence.