The Last Page (Part 2)

5 1 0
                                    

Until the very Last Page

Tatlong taon na rin pala ang nakalilipas. It's been three years since the last time I saw Aaron. Masakit 'yung ginawa nya pero mahal ko pa rin siya. At kahit pa gano'n ang kinatapusan namin, masaya ako dahil ganap na siyang abogado ngayon. Natupad nya na ang pangarap niya... hindi na nga lang ako kasama.

Nagmamadali akong pumasok sa company—my own company when I bumped into someone. Laking gulat ko nang makita kung sino ang taong 'yon.

"Aaron," walang emosyong sabi ko sa kabilang ng pagkagulat.

"Nice to see you again, Rhiane," he replied.

Mukha masaya ka na, Aaron. Sana ako rin. Sana kaya ko rin maging masaya tulad niya. I wish that it's easy to forget about everything.

Hindi lang 'yon ang naging pagkikita namin. Naging isa kasi siya sa lawyers ng company ko. Maybe it's a sign na rin to talk to him? We didn't have a proper closure. Maybe we can talk?

Nang makita ko si Aaron ay tinawag ko agad siya "Aaron, maybe we can talk? Uhm about... us? I guess we both need a closure," I asked carefully.

"Well, it's 3 years late." He shrugged. "But sure, let's talk about it later. Maybe at the cafe. Excuse me, please," he answered with finality.

I just nodded before proceeding to my office. Halos lutang ako habang nag-tatrabaho. I can't stop thinking of him! Why the hell am I like this? Bakit ang sakit pa rin tuwing nakikita ko siya? He's the one who hurt me... but why am I the one who's suffering? At bakit mahal ko pa rin siya?

Lumipas ang dalawang oras at ilang minuto na lang ay mag-uusap na kami ni Aaron. Wala rin naman akong nagawang trabaho dahil sa kakaisip sa lalaking 'yon. Akala ko, okay na 'ko pero sa asta ko ay hindi pa pala.

Pumunta na ako sa cafe at nakita ko naman agad si Aaron na nakaupo sa table malayo sa karamihan. He's busy with his phone. He is wearing his black dress shirt with folded sleeves. Nagkatinginan kami. Those tantalizing eyes, it was still the same since the first time we've met. Ang mga matang nagpahulog sa'kin... na siya ring sumira sa'kin.

"Good afternoon, Atty. Ramirez," I greeted him formally as I reach his seat.

"Good afternoon. Please drop the formality, Rhiane. We're here to talk about what happened to us years ago," he said and I nodded.

"So, first of all, I want you to know how miserable my life was after what you did. Hindi ako selosang babae at tanging sa kanya lang ako nagselos. You said that she's just your friend so I shouldn't be jealous... but it turned out na she's more than just your bestfriend." I gave him a small smile, preventing my tears from falling.

"I also want to apologize since I did not gave you a chance to explain. Pero hindi mo ako masisisi, Aaron." Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko.

"Sobrang sakit sa 'kin dahil nalaman ko 'yon mismong anniversary natin. Nakakatawa na habang nag-iisip ako nang paraan para masorpresa kita, may iba ka na pala." I paused and took a deep breath. "Go on, explain your side."

"I would not deny it, Rhiane. Those chats she uploaded on twitter... they were real," he admitted.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Umaasa pa rin ako na baka hindi 'yon totoo. Pero wala, totoo nga ang lahat.

"But I didn't cheat on you. I love you so much, Rhiane. Masakit din para sa'kin na iniwan mo 'ko sa anniversary natin."

Naguguluhan na 'ko. Paanong hindi nya ako niloko?

Glimpse of my ImaginationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon